Chapter 37 Lorenzo’s Pov Nasa opisina ako, Linggo man, ngunit kailangan kong magtrabaho para i-maintain ang image ko. Ngunit ang focus ko ay biglang nawala nang dumating ang aking secretary at inabot ang isang makapal na sobre. "Sir, subpoena po ito mula sa korte. Legal matter po yata," sabi ng secretary ko, ang boses niya ay may pag-aalala. Naramdaman ko ang lamig na bumalot sa katawan ko. Subpoena. Ibig sabihin, seryoso na talaga si Samantha. Hindi siya nagbibiro na maghiwalay. Hawak ko ang sobre. Makinis at pormal. Katulad ni Samantha. Hindi siya nagpapatali sa walang kwentang kasal. Binuksan ko ito, marahas na pinunit ang gilid. Binasa ko ang nilalaman. Petition for Annulment batay sa Psychological Incapacity. Ang mga salita ay tumusok sa akin. Hindi niya lang gustong makipaghiwa

