Eli’s POV Kundi sa babaeng mahal na mahal ko at alam kong hindi ko kayang pakawalan. Inilapag ko ang baso at kinuha ang cellphone ko. Automatic na bumukas ang chat namin. Walang bagong message. Walang notif. Walang kahit anong senyales. Nakatitig lang ako sa screen, parang umaasang biglang may lilitaw. Wala. Napahinga ako nang malalim. “Okay,” mahina kong sabi. “Kaya ko ’to.” Pero kahit ako mismo, alam kong nagsisinungaling ako sa sarili ko. Kasi sa bawat minutong lumilipas na wala siyang sagot, mas lalo kong nararamdaman kung gaano ko siya kamahal. At kung gaano ako kahina kapag wala siya. Kinuha ko ulit ang cellphone ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na ’tong ginawa ngayong umaga. Parang may sariling isip ang kamay ko diretso sa pangalan niya kahit pilit kon

