Eli’s POV Nakatitig ako sa cellphone ko. Hindi ako kumukurap. Hindi dahil may hinihintay akong tumunog kundi dahil nakita ko na. Seen. Walang kasunod. Walang typing bubble. Walang kahit anong paliwanag. Parang may dahan-dahang humigpit sa dibdib ko. Hindi masakit sa paraan ng sigaw. Masakit sa paraan ng paghila unti-unti, paulit-ulit. So binasa niya. Alam niyang andito ako. Alam niyang nag-aalala ako. Pero pinili niyang manahimik. Napahinga ako nang malalim, pilit inaayos ang sarili ko. Okay lang. Ito ang hinihingi niya. Space. Ito ang sinabi niya. Pero putang ina… ang hirap pala kapag nakita mong nakarating ka sa kanya pero hindi ka pinapasok. Ibinalik ko ang cellphone sa mesa, tapos kinuha ulit. Parang tanga. Baka may late reply. Baka nag-iisip lang. Baka— Wala.

