Chapter 32 Samantha’s Pov Mabilis akong lumabas ng apartment at naghintay sa labas ng gate. Ang galit ko ay halo-halong kaba at pag-aalala. Ano'ng nasa isip ng batang ito at nagawa niyang sumugod dito nang ganitong oras? Nang matanaw ko ang motor niya na papalapit, ang headlights niya ay nagpakinang sa dilim. Inihinto niya ang motor, at mabilis siyang nagtanggal ng helmet. Ang buhok niya ay magulo, at ang pagod sa mukha niya ay kitang-kita. "Eli! Gabing-gabi na! Bakit pumunta ka pa dito?" tanong ko, ang aking tinig ay may awtoridad ngunit may bahid ng pag-aalala. Bumaba siya sa motor at lumapit sa gate, ang mga mata niya ay matindi. "Tita Sam, miss na miss na miss na kita! Hindi ko na kinaya! Hindi ko kayang hindi ka makausap at makita," sabi niya, ang mukha niya ay nakasimangot na pa

