Chapter 20 Samantha’s POV Umabot kami ng madaling araw sa bar. Parang walang katapusan ang aming kaligayahan ang bawat tawa, bawat shot ng tequila, at bawat indak sa dance floor ay nagsilbing pagpapahayag ng aking kalayaan. Ngunit ang kaligayahan ay may hangganan. Si Grace, na hindi mapigilan sa kaka-inom, ay lubusan nang lango sa kalasingan. Nakahilig siya sa table, ang buhok ay magulo, at pilit na bumubulong ng mga kanta. Si Ivy naman, bagaman may tama na rin, ay mas nakakaya pang maging responsable. Biglang tumayo si Ivy, pinilit alalayan si Grace. “Samantha, I need to go. Iuuwi ko na si Grace. Lasing na lasing na siya, hindi na makatayo nang maayos.” Wika ni Ivy sa akin na kalma lang kahit lasing na din. “Kaya nga, maihahatid mo ba siya? Kaya mo ba, Ivy?” tanong ko, sinubukan ko

