Chapter 19 Samantha’s POV Nang marinig ko ang huling linya ni Eli. “Hindi ko kayang umalis. Hindi na ulit.” naramdaman ko ang pag-ikot ng aking tiyan. Ang kaba na pilit kong itinago buong gabi ay biglang bumalik. Ang buong celebration namin ay nasira ng kanyang pagdating. Lumapit si Eli sa aming table, suot ang kanyang leather na black jacket na gwapo sa porma nito. “Can I join?” tanong ni Eli, at ang tanong ay hindi para sa akin, kundi para kina Ivy at Grace, na nakatitig sa kanya ng walang kukurap. Bago pa ako makapagsalita, inabot niya ang kamay niya sa dalawa. “I’m Eli.” “Ivy,” sagot ni Ivy, na agad hinawakan ang kamay niya, tila na-hypnotize sa kakaibang charm nito. “At ito si Grace. So, Eli..anong last name mo? At paano mo nakilala si Sam?” Ang tanong ni Ivy ay parang alarm

