Chapter 28 Samantha’s POV Maaga akong umuwi sa apartment mula sa clinic. Ang therapy session ay nakakapagod, at ang paghaharap namin ni Veronica kanina ay tuluyan nang umubos sa aking enerhiya. Habang nagmamaneho ako, ang isip ko ay nasa pag-iingat. Kailangan kong panindigan ang annulment at ilihim ang koneksyon ko kay Eli. Pagdating ko sa gate ng village, nagulat ako. Nasa labas ng aking gate si Lorenzo, nakatayo at naghihintay. Ang kotse niya ay nakaparada sa gilid, at ang hitsura niya ay pagod at seryoso. Ito ang unang pagkakataon na sinadya niya akong puntahan dito sa apartment na binili ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kotse. Isinara ko ang pinto at huminga ako nang malalim bago ko siya harapin. “Anong ginagawa mo dito, Lorenzo? Himala, pumunta ka dito?” Ang tanong ko ay puno ng b

