Chapter 27 Samantha’s POV “Huwag mong sabihin sa akin kung ano ang gagawin ko! Ang annulment ang gusto ko, at siya ang ayaw magpirma. Hindi ako ang problema, Veronica. Ang problema ay si Lorenzo na hindi makapagdesisyon kung sino talaga ang mahal niya!” Ang aking hininga ay mabilis, at naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay. Tumingin sa akin si Veronica nang may sympathy isang false sympathy na lalo kong kinagalit. “Hindi mo ba nakikita, Sam? Kahit pinakasalan ka niya, hindi ka ang pinili niya! Ikaw ang panakip-butas niya sa sakit na iniwan ko. Kaya ngayon, ibalik mo na siya sa akin. Wala kang karapatan sa kanya!” Tumaas ang boses ni Veronica. “Walang karapatan?! Nag-aksaya ako ng sampung taon sa buhay ko, nagpanggap na asawa niya, sinuportahan siya sa lahat ng problema niya lah

