Chapter 25 Samantha’s Pov Nagmamadali akong bumangon mula sa kama na may matinding afterglow pa rin at nagtungo sa banyo. Matapos ang mabilis na paliligo, hinila ko sa closet ang aking signature black structured dress isang damit na bumabagay sa aking propesyon at nagpapatingkad sa aking confidence. Habang nagbibihis, tumawag si May, ang aking secretary. “Ma’am, tumawag po ang client ninyo. Mrs. Sanchez po, gusto niyang ma-una ang session ninyo ng thirty minutes dahil may emergency meeting po siyang dadaluhan.” Wika ni May sa akin. “Ano? Bakit ngayon mo lang itinawag May.” Gulat na tanong ko sa kanya. “Ma’am kasi hindi naman po siya tumawag muna on the spot po siya pumunta dito ma’am.” Sagot ni May sa akin. “s**t,” bulong ko. “Sige, May. Sabihin mo, five minutes akong late. Papunta

