Eli’s POV Pagpasok ko pa lang sa bahay, sinalubong na ako ng katahimikan. Walang ilaw sa sala, walang boses na umaalingawngaw parang sinadya ng mundo na ipaalala sa akin kung gaano ako nag-iisa sa gabing iyon. Ibinagsak ko ang susi sa mesa at naupo sa gilid ng sofa. Nakatitig lang ako sa phone ko. Walang bagong mensahe. Wala pa rin. Bakit, Samantha? Bakit ganito mo ako tratuhin parang isang bagay lang na puwedeng iwan kapag naging komplikado na? Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang inis at sakit na nagsasabay sa dibdib ko. May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi ko dapat sinabi? O sadyang ganito lang talaga kapag ako na ang pinili, kailangan mo nang umatras? Kanina lang, magkasama kami sa korte. Hawak ko ang kamay mo. Ramdam ko pa ang init ng palad mo sa akin. Tot

