Chapter 67 Samantha Pov. Sumabat si Eli, kalmado pero buo ang loob. “Hindi kita ginagalang bilang kausap, Lorenzo,” sabi niya, “pero igagalang ko si Samantha. At kaya ako nandito.” Tumaas ang kilay ni Lorenzo. “Talaga? Akala mo ba hindi ko alam kung anong ginagawa mo?” “Alam mo man o hindi,” sagot ni Eli, “wala na iyong saysay.” Lumapit pa ng isang hakbang si Lorenzo, pero hindi ako umatras. Sa halip, ako ang humakbang pasulong. “Tama na,” sabi ko, malamig ngunit matatag. “Hindi ito lugar para sa eksena mo. Kung may natitira ka pang dignidad, ilugar mo.” Saglit kaming nagkatitigan parang bumabalik ang lahat ng dati. Pero ngayon, ako na ang unang umiwas ng tingin. Hinila ko nang bahagya si Eli. “Tara na,” sabi ko. Habang naglalakad kami palayo, ramdam ko pa rin ang titig ni Loren

