Chapter 2

1561 Words
Chapter 2 Samantha’s POV Nasa harap na ako ng clinic. Ipinark ko agad ang sasakyan ko, saka mabilis na bumaba. Habang naglalakad papunta sa pinto, ramdam ko ang simoy ng umagang may halong pagod. Pagpasok ko, itinulak ko ang salaming pinto at sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon. “Good morning, Miss Samantha,” bati ng assistant kong si May na may magalang na ngiti. “Good morning, May. Nandyan na ba si Mrs. Mendez?” tanong ko habang inaalis ang suot kong shades. “Opo, Miss Samantha. Nasa loob na po ng office ninyo, naghihintay,” sagot niya. “Yes, Miss,” ang laging tawag sa akin ni May at ng ibang staff dito. Hindi ko kasi gusto na tawagin nila akong Mrs. Gibson. Mas sanay at mas komportable akong marinig na Miss Samantha. Parang doon lang ako nakakaramdam ng sarili kong pagkatao. “Salamat, May,” sabi ko sabay lakad papasok ng office ko. Pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko si Mrs. Mendez na nakaupo at halatang may mabigat na iniisip. “Oh, hello Mrs. Mendez. Pasensya na, I’m late,” sabi ko habang lumalapit sa kanya. “No, it’s okay, Miss Samantha. Kakarating ko lang din naman,” magiliw niyang sagot sabay ngiti. Umupo ako sa swivel chair sa likod ng mesa, inilapag ang bag at susi ng kotse. “Ahm... ano bang problema mo, Mrs. Mendez?” tanong ko, sabay kuha ng ballpen at notepad. “Actually, Miss Samantha,” nagsimula siya, “tungkol po ito sa pagsasama namin ng asawa ko. Parang wala na po siyang gana makipaglaro sa akin kapag nilalambing ko siya, pakiramdam ko umiiwas siya.” Bumuntong-hininga siya, sabay yuko. Napatingin ako sa kanya. Saglit akong napatulala. Parang ako ang nasa sitwasyon niya. Ang sakit marinig ang mga salitang iyon, kasi ako mismo ramdam ko rin iyon kay Lorenzo. “Miss Samantha? Miss Samantha,” tawag niya, sabay tapik sa mesa. “Ah, sorry Mrs. Mendez,” sagot ko, medyo natauhan. “Actually, nag-uusap pa ba kayo ng asawa mo lagi? O parang may lamig na rin sa pagitan ninyo?” “Nag-uusap pa rin naman kami,” sagot niya, “pero hindi na gaya ng dati. Lagi siyang busy sa work. Pag-uwi, pagod, tahimik, parang laging wala sa mood. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Minsan naiisip ko, baka may pagkukulang ako o baka sawa na siya sa akin.” Tahimik lang akong nakinig habang nagsasalita siya. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita. Habang pinapakinggan ko siya, bumalik sa isip ko ang mga gabi kong ako naman ang naghihintay kay Lorenzo at ang mga sandaling hindi ko maintindihan kung bakit tila unti-unti kaming nagiging estranghero sa isa’t isa. “Ahmmm...” sabi ko habang pilit binabalik ang focus. “Masasabi ko lang, Mrs. Mendez, subukan mong kausapin siya. Maging open kayo sa isa’t isa. May napapansin ka ba sa kanya yung mga kilos niya pag mag-isa siya, o baka may ka-text, o kakaibang ugali lately?” “Wala naman po, Miss Samantha,” sagot niya. “Nakikita ko lang, laging pagod, laging tahimik, parang wala sa sarili.” “Ganito,” paliwanag ko. “Subukan mong kausapin siya nang maayos. Tanungin mo kung may problema siya. Minsan kasi, ayaw lang nilang ipakita o sabihin sa asawa. At kung sakaling may pinagdadaanan siya, baka kailangan lang ng pang-unawa at konting lambing.” Tumango siya, pero halatang nag-aalangan. “Sana nga, Miss Samantha, ganun lang. Kasi kung ibang dahilan ‘yan hindi ko kakayanin. Baka kasi may babae na siya kaya lumalamig.” Ngumiti ako ng mahina. “Wag ka munang magbintang. Baka pagod lang talaga, o may stress sa trabaho. Wag mong isipin agad na may third party. Obserbahan mo muna, kausapin mo ng mahinahon. Baka may dahilan na mas malalim pa diyan.” Tumango siya ulit. “Sige po, Miss Samantha. Susubukan ko po ang payo ninyo. Babalik na lang ako next week para magpa-consult ulit.” “Anytime, Mrs. Mendez. Open naman dito. Contact mo lang si May kung gusto mo magpa-schedule,” sagot ko sabay ngiti. “Thank you, Miss Samantha,” sabi niya, sabay tayo at labas ng office. Naiwan akong tahimik. Napatingin ako sa mesa ko, hawak ang ballpen na wala namang sinusulat. Oo, s*x therapist ako,bulong ko sa isip ko. Pero bakit parang sarili ko, hindi ko kayang gamutin? Nakakatulong ako sa mga problema ng iba, pero sa sarili kong buhay lalo na sa amin ni Lorenzo parang wala akong lunas. Napabuntong-hininga ako at kinuha ulit ang ballpen, nilaro-laro ito sa pagitan ng mga daliri ko. Parang nilalaro ko rin ang sarili kong damdamin na hindi ko maunawaan. Biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, si Ivy ang tumatawag. Dinampot ko agad at sinagot. “Hello, Ivy! Napa-tawag ka?” tanong ko. “Samantha, nasa clinic ka ba ngayon?” tanong niya mula sa kabilang linya. “Yes, nandito ako. Bakit?” tanong ko, medyo nagtataka. “Nandito ako sa labas! Napadaan lang ako. Tara, lunch tayo! Treat ko ‘to. Tagal na rin nating hindi nagkikita!” sabi niya. “Ano? Biglaan naman ‘to!” natatawa kong sagot. “Bakit, bawal ba kitang yayaing lumabas?” tugon niya, may halong biro. “Hindi naman! Nakakagulat ka lang, bigla-bigla kang sumusulpot. Sige na nga, wait for a while, frenny. Lalabas na ako,” sabi ko sabay tawa. “Okay, hintayin kita dito sa labas!” sagot niya. “Okay, saglit lang. Bye!” Agad kong kinuha ang bag at lumabas ng office. “May,” tawag ko. “Yes, ma’am,” sagot niya agad. “Lalabas lang ako. Lunch lang kami ni Ivy. Ikaw muna bahala dito, ha. Kapag may client, tawagan mo lang ako. At kapag tumawag si Lorenzo, sabihin mong nagla-lunch lang ako kasama si Ivy.” “Okay po, Miss Samantha. Noted. Ingat po,” sagot niya. “Thanks, May. Lunch ka na rin,” sabi ko bago tuluyang lumabas. Paglabas ko, agad kong nakita ang itim na kotse ni Ivy. Nilapitan ko at sinilip siya sa salamin. “Salamat, ha. Saan tayo magla-lunch?” tanong ko habang binubuksan ang pinto. “Ako na bahala,” sagot niya habang hinahawakan ang manibela. Pinatakbo na ni Ivy ang sasakyan. Habang bumibiyahe, napansin kong napapalayo na kami. “Saan ba tayo pupunta, Ivy? Parang ang layo na natin sa clinic,” tanong ko, kunot-noo. Ngumiti lang siya. “Relax ka lang, friend. Kakain lang tayo. Ako na bahala.” “Bakit parang may binabalak ka?” tanong ko, nakangisi. Ngumiti siya ng misteryoso. “Secret muna. Pero promise, magugustuhan mo ‘to.” Pagkalipas ng ilang minuto, huminto kami sa isang restaurant na pamilyar sa amin dati. “Nandito na tayo, frenny!” sabi niya sabay tanggal ng seatbelt. Sabay kaming bumaba. Pagpasok sa loob, palingon-lingon si Ivy na parang may hinahanap. “Sino hinahanap mo?” tanong ko, pero hindi siya sumagot agad. “Ivy!” sigaw ng isang babae mula sa kabilang mesa. Napalingon ako at nakita ko si Grace. “Ayun, nakita ko na!” sabi ni Ivy sabay kindat sa akin. “Hoy! Bakit nandito ka?” gulat kong tanong nang makalapit kami sa mesa ni Grace. “Ah, talaga! Pinagkaisahan niyo ako, ha!” biro kong sabi habang nagtatawanan silang dalawa. “Kailan ka dumating, Grace?” tanong ko sabay upo sa tabi niya. “Kahapon lang,” sagot niya. “Sobrang busy mo kasi kaya kay Ivy na lang ako nagsabi na magbabakasyon ako rito.” “Paano kasi,” sabat ni Ivy, “martyr na si Samantha sa asawa niya! Trabaho-bahay na lang, ni hindi na nga sumasama sa atin gumimik!” “Bakit, nagbago na ba si Lorenzo sayo, Samantha? O si Veronica pa rin ba ang mahal niya?” tanong ni Grace, diretso. Natigilan ako. Hindi ako makasagot. Napayuko na lang ako habang nararamdaman kong kumakapal ang hangin sa pagitan naming tatlo. “Haisst... yan na nga ba ang sinasabi ko,” sabi ni Grace, sabay iling. “Bakit ka kasi pumayag magpakasal sa kanya, eh alam naman nating si Veronica talaga ang mahal niya. Ikaw tuloy ang nasasaktan.” “Kailan ka ba matutunang mahalin ni Lorenzo, Samantha?” dagdag pa niya, medyo mataas ang tono. “Okay naman kami ni Lorenzo, Grace,” pilit kong sagot, kahit alam kong hindi ako kumbinsido sa sarili kong sinabi. “Wag kang magpakatanga, Samantha,” madiin niyang sabi. “Alam namin ugali ni Lorenzo. Ginawa ka lang niyang panakip-butas nang iwan siya ni Veronica. Ayaw niyang mapahiya sa pamilya niya kaya ikaw ang pinakasalan niya.” “Wag mo namang ipamukha sa akin na kawawa ako, Grace!” halos pabulong pero puno ng emosyon kong sabi. “Kaya nga ayokong makipagkita sa inyo, kasi alam kong susumbatan niyo ako sa katangahan ko.” Hinawakan ni Grace ang kamay ko. Malumanay pero mabigat ang bawat salitang kasunod. “Samantha, kung hindi mo na kaya, bitawan mo na. Wag mong pilitin ang taong ayaw. Sa sampung taon mong pagtitiis, sobra na. Minsan kailangan mong palayain ang sarili mo para makalanghap ulit ng saya. Naaawa na kami sayo. Wag mong sayangin ang pagkakataon lumigaya.” Hindi ako nakaimik. Tahimik akong tumingin sa kanila, habang sa loob-loob ko parang may kumikirot na sugat na matagal ko nang pilit tinatago. Pero ngayon, unti-unti na namang bumubukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD