Chapter 3
Samantha’s POV
“Frenny, hayaan mo na si Samantha. Kumain na lang tayo. Wala rin naman tayong magagawa desisyon niya ‘yan.” wika ni Ivy habang inaabot ang baso niya.
Napabuga ng hangin si Grace, halatang pinipigilan ang inis.
“Okay fine,” aniya, “ayokong masira ang pagkikita natin ngayon dahil lang diyan sa lalaking manloloko. Samantha, mahal kita parang kapatid na kita, kaya nadadala lang ako.”
Ngumiti ako kahit ramdam kong mabigat pa rin ang dibdib ko.
“Kalimutan na muna natin ‘yan, please. Ang mahalaga, magkakasama tayo ngayon. Kumain tayo ng marami habang nandito ka, Grace.”
“Hay naku, ano pa bang magagawa ko,” sabi ni Grace, sabay taas ng kilay. “Kain na nga lang tayo.”
Napangiti si Ivy. “Ayan, ganyan dapat! Hindi puro drama. Tara, dessert naman!”
Natapos kaming tatlo kumain, at tuloy-tuloy lang ang kwentuhan namin. Tawa dito, kwento doon parang bumalik kami sa dati. Halos hindi namin namalayan ang oras. Nang mapatingin ako sa relo ko, nagulat ako.
“Grabe, alas-singko na pala!” sabi ko habang tinatakpan ang bibig sa gulat.
“Bakit?” tanong ni Grace, kunot-noo. “May curfew ka ba kay Lorenzo?”
Napangiti ako ng pilit. “Hindi naman, Grace. Napatingin lang ako. Ang haba pala ng kwentuhan natin.”
“Hayaan mo siya,” sabi ni Grace, sabay kindat. “Hindi ka naman siguro hinahanap sa bahay ninyo. Baka nga mas gusto pa niyang wala ka.”
“Grabe kayo,” sagot ko, pilit na tumatawa. “Hinahanap naman din ako ni Lorenzo minsan.”
“Minsan nga lang ba?” Napatanong ni Grace sa akin.
Hindi ako naka sagot sa tanong ni Grace sa akin.
Tumingin si Ivy sa akin, medyo seryoso. “Frenny, minsan magpahinga ka rin. Hayaan mong maramdaman ni Lorenzo ang pagkawala mo. Magpa-miss ka para hanapin din niya ang halaga mo.”
Napayuko ako saglit, saka ngumiti. “Oo, iniisip ko rin ‘yan. Pero kailangan ko ring balikan yung clinic. Nando’n pa ‘yung sasakyan ko.”
“Hayaan mo, ihahatid na kita,” alok ni Ivy. “Huwag kang mag-alala, kami bahala sa’yo. At si Grace, gusto pa ngang mag-inuman mamaya.”
Umiling ako agad. “Hindi pwede, Ivy. May aasikasuhin pa ako sa clinic. Baka may urgent appointment bukas.”
“Alam mo, Samantha, ang KJ mo na talaga!” reklamo ni Grace, nakakunot ang noo. “Hindi ka naman ganyan dati. Noon, ikaw pa ‘yung laging nagyayaya. Ngayon, todo tanggi ka.”
“Next time na lang, promise. Hindi ko naman akalain na bigla kayong mag-aaya ngayon.”
“Sabihin mo na lang, takot ka kay Lorenzo.”
Umirap ako. “Hindi ah! May kailangan lang talaga akong tapusin sa clinic, swear.”
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. “Oh, siya. Magta-taxi na lang ako, Ivy. Maiiwan ko muna kayo rito. Next time, promise, sasama ako sa gimik natin. Gusto ko rin naman magpahinga, pero hindi pa ngayon.”
Napatingin silang dalawa sa akin habang nakatayo ako.
“Hindi ka na ba namin mapipigilan, Samantha?” tanong ni Grace.
“Promise, Grace, next time talaga.” sagot ko sabay ngiti.
“Ayaw mo na bang sumabay sa akin?” tanong ni Ivy.
“Hindi na, samahan mo na lang si Grace. Magta-taxi na lang ako.” sagot ko sabay tapik sa balikat niya.
“Basta sa susunod, ha?” sabi ni Ivy, sabay taas ng kilay. “Wala nang tanggihan. Chill naman minsan.”
Ngumiti ako, sabay halik sa pisngi nila pareho. “Oo, promise. Next time talaga. Ingat kayo.”
“Bye, Samantha. Ingat ka rin, fren!” sabay sabing sabay silang kumaway.
Habang palabas ako ng restaurant, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Pag-abot ko sa kalsada, nag-abang ako ng taxi.
“Grabe talaga ‘yung kaibigan nating si Samantha,” sabi ni Grace, sabay tikim ng juice niya. “Nakakainis minsan ang bait, pero sobrang martyr. Hindi ko alam kung maiiyak ako o maiinis.”
Napailing si Ivy. “Alam mo, ngayon lang ulit kami nagkita. Lagi na lang siyang busy sa trabaho niya. s*x therapist nga siya, pero sarili niya, hindi niya matulungan. Sa pag-ibig, laging talo.”
“Hindi mo rin siya masisisi,” sagot ni Grace. “Dati pa kasi crush niya si Lorenzo, pero si Veronica talaga ang mahal nun.”
“Exactly,” sabi ni Ivy, nakakunot ang noo. “Ginawa lang siyang panakip butas. Kawawa talaga si Samantha. Nasasaktan siya pero pinipilit pa rin.”
“Nagpakatanga lang talaga kaibigan natin. Hindi na nga din nagpapakita si Veronica sa atin.” Aniya ni Grace.
“Oo simula hiwalayan niya si Lorenzo hindi na nagpaparamdam. Nasaan na kaya yung bruha na yun?” Napatanong si Ivy.
“Malay ko don wala na din ako balita sa kanya.” Sagot naman ni Grace kay Ivy.
Pagkalipas ng ilang minuto ng paghihintay, may dumaan ding taxi. Agad akong sumakay.
“Kuya, sa SpringWoods po,” sabi ko sa driver.
“Okay, ma’am,” sagot niya.
Sinandal ko ang ulo ko sa upuan at pumikit sandali. Napagod ako sa maghapon, pero mas pagod ang puso ko. Ilang beses akong napabuntong-hininga hanggang sa makarating kami sa clinic.
Pagbaba ko, binayaran ko ang pamasahe at naglakad papasok. Naabutan ko pa si May.
“Hi, Miss Samantha!” bati niya, sabay ngiti.
“Hi, May. Sorry ngayon lang ako nakabalik. Nagkita kasi kami ng mga kaibigan ko. Anyway, you can go ahead. Out ka na.”
Ngumiti si May. “Okay lang ‘yon, ma’am. At least nakapagpahinga ka rin kahit konti.”
“Salamat, May. Ingat ka sa pag-uwi.”
“Ikaw din po, ma’am.”
Pagkaalis niya, tahimik na ulit ang clinic. Umupo ako sa swivel chair at napasandal. Naalala ko ang mga sinabi ni Grace. Tama sila... walang pagmamahal si Lorenzo sa akin. Ako lang ‘tong pilit kumakapit.
Napaluha ako. s*x therapist ako, pero sarili kong puso, hindi ko alam paano gamutin.
Mag-a-alas otso na nang makarating ako sa bahay. Madilim. Walang ilaw, walang ingay. Kinuha ko ang susi at binuksan ang main door. Tahimik pa rin.
Umupo ako sa sofa at tiningnan ang cellphone ko. Walang tawag. Walang message.
“Hanggang kailan ko ba ‘to titiisin?” bulong ko sa sarili. “Kahit halata naman, hindi na niya ako pinapahalagahan.”
Tumayo ako, pumunta sa bar counter, at kumuha ng bote ng wine. Inabot ko ang baso, nilagyan, at dahan-dahang uminom. Bawat lagok, may kirot.
Nang sumilip ako sa relo, alas-onse na. Hindi pa rin siya umuuwi. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya, pero bago ko pa man mapindot ang number niya, may humintong sasakyan sa labas.
Lumapit ako sa terrace at sumilip. Puting kotse. Hindi kanya. Nakita kong may bumabang babae nakangiti, tumatawa. Sunod na bumaba si Lorenzo mula sa driver’s seat.
Napatago ako sa gilid ng bintana. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakita kong lumapit ang babae, at… naghalikan sila.
Parang may pumutok sa loob ng dibdib ko.
“Veronica mag-ingat ka sa pagmamaneho,” narinig kong sabi ni Lorenzo.
“Okay, babe. I love you,” sagot ng babae.
Tumulo ang luha ko. Tama nga si Grace. Si Veronica pa rin.
Nang makaalis ang kotse, pumasok si Lorenzo sa gate. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at pumunta sa kusina, nagkunwaring abala.
Pagbukas ng pinto, narinig ko ang boses niya. “Samantha, gising ka pa?”
“Ah, yes honey,” pilit kong ngiti. “Hinihintay kita. Nakapag-dinner ka na ba?”
“Oo, tapos na. Nag-dinner ako sa labas, may meeting kasi kami. Kaya late na ako.”
“Ganun ba.” mahina kong sagot.
“Sige, sobrang pagod ako. Mauuna na ako sa kwarto para mag-shower at makatulog.”
Tumango lang ako. Hindi ko na nasagot. Nang makapasok siya sa kwarto, napayuko ako at napahawak sa dibdib ko.
Hanggang kailan, Samantha? Hanggang kailan mo titiisin ‘to?
Pumasok ako sa kwarto. Nakita ko siyang mahimbing nang natutulog. Hindi man lang ako tinanong kung kumain na ako, kung okay ba ako. Para akong hangin sa paningin niya.
Tahimik akong umupo sa gilid ng kama, pinagmamasdan siya. Tama sila, Grace at Ivy. Wala talaga akong halaga sa kanya. Pero asawa ko siya. Nagsumpaan kami sa harap ng Diyos. Sa hirap at ginhawa. Pero bakit ganito pinaparamdam mo sa akin Lorenzo ang sakit-sakit. Dapat sabihin mo na lang ako ng totoo na hindi mo na lang ako mahal para hindi ganito nararamdaman ko. Sadyang naaawa ka lang ba sa akin na hindi mo ako iwan iwanan at saka palihim lang pala kayong nagkikita ni Veronica.
Hindi ko alam kung paano tatanungin siya gusto ko lang naman malaman kung may pagmamahal ba sya sa akin o wala talaga para kahit masakit papalayain ko na lang siya. Kailangan ko siyang kausapin bukas. Nawalan lang talaga ako ng lakas tanungin siya naunahan lang ako ng kirot sa puso ng nakita ko sila mag kahalikan ni Veronica.
Napaluha ako habang tinititigan ko siya.
Sana kahit minsan, makita mo rin ang halaga ko, Lorenzo. Kahit konting pagmamahal lang sana Lorenzo. Mahal na mahal kita. Pero kung wala akong sa puso mo sana bitawan mo na ako para matahimik na kalooban ko.