Chapter 4
Eli’s POV
“Salo, Eli!” sigaw sa akin ng kakampi ko habang bigla niyang ipinasa ang bola.
Hindi ko agad nasalo. Pak! diretso sa mukha ko ang tama ng bola. Napaatras ako sa lakas, napahawak sa ilong, at halos mapaupo sa sakit.
“Tangina naman, sinasadya mo ata eh!” sigaw ko kay Josh, sabay tingin ng masama. Akmang aatake na ako, pero pinigilan ako ng dalawang kalaro namin.
“Sorry pre, hindi ko naman sinasadya!” agad niyang sabi habang umaatras.
“Hindi, pre. Sinadya mo talaga.” Sumugod ako at sinuntok ko siya sa panga bago pa siya makaiwas.
“Hoy, tama na! Tama na, Eli!” sigaw ng isa naming teammate habang nagtakbuhan ang iba para pigilan kami.
“Gago ka ha! Akala mo hindi ko nakikita na sinasadya mo?! Ano, lumaban ka!” sigaw ko habang inaawat ako ng dalawa kong kakampi.
Si Josh naman, hawak-hawak ang panga niya, galit din ang tingin.
“Gago ka ba? Sinabi ko nang hindi ko sinasadya eh! Kasalanan ko bang ang tanga mong sumalo?!” sigaw niya pabalik.
“Tangina mo rin!” nagpupumiglas akong muli para sugurin siya, pero lalo nila akong pinigilan.
“Pre, ilayo mo na si Josh dito!” sabi ng isa naming kasamahan.
Hinila nila si Josh palayo. Ako naman, humihingal sa inis, hawak pa rin ang pisngi kong namumula.
“Eli, kalma lang. Huwag mo nang patulan.” sabi ng isa sa mga kakampi ko.
“Kalma? Sinadya talaga ‘yun eh! May araw din ‘yun sa akin, tandaan mo ‘yan.” sagot ko sabay talikod.
Dinampot ko ang bag at sapatos ko at umalis sa court. Habang naglalakad palabas, ramdam ko pa rin ang hapdi ng bola sa mukha ko.
Oo, lagi na lang akong napapaaway. Laging may issue. Laging may gulo.
Kasalanan ko bang ganito lang talaga ako?
Ewan ko. Minsan, pakiramdam ko, kahit hindi ko naman sinasadya, may mga taong gusto lang akong inisin.
Pagdating ko sa parking area, kinuha ko agad ang helmet ko at sinuot.
“Babe!” tawag ng isang pamilyar na boses.
Napatingin ako. Si Maggie nakataas ang kilay, papalapit habang nakapamewang.
“Babe, wait! Where are you going?” tanong niya, may halong inis.
Hindi ako umimik. Nilagay ko lang ang susi sa motor at pinaandar ito.
“Wait, tinatanong kita! May nakaaway ka na naman ba? Mainit ulo mo ah!”
“Wala kang pakialam, Maggie. At tigilan mo na nga ‘yang ‘babe’. Wala na tayo.” madiin kong sabi.
“Excuse me? Kailan pa? Ako ba ang nakipaghiwalay?”
“Ayoko na, Maggie. Pwede ba? Please, huwag mo nang dagdagan init ng ulo ko.”
Sabay paharurot ko ng motor palabas.
“Eli! Eli!” sigaw niya habang humahabol.
Hindi ko siya nilingon. Wala na akong balak makipagtalo pa.
Sa salamin ng motor, nakita ko siyang nakatayo pa rin, umiiyak habang nakatitig sa papalayong likod ko.
“May araw ka rin sa akin, Eli. Hindi pa tapos ‘to.” narinig kong bulong niya bago tuluyang nawala sa paningin ko.
Pagdating ko sa bahay, binuksan ko ang gate. Tahimik. Walang tao. Si mommy, siguro nasa trabaho pa.
Habang binubuksan ko ang gate, tumunog ang cellphone ko.
Si Maggie
.
Napairap ako at agad kong ni-reject ang tawag. Nakakapagod ka na, Maggie.
Pinasok ko ang motor sa garahe, tinanggal ang helmet, at isinara ang gate. Kinuha ko ang susi ng pinto at binuksan ang bahay. Tahimik. Walang kahit anong ingay kundi tiktak ng orasan.
Inilapag ko ang helmet at bag sa sofa, saka ako naupo. Napasandal ako at napapikit.
Biglang sumagi sa isip ko si Daddy o mas tamang sabihing ang pagkawala niya.
Simula bata ako, si mommy lang ang nandito. Siya ang nagtatrabaho, siya ang nagpalaki sa akin. Wala akong ibang maalala kundi siya lang, araw at gabi.
Pero sa tuwing nakikita ko ang ibang mga kaklase ko noon na may ama, may kaakbay, may gabay
ang bigat sa dibdib.
Bakit ako wala?
Bakit kami iniwan?
Minsan tinatanong ko si mommy, pero laging umiwas siya. “Balang araw, maiintindihan mo rin, anak,” sabi lang niya.
Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong maintindihan.
Tumunog ulit ang cellphone ko.
This time, si Mommy.
“Hello, mi,” sagot ko.
“Eli, nakauwi ka na ba anak?” Tanong ni mommy
“Yes, mommy. Kararating ko lang.” Sagot ko
“Buti naman. Pauwi na rin si mommy, ni-check lang kita baka wala ka pa sa bahay.” Sabi ni mommy sa akin.
“Anong gusto mong food, anak? Bibilhan na lang kita.” Tanong ni mommy sa akin.
“Kahit ano, mi. Ikaw na bahala.”
“Hmm... parang matamlay ka ah. Nakipag-away ka na naman ba, Eli?” Tanong sa akin.
Tahimik ako. Wala akong maisagot. Kilalang-kilala ako ni mommy kahit hindi ko sabihin, nararamdaman niya.
“Eli? Anak?” Tanong ni mommy sa akin.
“Yes mommy, andito ako. Nakikinig lang. Pagod lang siguro, galing sa laro.” Sagot ko kay mommy.
“Okay anak. Pero sana umiwas ka na sa gulo. Binata ka na, hindi na bata.” Wika ni mommy sa akin.
“Yes mommy. Promise.” Sagot ko na lang kay mommy.
“Good. O siya, pauwi na ako. Dadaan na lang ako bumili ng dinner natin.” Sabi ni mommy sa akin.
“Okay mommy, ingat po kayo sa pag-uwi.” Agad kong sabi kay mommy.
“Salamat anak. Bye na, Eli.” Sabi ni mommy sa akin.
Pagkababa ng tawag, umakyat ako sa kwarto. Hinubad ko ang damit at hinagis sa upuan. Binuksan ko ang banyo at nag-shower.
Pagharap ko sa salamin, napansin ko ang pamumula ng pisngi ko.
“Ang galing mo, Eli,” bulong ko sa sarili. “Hindi mo mapigilan ang sarili mo kahit kelan.”
Tumapat ako sa tubig, pumikit, at hinayaan ko na lang bumuhos sa akin ang malamig na tubig. Parang gusto kong mawala lahat galit, init ng ulo, at inis.
Pero kahit anong gawin ko, parang laging nandiyan lang ‘yung apoy sa loob.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng puting t-shirt at gray shorts. Naupo ako sa kama, nakatingin sa kisame. Tahimik. Minsan gusto ko nang mawala lang lahat ng ingay sa utak ko. Kinuha ko ang phone ko saka nag scroll sa social media. Gustong kong hanapin si daddy pero hindi ko alam ang katauhan niya si mommy lang ang nakaka alam pero ayaw naman niyang sabihin sa akin.
Lumipas ang ilang minuto bago ko narinig ang tunog ng gate sa labas.
“Eli! Anak, nandito na si mommy!” sigaw ni mommy mula sa kusina.
“Yes mommy!” sagot ko sabay tayo.
Bumaba ako at naamoy ko agad ang paborito kong pagkain sinigang na baboy at fried chicken.
“Halika na, anak, kumain na tayo. Gutom ka na siguro.” sabi ni mommy habang inaayos ang mesa.
Umupo ako sa harap niya. Tahimik kami habang kumakain. Ilang sandali pa, nagsalita siya.
“Eli, anak, sabihin mo nga sa akin totoo may nakaaway ka ba sa school?” Tanong ni mommy sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Gusto ko sanang magsinungaling, pero sa tingin pa lang niya, parang alam na niya ang sagot.
“Hindi naman po maliit lang, mommy. Laro lang sa basketball.” Sagot ko sa kanya.
“Laro lang ba talaga, o may sinuntok ka na naman?” seryoso niyang tanong habang nakatingin sa akin.
Napayuko ako.
“Eli, anak, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo... hindi lahat ng problema kailangang idaan sa galit. Hindi mo kailangang patunayan na matigas ka. Alam kong mabait kang bata, pero hindi mo nakikita ‘yun dahil pinapaikot ka ng init ng ulo mo.” Sabi niya sa akin habang magkaharap kami ni mommy na nasa mesa.
Tahimik ako habang kinakain ang kanin. Ramdam ko ang bigat ng boses niya hindi galit, kundi pagod.
“Mommy minsan kasi parang gusto ko lang ipakita na hindi ako pwedeng apihin. Lahat kasi ng tao, laging may sinasabi. Laging gusto akong kalabanin.” Sabi ko sa kanya
“Alam ko anak. Pero minsan, ang pinakamalakas na tao, ‘yung marunong umiwas.” Paintindi ni mommy sa akin.
Ngumiti siya nang mahina. “Ayokong dumating sa punto na masaktan ka, anak. Lalo na kung sarili mong emosyon ang kalaban mo.”
Hindi ko alam kung anong isasagot. Tumingin lang ako sa kanya at tumango.
“Sige na, kain ka na. Pagkatapos, may ice cream tayo, binili ko paborito mong cookies and cream.” Sabi ni mommy sa akin.
Napangiti ako kahit papaano. “Thanks, mommy.”
Pagkatapos naming kumain, nagligpit siya habang ako naman ay naupo sa sofa. Tahimik naming pinanood ang TV, pero sa loob ko, naramdaman ko ‘yung kakaibang bigat guilt, siguro.
Tiningnan ko siya. Si mommy. Lahat ginagawa niya para sa akin, kahit mag-isa lang siya.
Siguro tama siya. Hindi ko kailangang patunayan na malakas ako. Kailangan ko lang maging maayos.
Pagkatapos maghugas ni mommy, nilapitan niya ako at hinalikan sa noo.
“Goodnight anak. Matulog ka na, ha? May pasok ka pa bukas.” Wika ni mommy sa akin.
“Goodnight mommy.” sagot ko.
Pag-akyat ko sa kwarto, humiga ako. Nakatingin ako sa kisame habang unti-unting bumibigat ang mga mata ko.
Sa labas, naririnig ko pa ang ulan na dahan-dahang bumubuhos.
Tahimik, mapayapa tanging patak ng ulan ang naririnig.