Chapter 5

1522 Words
Chapter 5 Samantha’s Pov Gabii na naman. Katulad ng mga nakaraang gabi, eto na naman ako nakaupo sa sofa, tahimik na nakatingin sa wall clock sa tapat ng sala. Tanging tunog lang ng relo ang naririnig ko sa buong bahay, bawat tiktak ay parang nagpapaalala sa akin kung gaano na katagal ang paghihintay ko. “Gabi na, bakit hindi ka pa umuuwi, Lorenzo?” mahina kong sambit habang pinipisil ang mga palad ko. Mag-aalas nuebe na ng gabi, pero ni anino ng asawa ko, wala pa rin. Kahit madalang na kaming mag-usap, asawa niya pa rin ako. Kaya kahit alam kong nasasaktan ako, hindi ko maiwasang mag-alala. Pumintig ang puso ko sa kaba at inis, kaya kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng mensahe. “Honey, saan ka na? Sabay naman tayo mag-dinner.” Pinindot ko ang send at napabuntong-hininga. Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Kahit wala pa siya, nagluto pa rin ako ng paborito niyang beef steak, inihanda ko pa ang mesa. Dalawang plato, dalawang baso, dalawang kutsara’t tinidor para bang naniniwala pa rin ako na uuwi siya at kakain kaming magkasabay, gaya ng dati. Habang nagluluto ako, paminsan-minsan kong sinusulyapan ang cellphone ko. Wala pa ring reply. Napatingin ako sa orasan ulit. Alas onse na. Puno ng pagkain ang mesa, pero ako lang ang naroon. Tila nanlumo ako sa katahimikan ng bahay. Hanggang sa marinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas. Napahinto ako sa paghuhugas ng kamay at dali-daling lumapit sa terrace. Pagdungaw ko, tumigil ang isang itim na kotse sa tapat ng gate hindi iyon ang kotse ni Lorenzo. Ngunit nang bumaba siya, halos mapatid ang hininga ko. Kasama niya si Veronica. Muling sumikip ang dibdib ko. Nakita kong nakangiti silang dalawa, nagtawanan, at bago pa man pumasok si Lorenzo sa kotse, naghalikan sila. Doon mismo, sa tapat ng bahay namin. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. “Isa ba akong manhid? Isa ba akong tanga, kahit paulit-ulit ko nang nakikita to?” bulong ko sa sarili habang pinipigilan ang pagpatak ng luha. Mabilis akong bumalik sa loob ng bahay at umupo sa sofa, pilit pinapakalma ang sarili. Pero nanginginig ang mga kamay ko, at bawat tiktak ng relo ay parang kasabay ng pagtibok ng sugatang puso ko. Ilang sandali, bumukas ang pinto. Si Lorenzo. Pumasok siya na parang walang nangyari, walang bakas ng guilt sa mukha. “Bakit bukas pa ang ilaw sa sala at kusina? Nakalimutan na naman sigurong niyang patayin,” malamig niyang sabi habang papunta siya sa kusina para patayin ang ilaw. Napatingin ako sa kanya, pinipigilan ko ang galit. “Oh, bakit gising ka pa?” tanong niya, nagulat nang makita akong nakaupo roon. “Naghihintay sayo,” sagot ko diretso, walang paligoy. “Hindi mo ba nabasa ‘yung message ko, Lorenzo? Sinabi kong sabay tayo mag-dinner.” Sandaling natahimik siya. Halos hindi makatingin sa akin. “Ah... nag-dinner na ako sa labas. Nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko,” sagot niya, iwas tingin. “Kaibigan?” inulit ko, may halong sarkasmo. “O si Veronica? Natigilan siya. “Kailan pa, Lorenzo? Kailan pa kayo nagkabalikan?” tanong ko habang pinipigil ang panginginig ng boses ko. “Hindi si Veronica ‘yung kasama ko,” pilit niyang tanggi. “Mga kaibigan ko lang.” Pero hindi ko na napigilan ang galit ko. Tumayo ako at hinampas ang mesa gamit ang palad ko. “Wag na tayong maglokohan, Lorenzo! Dalawang gabi ka nang hinahatid ni Veronica dito. Akala mo ba bulag ako? Asawa mo ako! Sana naman, kahit konting respeto man lang!” Inis kong sabi. Napabuga siya ng hangin at pinakatitigan ako, tila nag-iipon ng lakas ng loob. “Ano, wala ka bang aaminin?!” halos pasigaw kong tanong. Tahimik siya sandali, bago siya tumango. “Fine. Oo, nagkabalikan kami ni Veronica,” mahinahon niyang sagot. “Sorry, Samantha pero mahal ko pa rin siya.” Para akong pinagsakluban ng mundo. Napaluhod ako, napaluha, at napakapit sa gilid ng mesa. “Bakit, Lorenzo?” humahagulgol kong tanong. “Hindi pa ba ako sapat? Hindi pa ba sapat ‘yung mga taon na binigay ko sa’yo? Lahat ng sakripisyo ko?” “Pasensya na, Samantha. Pero kahit anong gawin ko si Veronica pa rin ang laman ng puso ko.” Sabi niya sa akin. Napasigaw ako, halos mabasag ang boses ko sa sakit. “Putang ina naman, Lorenzo! Sa loob ng sampung taon nating pagsasama, tiniis ko lahat kahit ramdam kong hindi mo ako mahal! Pinili kong manahimik, pinili kong umasa na balang araw, matututunan mo rin akong mahalin!” Tumulo ang luha ko nang tuluyan. “Pero hindi pala. Kasi kahit anong gawin ko, siya pa rin ang pipiliin mo!” Tahimik lang si Lorenzo, nakayuko. “Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag,” aniya. “Pero si Veronica, siya pa rin talaga. Sorry, Samantha.” “Sorry?” napatawa ako ng mapait. “Iyon lang? Sorry?” Tumingala ako sa kanya. “Alam mo ba kung gaano kasakit marinig na hindi mo ako kayang mahalin? Na ako lang ang ‘asawa sa papel’? Bakit mo pa ako pinakasalan kung gano’n?” “Dahil mahal kita noon,” sagot niya mahina. “Pero nagbago lahat nung bumalik si Veronica. Pasensya na, pero ayokong magsinungaling pa.” Tumalikod siya pagkatapos no’n. Umakyat sa kwarto na parang walang nangyari. Naiwan akong nakaupo sa sala, nanginginig sa sakit, nakatitig lang sa sahig. Nang marinig kong sumara ang pinto ng kwarto namin, doon na bumuhos ang luha ko. Parang tuluyang nabasag ang loob ko. Kinagabihan, hindi ako pumasok sa kwarto namin. Sa kabilang kwarto ako natulog, pero totoo, hindi naman ako natulog. Buong magdamag akong umiiyak, yakap ang unan, pilit hinahanap ang dahilan kung bakit ako pa ang kailangang masaktan nang ganito. Hindi ko matanggap hindi ko matanggap na sa kabila ng lahat ng ginawa ko, si Veronica pa rin ang minahal niya. Nagpakatanga lang ako na akala kong matutunan niya din akong mahalin pero mas mahal niya pa talaga si Veronica. Humihikbi pa ako nang biglang naisipan kong tawagan si Ivy. “Hello, Samantha napatawag ka?” Tanong ni Ivy sa akin. Sinagot ko agad kahit nanginginig pa ang kamay ko. “Hello Ivy.” halos pabulong kong sagot. “Sam? Bakit ganitong oras ka tumatawag?” tanong niya. “Umiyak ka ba?” Hindi ko na napigilan. Parang sumabog ang lahat ng damdamin kong pinipigil. “Hindi ko na kaya, Ivy.” humahagulgol ako sa kabilang linya. “Nagkabalikan sila ni Veronica... si Lorenzo... aminado siyang mahal pa rin niya ‘yung babae!” “Wait-ano?!” gulat ni Ivy. “Sam, seryoso ka? Akala ko okay na kayo ni Lorenzo?” “Wala nang okay, Ivy!” halos mapasigaw ako habang umiiyak. “Ang sakit... sobrang sakit. Sabi niya asawa lang ako sa papel! Hindi daw niya kayang ibigay ‘yung pag-ibig na hinihingi ko!” “Sam, please, calm down muna.” sabi ni Ivy, halatang naiiyak din. “Huwag mong hayaang lamunin ka ng sakit. Hindi mo deserve ‘yan.” “Hindi ko alam kung paano sisimulan bukas, Ivy,” humihikbi akong sagot. “Paano ko haharapin si Lorenzo na alam kong iba ang laman ng puso niya? Gusto ko na lang mawala gusto ko na lang kalimutan lahat.” “Hindi, Sam,” madiin na sabi ni Ivy. “Wag kang ganyan. Huwag mong sisihin sarili mo. Minsan kahit anong gawin natin, hindi talaga tayo ang pipiliin ng taong gusto natin. Pero hindi ibig sabihin noon na kulang ka.” Napaiyak pa ako lalo. “Ivy ayoko na. Pagod na ako. Sawa na akong mahalin si Lorenzo ng mag-isa.” Tahimik lang si Ivy sandali, bago nagsalita ulit. “Sam, makinig ka. Kung hindi ka na mahal ni Lorenzo, mahalin mo sarili mo. Huwag mong hayaang sirain ka ng taong hindi marunong magpahalaga. Nandito ako, okay? Hindi kita iiwan.” Napangiti ako kahit humihikbi pa rin. “Salamat, Ivy.” “Ganyan talaga, Sam. Pero tandaan mo, bawat sakit may katapusan. Babalik din ‘yung lakas mo. Darating ‘yung araw na hindi mo na iiyak ‘yung pangalan niya.”sabi niya sa akin. Hindi na ako nakasagot. Hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko habang yakap ang cellphone, nakikinig sa boses ng kaibigan kong nagbibigay lakas sa akin. Pagkababa ng tawag, napatingin ako sa kisame. Tahimik na tahimik ang buong bahay. Tila doon ko naramdaman na kahit may asawa ako, mag-isa pa rin ako sa laban ko. Huminga ako ng malalim, pinahid ang luha, at bulong ko sa sarili. “Siguro ito na ang simula ng pagtatapos namin ni Lorenzo.” Sabi ko habang pinapahid ang mga luha ko. “Pero sobrang sakit ginawa nila sa akin. Alam naman sana ni Veronica kasal na si Lorenzo sa akin sana nagpaubaya na lang siya para sa ikakatahimik ng pagsasama namin ni Lorenzo.” Sambit ko na hindi ko mapigilan ang pag luga. “Hindi ko na alam gagawin ko. Magtitiis pa ba ako kahit alam ko ng mas mahal niya pa rin si Veronica.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD