Chapter 60 Lorenzo’s Pov Pero may isang bagay na hindi ko pinalampas ang paraan ng pag-upo niya. Diretso ang likod. Alert ang mga mata. Parang laging handang tumayo kapag may mangyari. Hindi basta-basta. Tinanggal ko ang salamin sa mata ko at muling pinagmasdan. Lumabas siya ng café, may hawak na phone. Sandaling tumigil. May binasa. At kahit hindi ko marinig, nakita ko ang pagbabago sa mukha niya pag-aalala. Isang pangalan ang sigurado akong nasa screen. Samantha. Napangisi ako. “Kaya pala,” bulong ko. “Ikaw ang dahilan.” Pinindot ko ang tawag kay Marco. “Anong oras siya umuuwi?” tanong ko agad. “Usually gabi, sir. Minsan dumadaan muna siya sa apartment ni Samantha. Pero lately hindi na?” putol ko. “Opo. Parang may distansya.” Humigpit ang panga ko. Kahit may pagitan na, hi

