Chapter 59 Lorenzo’s Pov Napapikit ako sandali. “Lorenzo…” malambing na sabi ni Veronica habang idinidiin ang katawan niya sa likod ko. “Halika na, magpahinga na tayo. Huwag mo nang isipin si Samantha. Nandito naman ako para sa’yo.” Huminga ako nang malalim, pero hindi ko agad inalis ang tingin ko sa dilim sa harap ko. Para bang kahit nasa harap ko na si Veronica, si Samantha pa rin ang laman ng isip ko. “Mauna ka na sa kwarto,” malamig kong sabi. “Tatapusin ko lang ’to.” Bahagya siyang tumahimik, parang may gustong sabihin pero pinili na lang lunukin. “Sige,” sagot niya kalaunan, pilit ang ngiti. “Susunod ka ha? Mag-shower muna ako.” Tumango ako nang bahagya, hindi man lang lumingon. Pag-alis niya, mas lalong naging tahimik ang terrace. Umangat ulit ang baso sa kamay ko. Napaili

