Samantha’s POV Pagkatapos kong lumabas ng banyo, bumalik ako sa sala. Doon ko siya muling nakita. Mahimbing ang tulog ni Eli sa sofa payapa ang mukha, parang walang bigat na pasan, parang walang mundong maaaring gumuho kapag nagising siya. Sa itsura niya, para lang siyang batang pagod na pagod matapos ipaglaban ang isang bagay na mahalaga. Napatigil ako. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatayo roon, basta ang alam ko, hindi ako makaalis. Parang may humahawak sa paa ko, ayaw akong paalisin. Lumapit ako sa kanya, marahan, takot na baka magising siya. Naupo ako sa gilid ng sofa, tahimik na pinagmamasdan ang bawat detalye ng mukha niya—ang bahagyang pagkunot ng noo, ang mabagal na paggalaw ng dibdib niya sa bawat paghinga. At doon na naman bumalik ang tanong na paulit-u

