CHAPTER TEN

1418 Words
Hindi pa rin nagpapansinan sina Sandy at Mathew habang nakaupo sa ipinareserve nitong mesa para sa dinner meeting nila with Mr. Rodriguez. Mas naunang dumating dito si Mathew kaysa sa kanya. Akala nga nya ay male-late sya dahil medyo ma- traffic ang papunta dito at nag- commute lang sya. Hindi naman sa nag-i-inarte sya pero ayaw nya talaga kasing sumabay kay Mathew kanina sa sasakyan kahit pa iisa lang naman ang pinanggalingan nila— sa mansion ng mga Montecillio. Pagkatapos kasi ng naging sagutan nila kaninang umaga ay umalis ito at pagabi na ng dumating. Ang akala nga nya ay hindi na ito a-attend pa ng meeting. Napapansin nya ang mga pagsulyap sulyap nito sa kanya na para bang may gusto itong sabihin. Irap naman ang ginagawa nya kapag nagkakatagpo ang mga mata nila. " I'm sorry, okay! " anito maya-maya pa. Napaangat sya ng tingin ng marinig ang sinabi nito. Akala nya ay nakaringgan lang nya. Sya nga pala talaga ang kinakausap nito. Nagtama ang paningin nila kaya tinaasan nya lang ito ng kilay. " About what happened this morning." paliwanag pa nito. " I did not know that you would react that way." " So Mr. Montecillio, sinasabi mo bang oa ang naging reaction ko?" " Hey, that's not what I mean." anito pa. " " And in what way do you want me to react after what you did? " " I just wanted to help kaya binago ko ang ilan sa mga business proposals mo." " Nang hindi ko alam? Or even Lola Paz na syang nag-approve doon? " " Yeah, my fault, okay. I admit and it was a bit late when I realized that what I did was wrong. " Titig na titig sya sa binata at sinusuri kung totoo nga ba ang mga sinasabi nito. Wow, talaga bang nags- sorry nga ito sa kanya? The high and mighty Mathew Montecillio? " Can we ahm, maybe let's just get along and be friends and work peacefully? " Gusto sana nyang magtaas ng kilay ulit sa sinabi nito pero may point din naman si Mathew. Nasa iisang working place nga lang naman sila at hindi maganda kung palagi na lang silang mag-iiringan. At the same time parang natunaw na din ang sama ng loob na nararamdaman nya para sa binata. Sadyang napakalambot talaga ng puso nya sa mga taong humihingi ng tawad sa kanya. Isang sorry lang nawawala na ang galit nya. Sabagay, may mga masasakit na salita rin naman syang nabitawan para rito kaninang nagsasagutan sila. Alam din nyang napasobra sya doon. " S-sorry din sa mga nasabi ko kanina." aniya na nagpangiti kay Mathew. " So, that means... We're okay now?" paniniyak pa nito. " We're friends?" " Oh, sorry I'm late. " napalingon sila pareho. Napakunot pa ang noo ni Sandy dahil hindi nya kilala ang dumating. " Why are you here?" nilingon nya si Mathew na tumayo. Magkakilala pala ang dalawa? " Well, Dad can't come so I'm here." Ano raw? Sino naman kaya 'to? naisaloob nya. May iba pa ba silang kikitain bukod kay Mr. Rodriguez? Nag-hand shake ang dalawa at nagbatian. Pinag-aralan nya ang hitsura ng bagong dating. He is tall as Mathew and they have the same physique as if they always go to the gym. He is also handsome pero parang mas gwapo pa din si Mathew. Muntik na nyang kutusan ang sarili. Bakit ba pinagkukumpara nya ang dalawang lalaking ito? Kunot pa rin ang noo ni Sandy dahil sa mga naiisip nang lumingon sa kanya ang bagong dating. " Oh, hi!" bati nito sa kanya wearing a very friendly smile. Palikero, naisaloob nya " You must be Miss Alessandra?" " Y-yes?" bakas pa rin ang pagkalito sa mukha nya. " I'm Lucas Emmanuel Rodriguez Jr." nakangiti pa rin ito at titig na titig sa mukha ni Sandy habang nakalahad ang kanang kamay. Anak pala 'to ni Mr. Rodriguez? " Unfortunately, my father Lucas Emmanuel Sr. can not come here to have a meeting with you and so he asked me instead on his behalf." " Well, it's a pleasure to meet you Mr. Rodriguez." aniya naman na tumayo at tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki. Naka business mode pa rin si Sandy. " Oh, no no no." anitong natatawa. "Don't call me Mr. Rodriguez. I feel so old." Oo nga pala Jr. nga pala ito ng ama nito. Muntik na din syang matawa. Nakakahawa kasi ang ngiti nito. " So how do you want me to address you Mr...?" tanong nya dito ng makaupo na sila pareho. " You can call me Luke not Lucas baka kasi magkalituhan." medyo naguluhan sya. "You know we both have the same first names." paliwanag nito na itinuro si Mathew. Napatango naman sya at sinulyapan si Mathew na nagkibit balikat lang. Oo nga pala Lucas nga din pala si Mathew. "–Or whatever name you wanted but just not Emman or Mr. Rodriguez. It's making me cringe." hindi na nya napigilan ang matawa. " Is uncle Emman too busy?" si Mathew after clearing his throat kaya dito nabaling ang atensyon nila. Sinenyasan na rin nito ang waiter para lumapit. " Actually, no." ani ni Mr. Rodriguez Jr. "You know, he's not getting any younger kaya kung anu-ano na ang nararamdaman sa katawan. He said he's not feeling well. " " H-how is your father?" kahit hindi nya personal na kakilala si Mr. Rodriguez Sr. of course ay nag-alala din sya para dito. " He was rushed to the hospital earlier. But no worries, he's okay now. It's just that his blood pressure shoot up again." " In-stress mo na naman siguro kaya ganon." biro ni Mathew. Close pala talaga ang dalawa para mag biruan ng mga ganong bagay. Somehow, bigla syang nakaramdam ng sundot ng konsensya sa mga nasabi nya dito. Baka nga dahil kilala pala talaga nito ang mga Rodriguez kaya binago nito ang proposals nya? Pero bakit hindi man lang kasi nya muna sinabi?? Aish ang salbahe ko tuloy kanina. Kung anu-ano pa tuloy ang mga nasabi ko. " Cut it dude. Baka maniwala si Miss Allie na ganon nga ako." kunwa'y saway nito kay Mathew. Mahaba pa ang naging usapan nila sa lamesang iyon habang nagd-dinner. Kung titingnan ang dalawa ay parang magbarkada lang at hindi mga businessmen lalo si itong si Mr. Rodriguez Jr. na ayaw magpatawag ng Mr. Rodriguez. Luke na lang daw, mas maganda raw pakinggan. So far maganda ang naging pagtatapos ng kanilang dinner meeting. Nakuha nila ang contract sa company ng mga Rodriguez. Nauna na ring nagpaalam si Luke dahil may lakad pa raw ito. Ngayon ang problema ay kung paano sya makakauwi. Kanina pa sya nakatayo dito sa gilid ng kalsada sa harap mismo ng restaurant na pinuntahan nila at nag-aabang ng pampasaherong masasakyan. Wala ng dumadaang mga sasakyan at kung meron man, puno na. Mukha pa namang uulan dahil madilim ang kalangitan at walang makita kahit isang star. Nagdasal na lang sya na sana ay may dumaan ng masasakyan kahit tricycle man lang at ng makasakay na sya bago pa man bumuhos ang malakas na ulan. Walang anu-ano'y may humintong itim na mamahaling sasakyan sa kanyang harpan. " Hey, Sandy hop in." anang driver na ibinaba ang bintana ng kotse. Nung una'y nagdalawang isip pa sya kung sasakay ba dahil ang sasakyan na iyon ay walang iba kundi kay Mathew na tinanggihan nya na kanina. Inalok kasi sya nitong sumabay na pauwi pero nagdahilan sya na sa bahay nya sya tutuloy at hindi sa hacienda. Mapapalayo ito kung sakaling ihahatid pa sya. " Aabutan ka ng malakas na ulan kaya sumakay ka na." Saktong bigla namang kumidlat at kumulog ng napakalakas na ikinagulat nya. May kaunting ulan na pumapatak na rin kaya isinantabi na muna nya ang pride at sumakay na rin sa kotse ni Mathew. " I didn't know takot ka pala sa kulog?" Nag-inhale exhale muna sya para kalmahin ang sarili. Siguradong pinagtatawanan na naman sya ng lalaking ito dahil nalaman nitong takot sya sa kulog! Pero tila mali ata ang iniisip nya dahil nang lingunin nya si Mathew ay mataman lang itong nakatingin sa kanya. Walang bakas na pinagtatawanan sya. Bigla tuloy naumid ang dila nya at nakaramdam sya ng pagkailang sa klase ng tinging ipinupukol nito sa kanya. Wari'y pinag-aaralan nito ang reaksyon nya. "Ahm... H-hindi pa ba tayo aalis? Baka kasi abutan na tayo ng ulan?" Isang mahinang buntong hinga ang pinawalan nito bago bumaling sa manibela at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD