Lihim na napapangiti si Mathew habang nagmamaneho. Di nya rin mapigilan ang mapasulyap paminsan minsan sa katabi. Mukha itong bata kung matulog. Malamang na pagod talaga ito sa trabaho. Knowing her kahit papaano, alam nyang hindi ito matutulog sa kotse nya. Ma-pride kaya ang babaeng ito. Ni ayaw ngang sumakay kanina. Buti na lang at kumulog ng malakas kaya ayun napasakay bigla.
Naisipan nyang buksan na lang ang kanyang car stereo. Masyado kasing tahimik sa loob ng sasakyan at mahirap na baka pati sya ay antukin na din. Tinulugan na pa naman sya ng pasahero nya at mahaba-habang oras pa ang ipagmamaneho nya.
I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
Unang lyrics pa lang ng kanta ay bahagya na syang natigilan. Sakto namang inabutan pa nila ang red lights kaya kinailangan nilang huminto.
And as we go, the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
Madalas naman na nyang marinig ang kantang iyon pero noon pero wala lang dating sa kanya. But now it seems na nakuha nito ang atensyon nya.
Muli nyang sinulyapan ang dalaga. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Napaka amo ng mukha nito kapag natutulog pero kapag gising naman parang tigre tuwing titingin sa kanya. Lalo na kapag may pinagtatalunan sila.
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Nag-green lights na kaya bumalik na ulit sya sa pagd-drive. Pero maya-maya'y napansin nyang hindi na maayos ang pwesto nito. Malamang na sumakit ang leeg nito paggising.
Itinabi nya muna sa gilid ng kalsada ang kotse at bahagyang inayos ang pagkakahilig nito sa upuan. Inayos na din nya ang seatbelt nito. Baka mamaya kasi sya pa ang masisi kapag sumubsob ito.
We stop to get something to drink
My mind clouds and I can't think
Scared to death to say I love her
Pagkaayos nya ng seatbelt nito, dapat ay bumalik na sya ulit sa pagmamaneho pero parang may magnet na humihila sa mga mata nya para muli lang pagmasdan ang maamong mukha ni Sandy.
Mula sa mga kilay nito na maganda ang pagkaka-curve at malalantik nitong pilik mata. Ang cute din ng ilong nito, tama lang kasi ang pagkatangos. Di nya tuloy napigilang dutdotin iyon ng hintuturo.
Then the moon peeks from the clouds
I hear my heart, it beats so loud
Try to tell her simply
Mabilis syang napa-ayos ng upo ng gumalaw ito. Ewan at grabe din ang kaba nya. Wala naman syang masamang ginawa.
That I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Muli syang tumingin sa katabi para tingnan kung nagising nga ito. Himbing pa din. Ngayon ay mas nakaharap na sa kanya ang mukha nito. Nakahinga sya ng maluwag at muling napangiti. Naisipan nyang kunan ito ng picture gamit ang cellphone nya.
Oh, and I know
That this love will grow
Siguradong bubugahan sya nito ng apoy kapag nakita ang picture nito. Then he smiled again. Para na syang baliw na natatawa sa sariling kalokohan. Itinago na nya ang cellphone sa bulsa.
Natuon muli ang paningin nya sa mukha ng natutulog na dalaga. Bahagya pang nakabuka ang mga labi nito. Doon sya muling natigilan. Naipiling nya pa ang ulo nang may maalala at napahawak sya sa dibidib nya dahil pakiramdam nya ay para iyong sinuntok ng malakas.
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
And I've got all that I need (I look at her and have to smile)
Right here in the passenger seat (as we go driving for a while)
(Her hair blowing in the open window of my car)
Oh, and I can't keep my eyes on the road (and as we go, the traffic lights)
Knowing that she's inches from me (I watch them glimmer in her eyes)
(In the darkness of the evening)
And I've got all that I need (I look at her and have to smile)
Right here in the passenger seat (as we go driving for a while)
(Her hair blowing in the open window of my car)
Oh, and I can't keep my eyes on the road (and as we go, the traffic lights)
Knowing that she's inches from me (I watch them glimmer in her eyes)
(In the darkness of the evening)
Oh, and I've got all that I need (I look at her and have to smile)
Right here in the passenger seat (as we go driving for a while)
**********
Dahan-dahang nagmulat ng mata si Sandy. Loading pa ang utak nya kung nasaan sya.
Oh, nasa tapat na pala sya ng bahay nya. Napasarap ata ang tulog nya kaya di na nya namalayan.
Nang mapadako sa kabilang side ang tingin nya... there she saw Mathew peacefully sleeping sa driver seat. Nakahilig ito sa adjustable chair nito at nakahalukipkip.
Sinipat nya kung anong oras na sa suot nyang relo. Its already one am! For god's sake! Ibig sabihin ay kanina pa sila dito? Magt-three hours na ba sila dito sa labas ng bahay nya?! Kasi nine- thirty sila umalis ng restaurant at kulang lang ng two hours ang tantya nya sa babyahihin nila hanggang dito sa bahay.
Bakit hindi sya nito ginising?
Nang muli nya itong sulyapan ay bigla siyang sinundot ng konsensya. Mukhang napagod ito sa pagd-drive kaya hindi na nakuha pang gisingin sya. Kung sya nga eh nauna pang makatulog kanina. Wala pang kalahatian ng byahe tulog na sya agad. Malamang na kung hindi sya nito hinatid dito baka masarap na ang tulog nito sa kanila ngayon.
Ngayon, sya naman ang nagd-dalawang isip kung gigisingin ito para paauwiin na or gigisingin para patuluyin muna sa bahay nya para magkape ng sa ganon ay mawala ang antok nito at makapag-drive na ulit pauwi. Or wag na lang kaya muna nyang gisingin kasi kawawa naman din.
Pero paano na? Dito lang sila sa loob ng kotse ganon? Eh kung bukas na to magising? Andami pa namang marites dito sa lugar nila. Paniguradong bukas nasa headline na naman sya nito 'pag nagkataon.
Napaiwas sya ng tingin ng maya-maya'y gumalaw ito at nagdilat ng mga mata.
" Oh, gising ka na pala.." anito sa medyo paos na boses. Tumingin ito sa suot nitong wrist watch at inayos na ang adjustable chair saka bahagyang nag-inat.
" Ahm.. yeah. Kagigising ko lang din." aniya at bahagyang sinulyapan ang katabi. " Anong oras tayo nakarating dito?"
" Hmm.. Around eleven? " anito sabay hikab. Mukhang inaantok pa din.
" Bakit hindi mo'ko ginising agad? Di sana kanina ka pa din nakauwi at nakapagpahinga."
" No worries. Nakatulog na din naman ako. " anito.
" Anong nakakatawa?" maya maya'y hindi nya mapigilang itanong. Para kasi itong tanga na nakangiti habang nakatingin sa unahan.
" Wala, naisip ko lang.. Only now have we been together for a long time without arguing or fighting over something.
" Dahil tulog ako buong byahe." aniya.
" Oh, is that so? "
" Yes. " mabilis nya namang sagot.
" Then maybe I should put you to sleep again next time."
Isang irap ang sagot nya dito at narinig nya ang mahina nitong pagtawa.
Walang hiyang lalaki na to. Pinagti-trip-an na naman ata sya.
" Bakit, tulog ka din naman ah! So next time pala kailangan papatulugin din muna kita ganon? "
Again, he just chuckled. Nahipan na ata talaga ng hangin.
" You're so cute while asleep by the way."
Sa sinabi nito, ramdam nya ang pag-iinit ng mga pisngi. My ghad, nagb-blush ba sya?! Hindi na sya isang teen-ager para magblush tuwing napapansin ng crush! Besides cute lang naman ang sinabi nito. Ano sya aso? At isa pa lalo namang hindi nya crush ang lalaking ito noh!
" Para ka palang bata kung matulog. Kaya nga nakonsensya naman akong istorbohin ang pagkakahimbing mo. "
Ayun! Mukha lang daw pala syang bata.. So no need to blush.
" Uwi ka na boss. Thank you sa paghatid." aniya na lang para pagtakpan ang slight na pagka pahiya.
Agad syang lumabas ng sasakyan at ganon din ang ginawa nito.
" Just like that? Papauwiin mo na agad ako?"
Kunot-noo nya itong tiningnan.
" Won't you invite me in for a coffee?"
" Why would I do that?" tinaasan nya ito ng kilay.
" You know, for taking you home—" anito sabay kibit balikat. "—at sa sinamahan din kitang matulog sa kotse ko instead of waking you up kasi sobrang himbing ng tulog mo. "
Hindi makapaniwalang nakatingin lang sya dito. Parang ibang Mathew naman ata ang kaharap nya ngayon. Ano bang nakain nito? Masyado naman 'atang naging friendly sa kanya ngayon.
" Fine. Sunod ka na lang. "
" Ako na. " nagulat pa sya ng kunin nito ang susi sa kamay nya nang akmang bubuksan na nya ang gate.
'May sa pusa din pala ang lalaking 'to.' naisip nya. Hindi man lang kasi nya namalayang nasa likod na pala nya agad ito. Ang bilis naman.