Late nang pumasok ng opisina si Sandy kinabukasan. Nagpaalam naman sya kay Lola Paz kahapon na medyo tatanghaliin sya ngayon ng punta sa mansion.
Dumaan pa kasi sya sa puntod ng mga magulang nya. Matagal tagal na din nang huli syang magpunta doon. Palagi kasi syang busy sa trabaho kaya naman ngayong medyo maluwag na ang schedule nya sa opisina, ito na ang inuna nyang puntahan.
Sa labas pa lang ng pinto ng opisina ay naririnig na nya ang boses ni Mathew. Mukhang mainit na naman ang ulo nito.
" Wow, what a great start of a day!" aniya sa sarili. '
Ano na naman kaya'ng problema ng isang 'to?'
Dahan dahan nyang binuksan ang pinto. There she saw Lisa, mukhang ito ang pinag-iinitan ng boss nila.
" Oh, finally you showed up! " sarcastic na ani Mathew ng makita sya.
Maging si Lisa ay napatingin sa kanya. Yung tinging may kasamang relief at the same time humihingi ng saklolo.
" Good morning boss, good morning Lisa!" nakangiting bati nya sa mga ito. Wala eh, sa masaya kasi ang pakiramdam nya. Hindi sya magpapa apekto sa bad mood ng boss nila.
" Nothing's good this morning." sagot ni Mathew na kunot na naman ang noo.
" Why, is there a problem?" nag-alala tuloy nyang tanong sa mga ito.
" Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam kung anong oras na? " anito pa.
Nagsusungit na naman ang Mathew na'to! Ang sarap tuloy plantsahin ng noo. Kung makakunot akala mo anlaki ng problema.
Pero gwapo pa rin...
Muntik na nyang mabatukan ang sarili sa mga naiisip.
" It's exactly ten in the morning, sir." kunwa'y very cool nyang sagot.
Kunwari hindi sya affected sa pagsusungit ng bipolar na amo. Dumiretcho sya sa table nya at inayos ang ilang mga gamit doon habang si Mathew ay parang di makapaniwalang nakamasid lang sa kanya.
" Exactly! "anito maya maya." It's already ten am and you're supposed to be here by eight! Where on earth have you been this time para ma-late ka ng dalawang oras? "
" Excuse lang po mga sir, ma'am. Exit lang po muna ako. Puntahan ko lang po si Doña Paz. " ani Lisa.
Hindi man lang ito pinansin ni Mathew. Antipatiko talaga! Anlakas ng saltik. Kagabi lang ay kaninang madaling araw pala okay naman sila ng umalis ito ng bahay nya matapos magkape. Hinatid pa nga nya ito sa gate at inantay pa syang makapag-lock muna ng gate bago tuluyang paandarin ang kotse nito. Ngayon ang grumpy na naman. Kulang yata sa tulog.
Tumango naman sya kay Lisa. Malamang na tumatakas lang ito sa kung anuman ang ipinagpuputok ng butse ng boss nila.
Nang makalabas na si Lisa, si Mathew naman ang binalingan nya. She just gave him a bored look.
" Is that the reason why you're upset, boss? "
" Ye– I mean no! " anitong parang naguluhan pa sa sariling sagot.
" You're acting weird. "
Mula kagabi, hindi na sya nakakaramdam ng pagkailang sa binata. They're friends now, right. Sa tingin naman nya'y ganoon din ito sa kanya. Mas maganda nga iyon dahil magiging smooth and at peace ang working environment nila.
Yes hindi maiiwasan na magkasagutan pa rin sila dahil ganon naman talaga sa nature ng work nila, pero siguro very very light na lang at hindi na involve doon yung mga personal issues nila.
" Hey, I am still your boss and I still have the right to hear your reason why you're late."
" Nagpaalam naman po ako kay Doña Paz kahapon pa. Galing ako sa puntod ng mga magulang ko. May kalayuan po dito ang sementeryo at matrapik po sa daan kaya po inabot ako ng two hours. " aniya sa mahinahong tono.
Nakakagaan talaga ng pakiramdam kapag nagpupunta sya sa puntod ng mga magulang. Lahat kasi ng burdens na dinadala nya ay malaya nyang nailalabas doon. At pakiramdam nya ay napakahaba ng pasensya nya ngayon at hindi sya madaling magalit. Goodvibes lang ika nga.
" Oh, is that so?" anito naman sa mahinang tinig. Mukhang kalmado na.
'Tss. Bipolar nga!'
" So boss, care to tell why you're so pissed kanina nang dumating ako?"
" That's nothing. Just some sort of misunderstanding." anito pa sabay lakad papunta sa table nito.
" Why are you not answering your phone, by the way?" akala nya tapos na. May karugtong pa pala. Even a single text? "
" Tumatawag ka? " ako naman ang nagtaka.
" No! " mabilis nitong tanggi. " It's Lisa."
" O–kay.." aniya na lang sabay kibit balikat. " Hindi ko kasi nadala yung cellphone ko."
" Next time kapag male-late ka, matuto kang mag-inform dito sa office nang hindi nag-aalala sayo ang mga tao dito. "
' OA naman to kung mag-react.' naisaloob nya. Talo pa kasi ang tatay nya. "Nagpaalam naman nga po ako kay Doña Paz kahapon pa, di ba?"
" Kahit na.. Wala namang sinabi si Lola tungkol don. Isa pa ako na ang boss mo ngayon kaya dapat sa'kin ka nagpapaalam." anito na ikinatanga nya dito, lalo nang bigla na lang sya nitong tinalikuran at lumabas na din ng opisina.
" Huh? Anyari ba don?"
Pero gets naman na din nya ang point nito. And actually medyo na-touch naman sya knowing na nag-alala ang mga ito sa kanya.
Lalo na si Mathew.
Mukhang nagkakaroon na ng value dito friendship nila kahit kahapon lang nagsimula.
With that thought, she smiled...
*****
May mga nire-review pa syang ilang papers kaya hindi na nya namalayan ang oras. Past 3pm na pala ng mapatingin sya sa wall clock nila.
At hindi pa sya nagl-lunch. Sa sobrang busy nya, nakalimutan na nyang kumain. Kaya pala naririnig na nya ang tyan nya na kanina pa tumutunog.
Tumayo na sya at nagpunta sa kusina ng mansion. Kung nandito lang si Lola Paz malamang na napagalitan na naman sya. Nagagalit kasi ito kapag wala sa oras ang kain nya. Anito pa, hindi naman daw aalis ang trabaho sa opisina para kaligtaan nya ang pagkain sa tamang oras.
Umalis kasi ito kanina at isinama si Lisa dahil may appointment daw sa doctor nito. Si Mathew naman, hindi nya alam kung nasaan na nagsuot. Hindi na nya nakita ang binata after nitong um-exit sa opisina kanina.
'Ang tahimik naman ata ngayon dito.'
Wala syang nakasalubong kahit isa sa mga kasambahay. Siguro nanonood na naman ng tv ang mga iyon. Ganon kasi ang ginagawa ng mga iyon kapag ganitong oras. Tapos na kasi sila sa mga gawain dito sa bahay. May oras din sila para magsiesta pwera nga lang kapag may mga bisita.
Dumiretcho na sya sa kusina at naghalungkat sa mga nakatakip na kaldero doon.
" Hmm.. The best talagang magluto si Nana." aniya nang maamoy ang caldereta. Ang bango kasi nito.
Si Nana Stella naman ang mayordoma dito sa mansion.
Kumuha na sya ng plato. Dito na lang sya sa island counter ng kusina kakain, tutal mag-isa lang naman sya. Hassle kapag sa dining area pa. Kumakain lang sya doon kapag kasabay nya sila Lola Paz. Masyadong malaki ang dining table na naroon. Tapos ngayon mag-isa lang sya at napaka- tahimik ng paligid. Sure naman syang walang multo dito pero parang nakakatakot pa rin.
Pasandok na sana sya ng kanin nang may magsalita sa likod nya.
" Sandy?"
" Ay butiki ka!" muntik na syang mapatili. Napahawak pa sya sa dibdib sa sobrang gulat. Si Mathew lang naman pala!
" Mukha na ba akong butiki sa pangingin mo?" anitong pigil ang matawa.
" Haha. Patawa ka." aniya sa sarkastikong tono at pinukol nya ito ng masamang tingin.
Halatang bagong paligo ang binata dahil mamasa masa pa ang buhok nito. Nanunuot din sa ilong nya ang mabangong amoy ng gamit nitong aftershave. He's wearing a black cargo shorts at fitted na white shirt. Ang macho lang ng lolo mo. Kitang kita ang mga muscles nito sa dibdib at braso na alam mong alagang gym.
Dumiretcho ito sa ref at nagsalin ng tubig sa baso. Pati likod nito lalaking lalaki rin, matipuno. Humarap ito sa kanya
bago uminom sa hawak nitong baso. Pati ang pag-inom nito, ang sarap panoorin.
Mukhang kailangan nya ring uminom ng tubig. Nanuyo kasi bigla ang lalamunan nya.
Halos batukan nya ang sarili nang ma-realize kung ano ang mga tumatakbo sa isipan. Bakit kung ano-ano ang naiisip nya ngayon? At bakit lahat yata ay napapansin nya sa lalaking ito? Nakakahiya. Dahil ba nalipasan sya ng pagkain kanina kaya nahanginan na pati ang utak nya?
Ramdam nya ang pamumula ng pisngi nang lumingon sa kanya ang binata. Huling-huli rin kasi sya ni Mathew na pinapanood ito sa ginagawa. Bahagya pang tumaas ang isang kilay nito at matamis syang nginitian.
"Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat?!" kunwa'y galit nyang sita dito para pagtakpan ang kahihiyan.
"Hindi ako nanggugulat. Magugulatin ka lang talaga." anito namang halata mong nang-aasar lang. "Ano ba kasi ang ginagawa mo?"
" Kakain. Duh!" kulang na lang ay ikutan nya ito ng mata.
'Kita na ngang may hawak nga akong plato, di ba magtatanong pa. Buti na lang hindi ko nabitawan.'
Minsan talaga lumalabas din ang kamalditahan ng isip nya.
" Mirienda?"
" Lunch."
"What?" sinipat pa nito ang suot na wrist watch. " Ngayon ka pa lang magl-lunch? "
" Yup." aniyang hindi na pinansin ang reaksyon nito. Tinuloy na nya ang pagsandok ng kanin sa plato.
" Mamaya lang dinner na. Paano ka pa nyan makakakain? Mags-skip ka na naman? "
" OA naman yung dinner na agad. Mirienda pa lang. " pangangatwiran naman nya.
" Kahit na." syempre di patatalo ang tatay nya. (char) " Gano'n ka ba ka-busy sa trabaho para kalimutan mo ang pagkain sa tamang oras?" anito pa. " Hindi naman aalis ang trabaho mo kahit iwan mo saglit. "
"Apo ka nga talaga ni Doña Paz, noh. Maglola nga kayo."
" Why, do you have any doubt about it?"
" Wala eto naman." natatawang ani nya. " Ang ibig ko lang pong sabihin magkapareho kasi kayo ng sinasabi sakin ng lola mo kapag nagpapalipas ako ng oras sa pagkain."
" So palaging wala sa oras ang pagkain mo? "
" Hindi naman sa palagi... Minsan- minsan lang naman. "
" Kahit na, given the fact na pinagsabihan ka na pala ni Lola, tapos inulit mo pa rin, ibig sabihin lang non matigas ang ulo mo. "
" Ay, wow ha! Nagsalita ang super bait na mama. " ganti nya sa panenermon nito. Akala mo naman kasi hindi matigas ang ulo ng mamang 'to.
Tinitigan lang sya nito ng matiim at nakakailang iyon!
" So boss, kung tapos ka na po sa panenermon sakin, if you'll excuse me po, kakain na po ako." inayos na nya ang upuan.
Imbes na umalis si Mathew, lumapit pa ito at sinipat ang pagkain nya. Sinamaan nga nya ito ng tingin. Paano sya makakakain nyan kung may miron sya?
" Is that caldereta?" tanong nito.
" Hmm hm.. Luto ni Nana. Ulam nyo kaninang tanghali? "
" How are you sure na si Nana Stella nga ang nagluto?"
" Malamang. Syempre si Nana lang naman ang cook dito sa mansion nyo."
" Why don't you taste it, then tell me kung ganyan nga ang lasa ng luto ni Nana. "
Naguluhan man, ginawa na lang din nya ang suggestion nito para matapos na. Caldereta na lang pagtatalunan pa ba kung sino ang nagluto? Gutom na kaya sya. Umupo sya sa silyang naroon at saka sumandok ng kaunting caldereta saka iyon tinikman. Bahala ito kung gusto sya nitonng panoorin habang kumakain.
" So, how does it taste?" anitong parang excited. Kala mo sya ang nagluto ei. Wag na lang kaya nyang pansinin.
Tumikim sya ulit. " Binago na ata ni Nana yung recipe nya? "
" Ano nga lasa? Masarap ba?" bahagya ng kumunot ang noo nito.
" Hmmm.. Tastes good." aniya. " Mas masarap to kaysa sa dati nyang timpla."
" Talaga?" kung makangiti naman 'to, parang batang nabigyan ng candy.
" Oh, tikman nyo din po kaya. Tanong kayo ng tanong eh." binigyan nya ito ng kutsara.
Nakangiti pa rin ito ng tanggapin ang inabot nyang kutsara. Kaso naalala nya na ginamit na nga pala nya yung kutsara na yun, bigla nya iyong hinablot sa binata na nagtataka syang tiningnan.
" Ay, wag pala 'to." aniya at kumuha ng bago saka iyon ang ibinigay kay Mathew. " Eto na lang ang gamitin mo."
" Tss." anito na hindi na nya pinansin.
Akala naman nya ay napikon na naman sa kanya at aalis na ito kasi tinalikuran na sya. Pero yun pala, kumuha lang ng sarili nitong plato at nagulat pa sya ng umupo ito sa katabi nyang silya.
" Can I share? " paalam pa nito.
" Kakain ka din?" kunot noong tanong nya.
" Yup. Sabi mo kasi masarap ang ulam eh, " anito. "so kakain din ako."
Syempre, alangan namang humindi pa sya eh nakaupo na nga. Baka sya pa ang palayasin nito.
Tumango na lang sya at saka tumayo para ipagsandok na din ng kanin at ulam ang mama. Yung kinuha nya kasi kanina, sakto lang para sa kanya at ang mamang magaling kakain din daw pero wala namang kinuhang pagkain.
Hindi pa man sila nangangalahati sa pagkain, sya namang pasok ni Nana Stella. Kasunod nito sina Joan at Carlo na may bitbit na mga pinamiling groceries. Nag-grocery pala ang mga ito. Akala nya ay nagpapahinga lang sa mga quarters nila.
" Nandito ho pala kayo señorito." si Nana " Sandy, anak."
" Kain po tayo."
" Magandang hapon po señorito." ani naman nila Joan at Carlo." nginitian sya ng mga ito at tinumbasan nya din iyon ng matamis na ngiti. As usual, tumango lang si Mathew sa mga ito.
" Ipaghahanda ko ho ba kayo ng pagkain? " si Nana ulit. "Hindi na nga pala kayo nakapagtanghalian dito kanina."
" Hindi ka pa din ba kumakain?" kunot-noong tanong nya, pero agad nya namang binawi nang mapagtanto na may mga tao sa paligid nila at baka ano isipin sa kanya. " I- I mean.. Hindi pa ho ba kayo kumakain señorito?"
He smirked. Siguro na gets nito ang nasa isip nya.
" Don't you worry Nana. Kumain naman ako sa farm kanina. Sumabay ako sa mga trabahador natin doon." anito habang sa kanya nakatingin. Sya naman ang hindi makatingin dito, alam nya kasing pinapanood sila ng mga kasama nila at si Joan kung makangiti sa kanya alam nyang tinutukso na naman sya. "Nagutom lang ulit ako masarap daw kasi yung caldereta Nana, kaya kakain ulit ako. "
Hindi nya nakita ang pagkindat ng binata kay Nana Stella kaya natawa ang matanda.
" Oh, eh bakit hindi kayo sa komedor kumain? Bakit dito masikip dito baka hindi kayo komportable?" alalang tanong ni Nana.
'Tss! Masyado namang bini-baby ni Nana ang damulag ito.' aniya sa ispan.
" It's okay Nana. Dito na lang kami. Nakapaghain na din naman. "
Sa totoo lang gusto na nyang mapataas kilay. Ano bang meron? Ang weird lang kasi.
Inaya na ni Nana sina Joan at Carlo na lumabas na ng kitchen para daw makakain sila ng maayos. Mamaya na lang daw aayusin ng mga ito ang mga pinamili.
Bago lumabas ng tuluyan, may pahabol pang panunukso ang bruhang si Joan. Iniiwas na nga nyang magkatinginan sila nito. Ayun at kinurot sya ng mahina kaya kita nya ang ngiti nitong tila ba kinikilig. Bruha talaga!