CHAPTER THIRTEEN

2058 Words
" Good morning! " Boses iyon ni Mathew na nagpalingon kay Sandy sa pinto ng opisina. Ang lawak ng ngiti nito.       ' Bah, good mood ang lolo mo, ah.' Fresh na fresh ito at bagong ligo. Sinipat nya ang suot na relos. Alas-nuwebe imedya na ng umaga at ngayon lang ito nagpakita dito sa office.      'Hmp! Porket boss okay nang ma-late?' naisaloob nya. Malapit na kasing matambak ang mga papeles na kailangan nitong pirmahan. Si Lola Paz nga kanina pa andito at inaya pa sila ni Lisa na sumabay sa breakfast, at nung tumatanggi sana sila, dito na nito sa office ipinahanda ang mga pagkain kaya wala silang nagawa ni Lisa kundi ang pagbigyan na din ito kahit busog pa naman talaga sila. " Good morning apo." ani naman ni Lola Paz. Humalik si Mathew sa Lola nito. " Good morning sir/ boss!" halos panabay ding bati nila ni Lisa.       Binalikan na lang nya ang ginagawa kaysa mainis na naman sa boss nila. " Where have you been at ang aga mo daw umalis?" narinig nyang tanong dito ni Doña Paz. " I just tried to ride silver again and I went around the farm to check on our people." Si Silver ay ang kabayo nito noon na may pagka temperamental kagaya ng amo nito. Kulay itim at hanggang ngayon ay hindi nya alam kung bakit silver ang napili nitong ipangalan sa kabayong iyon or sadyang weird nga lang talaga ang pag-iisip ni Mathew mula noon pa. Naalala din nya dati noong buhay pa ang tatay nya, dahil madalas na sya noon pa dito sa hacienda, nakikita nyang madalas itong gamitin ni Mathew noon kapag nag-iikot. Kilig na kilig pa ang mga kaedaran nyang teen-ager noon kapag nadaan ito. Samantalang sya nama'y inis na inis dito, kaya hindi nya ma-appreciate kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga kapwa nya dalagita. " Kumusta naman ang pag-iikot mo?" " Okay naman La, masarap pa ring sakyan si Silver. Kilala pa rin nya 'ko kahit matagal ko na syang hindi nasasakyan. " " Mukha ngang nag-enjoy ka sa pag-iikot. " nakangiting komento ni Doña Paz. "Bueno, nag-breakfast ka na ba?" " Ah, yes Lola. Sa farm na' ko kumain kasabay ng mga tao don." " Natutuwa ako apo dahil nage-enjoy ka na ulit dito sa atin." Mababakas sa mukha at boses ni Lola Paz ang saya. Maging sya ay di nya napigilan ang mapangiti. Hindi nya alam kung ano ang totoong kwento sa pagitan ng maglola. Kung bakit nakaya ni Mathew na hindi makita ang lola nito sa loob ng mahabang panahon. Ang alam nya dati ay close naman ang dalawa. " By the way, why are you here Lola?" " Why, am I not welcome here?" " No, of course not. I'm just asking La, because I thought you have an early appointment this morning." " What appointment?" kunot ang noong balik-tanong ni Doña Paz kay Mathew, bagay na ipinagtaka ni Sandy. Napapansin na din nya na recently ay madami ng nakakalimutan si Doña Paz. "I don't have any." " But La, you told me last night– " naputol ang sanay sasabihin ni Mathew nang mag-ring ang cellphone na hawak nito. "Excuse me Lola, I'll just take this call." " Go ahead apo." nakangiting ani Doña Paz. " Lola, tutuloy na din po ako sa factory ngayon." paalam nya kay Doña Paz. Ngayon kasi ang inventory nila ng mga natitirang stocks doon at kailangan nilang matapos iyon ng maaga para matapos din agad sya sa pagta-tally. Siguradong gagabihin na naman sya ng uwi mamaya. Pero okay lang dahil off naman nya bukas. " O, sya sige apo at ako'y magpapahinga lang din muna dito. Itong si Lisa na muna ang aabalahin ko." Napangiti sya sa turan ni Doña Paz. "Bye po.." paalam nya ulit at kinuha ang kanyang laptop at ilang folder ng kailangan nya. "Ikaw na muna dito Liz, ha." " No problem Miss Sandy." ani naman ni Lisa. " Magpahatid ka na lang kay Mang Ben hija." " Opo La, sige po." Palabas na sya ng office ng magkasalubong sila ni Mathew sa pinto. Papasok na ito at tapos nang makipag-usap sa telepono nito. "Uhm, where you going?" tanong nito na hindi umaalis sa pintuan, so paano sya dadaan? " Sa factory boss. Ngayon ang sched ng inventory namin." "Oh, yes, yes." anito. "Nana Lilia told me earlier. Actually doon din ang punta ko ngayon. Paalam lang ako kay Lola. Sabay na tayo." " Ha? Pupunta din kayo doon? " napataas ata ang tono nya kaya naman sa kanila napako ang mata ni Doña Paz at Lisa. " Yes." bahagyang kumunot ang noo nito ng lingunin sya. "You have a problem Miss Ramos?" "Ahm, no sir." Sa pagkakaalam nya, wala naman kasi itong gagawin doon. So bakit naisipan pa nitong pumunta rin? Manggugulo lang na naman ito sa pagi-inventory nila. Dito pa sa office madami itong kailangang i-review na mga dokumento dahil sya ang naglagay non kanina sa table nito. Pero syempre nga, ito ang boss, so hindi nya pwedeng question-in.       'Haish, bahala sya!' Ang kalat pa naman don ngayon. Paniguradong hindi ito tatagal don mamaya. " Mabuti pa nga apo at ikaw nang maghatid kay Sandy sa factory." si Lola Paz. Gustuhin man nyang tumanggi, nanahimik na lang sya. ***** " So, since when ka nagsimulang magwork kay Lola? " tanong ni Mathew kay Sandy. Nasa kotse sila ngayon papuntang factory. Ang gusto pa nga sana nito ay gamitin daw si Silver. Nah! ayaw nga nya. Baka mamaya sumpungin si Silver ng pagka temperamental nito at ihulog or sipain pa sya nito. At isa pa, ano yun sasakay sila sa iisang kabayo? Wag na, ano!       'No way!' Maglakad na lang sya kahit hapon na sya makarating ng factory okay lang. Never syang sasakay sa kabayo nito. Buti at nung sinabi nyang maglalakad na lang sya, hindi naman ito nagpilit pa at sinabing kotse na lang nito ang gamitin nila. " Mula pa nung nasa college ako, nasa office nyo na'ko. Working student." " Nakaya mong pagsabayin yun?" anito. " Oo naman." proud nyang sagot. "Sabay kasing nawala sila Nanay at Tatay at wala na akong pamilya dito kaya sobrang tuwa ko nung nag-offer ang Lola mo na mag-work na ako sa kanya kahit hindi pa ako graduate." " Sorry about your parents." " Okay lang, matagal na naman yun." " Sabi ni Lola graduate ka ng business ad? " " Yup! " napangiti sya. Mukhang hanggang ngayon ibinibida na naman sya ni Doña Paz. Proud na proud ito sa kanya noon pa lalo nung gum-raduate sya at ang pinakamataas na titulo ng pagtatapos pa ang nakuha nya. " You've really been a brave girl. " sambit ni Mathew na napahanga sa mga achievements ng dalaga. " Kapag nasa ganoong sitwasyon ka naman talaga, at no choice ka na.. makakayanan mo na din yung mga bagay na iniisip mong mahirap or akala mo hindi mo kayang gawin. Basta kapit ka lang sa goal mo at magugulat ka na lang dahil nakaya mo na pala at nalagpasan mo yung mga struggles na 'yon. Napahanga lalo si Mathew kay Sandy. Noon pa man ay alam nyang matalino ito dahil lahat ay ikinukwento sa kanila ng Lola nya. Naalala nya noon na may mga time na gusto na nyang pagselosan ang dalaga dahil ito na lang lagi ang bukambibig ng lola nya. Ngayon naiintindihan na nya kung bakit ganoon ka-bilib ang Lola Paz nya kay Sandy. Mali ang mga naisip nya dati patungkol sa dalaga. Hindi ito oportunista gaya ng inakala nya noon. Nalaman din nya na gusto pala itong ampunin ng Lola nya noon pero tumanggi ito. At ang pagpapaaral dito ng Lola nya ay hindi libre kundi pinagtatrabahuhan din pala nito iyon. Maya-maya pa'y narating na nila ang factory. Nagsisimula ng magtrabaho ang mga tao doon at nung makita silang parating ay agad nagbigay galang ang mga ito sa kanila. " Magandang umaga din po Mang Pedring." nakangiting ganting bati ni Sandy at kinawayan nya ang iba pang mga trabahador na naroon na bumati rin sa kanila. Karamihan sa parteng iyon ng factory ay pulos mga lalaki. Malalaking sako kasi at mabibigat na bagay ang mga naroon na kailangang gamitan ng malakas na pwersa. Karamihan or halos lahat dito ay kakilala at kabatian nya. " Kumusta ho kayo dito Mang Pedring?" pormal na bati ni Mathew habang iginagala ang paningin palibot sa lugar at sa mga taong naroon. Mukhang naka-work mode ang lolo mo. " Maayos naman ho kami dito seniorito. Wala naman hong nagiging problema. " " Ahm.. Nasa'n ho pala si Nanay Lilia?" pag-iiba na lang nya sa topic para kahit paano gumaan ang atmosphere. Batid nyang maiilang lang ang mga tao roon sa presence nitong kasama nyang masungit. " Nakow, Sandy. Nasa bahay at hindi nakapasok ngayon. Kabwanan na kasi ng panganay namin at nataong walang kasama sa bahay dahil wala ang asawa. Sya muna ang nagbabantay." " Kabwanan na ho pala ni Marie." aniya naman. "Aba'y kailangan nga ho nyang may kasama palagi at baka bigla syang abutan ng panganganak." " Oo nga eh. Hirap pa namang magbuntis ang batang iyon." " Pang-ilang apo nyo na ho ba itong ipinagbubuntis ni Marie?" tanong nya ulit. " Pangalawa pa lang naman. Yung una ay sa bunso ko. " " Ay gano'n ho ba. Congratulations po sa inyo ni Nanay Lilia at magiging Lolo at lola na ulit kayo." biro ni Sandy. " Ay salamat anak. " kakamot kamot sa ulong sagot ni Mang Pedring habang nakangiti. " Congratulations po Mang Pedring." ani naman ni Mathew na halatang napipilitan lang. " Thank you seniorito. " " Maiba ako, sino ho pala ang makakatulong ko sa pag-inventory ngayon Mang Pedring?" " Ay oo nga pala. Sandali at tatawag ako. " iniwan muna sila nito. " So, kilala mo rin pati mga anak nila Mang Pedring?" ani Mathew ng silang dalawa na lang. " Oo naman sir. Mga empleyado rin sila dito sa inyo. " aniya. " How about them?" inginuso nito ang mga kalalakihang nagtatrabaho. "Kilala mo rin ba sila? " " Karamihan sa kanila." " Madalas kang nagpupunta dito, knowing na puro mga lalaki ang narito?" kunot na naman ang noo nito. " Bakit ba? Eh trabaho naman ang ipinupunta ko dito, ah." medyo hindi nya gusto ang tono nito. Ano na naman kaya ang gusto nitong palabasin? Kanina lang, okay naman sila. " Aren't you even scared? " " Scared of?" " Them. They are all males here." doon sya natawa. Masyadong judgemental naman itong lalaki na ito. " They are all harmless, believe me." aniya. Sinasala namin. I mean me personally. Sinasala ko yung mga tao dito sa factory. Lahat sila dumadaan sa mga drug tests bago sila makapagtrabaho dito plus may mga surprise tests din and so far they're all negative to drugs at isa pa strictly prohibited rin pati ang pag-inom ng alak dito kapag may work sila. So kapag lasing or amoy alak pa lang, hindi na sila pwedeng pumasok dahil may mga guards naman sa labas na nagbabantay." mahaba nyang paliwanag. Hindi umiimik si Mathew. Nakatunghay lang ito sa mga trabahador or rather nagmamasid. Naka-work mode nga. " Isa pa, madami ring females dito. Nataon lang na itong department na to ang pinaka maraming boys. Mabigat kasi masyado ang mga trabaho dito." Wala pa ring sagot. Hinayaan na lang nya. Somehow nakakatuwa ding isipin na may ganitong side din pala ang lalaking ito. Concern sa welfare ng kagaya nya. Bumalik naman si Mang Pedring at may kasama itong isang lalaki at isang babae. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha ng dalawa. Mga baguhan siguro. Ipinakilala sa kanila ni Mang Pedring bilang sina Myrna at Jason. Sa tingin nya ay mas bata sa kanya ang dalawa. " Sandy sila ang katulong mo mamaya sa pag-inventory." " Oh, pano sir tuloy na ho kami sa stock room." sabi nya kay Mathew. " I'll go with you." " Hala, magulo don." naikamot nya ang ballpen sa noo. " Just don't mind me. Gawin nyo lang ang dapat nyong gawin don." nauna pa itong maglakad.        'Whatever.' " Saan ang storage room?" narinig nyang tanong nito. " Ay dito po sir. " si Myrna ang sumagot. Nauna na nga ang mga ito papuntang storage room. Nagpaalam muna sya kay Mang Pedring bago sumunod na din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD