CHAPTER FOURTEEN

1946 Words
Mabuti na lang at aircon ang storage room ng factory. Hindi gaanong nakakapagod dahil malamig. Kung nagkataon, paniguradong tagaktak ang mga pawis nila ngayon. Hindi na nya namamalayan ang oras pero ramdam na nya ang ngalay. Kanina pa kasi sya nakatayo. Hindi pa sila nangangalahati sa ginagawang inventory. Ang dalawa nyang kasama ay ang syang mga naghahalungkat, nagbibilang at nag-aayos ng mga stocks. Ang boss nya, ewan kung nasaan na. Baka natabunan na ng mga gamit doon. Kanina nakita nya itong nakikihalungkat din pagkatapos ay biglang bahing na ng bahing. Hinayaan nga nya. Sabi naman nito kanina hayaan lang eh. Ngayon hindi nya alam kung saan na nagsuot. Baka nga umuwi na. " Sandy anak, tawag na kayo ni seniorito." si Mang Pedring na sumilip sa kanila. " Bakit daw ho?" nagtataka pa nyang tanong. " Kain na daw muna kayo at ala-una imedia na." Agad naman nyang sinipat ang suot na relos. Oo nga! Ala-una na pala agad. Kaya pala nararamdaman nyang tumutunog na ang tyan nya. " Sige po pakisabi susunod na po kami." aniya. " Tara guys break muna tayo." aya nya sa dalawang kasama. " Kanina pa nga ho ako nagugutom Ma'am. " ani Jason. " Loko ka, bakit hindi mo sinabi agad?" " Pa'no po nahihiya sa inyo." tukso naman dito ni Myrna. Napakamot na lang si Jason sa batok at di makasagot. Mukhang nahihiya nga sa kanya. Sa labas ng stockroom, naroon si Mathew. May maliit na lamesa doon at may mga box ng pagkain. " Let's eat." aya nito sa kanila. Nag-disinfect muna sya ng kamay bago lumapit dito. " Wow, jollibee?!" parang tuwang tuwa na sabi ni Jason. Para itong bata. "Thank you boss." Kumuha na din si Myrna. Medyo lumayo ng pwesto ang dalawa dahil maliit lang ang lamesitang naroon. Pang dalawang upuan lang. " Lumabas ka sir?" tanong nya dito at naupo na sa isang upuang naroon. May pagkain naman dito sa factory para sa mga nagtatrabaho dito, malamang na nagselan na naman itong boss nya. " Yeah, kaninang busy kayo. Sumaglit ako sa bayan."      'Ah, kaya pala nawala ito bigla kanina.' " Buti pala hindi kami agad kumain kanina kundi sayang tong mga binili mo." Kibit-balikat lang ang sagot nito at naupo na rin sa upuang katapat nya. "So, kumusta ang pagi-inventory nyo?" kumuha ito ng isang box at binuksan. Medyo nagulat pa sya ng ilagay nito iyon sa harap nya. Pati kutsara't tinidor. " T-thank you." tipid syang ngumiti. Tila balewala lang din naman dito iyon. Bahagya syang tumikhim para mag-alis ng bara sa lalamunan." Wala pa kami sa kalahati." Kinuha din nya ang mga cups ng sundae ice cream at coke. Tinawag nya si Myrna para iabot sa mga ito ang kanila ni Jason at inayos nya sa lamesa ang para sa kanila ni Mathew. " Ilang oras ang usual na tinatagal nyo sa stockroom tuwing inventory?" " Hmm.. Madalas inaabot kami ng five to seven hours." "Ganon katagal?" anitong parang di makapaniwala. " Yup." " So maybe by four or five tapos na kayo?" " Ahuh." yun lang ang naisagot nya dahil may laman ang bibig nya. Biglang nag ring ang cellphone nya sa loob ng bag. Si Jake pala ang caller. " Excuse lang sir, sagutin ko lang." tumango naman ito. " Hello Jake? " hindi na sya tumayo pa. Medyo tumagilid lang sya ng upo at hininaan ang boses. Lingid kay Sandy, bahagyang natigilan si Mathew pagkarinig sa pangalan ng kaibigan. Kunyari lang ay busy ito sa pagkain pero ang totoo ay nakikinig ito sa pakikipag-usap nya sa telepono.       How are you Alie? " I'm fine. Ikaw kumusta dyan sa Cebu?"       Nah! I'm bored. " Ah, kaya mo'ko naalalang tawagan, kailangan mo ng taga-aliw sayo?" nakangiting aniya. Natawa din si Jake.       Bakit clown ka ba? " Haha funny." aniya. "Si Kakai tawagan mo, madaming baong kwento yun."        Yoko nga. Ang daldal non eh. "Kelan ang balik mo dito?"        Next week pa. Bakit miss mo na'ko? Gusto mo uwi na'ko? " Sira. Ano yun bakit ako magde-decide?"       Syempre, malakas ka sakin, eh. " Timang!"        Ano pala'ng gusto mong pasalubong? " Kahit ano na lang siguro. Kung anong mga specialty nila dyan." " Ahermm.." napalingon sya kay Mathew. Iminuestra nito ang pagkain nya. " Ahm, nag lunch ka na Jake?"        Kanina pa. Hulaan ko, ikaw hindi pa ano? Nagpapalipas ka na naman ng pagkain? " Uy, hindi naman. Kumakain na nga kami ng tumawag ka."        Bakit di mo sinabi agad? Sige na kumain ka na. " Oh, sya sige mayang gabi ka na lang ulit tumawag. Busy pa ko sa work ko."        Okay.. Bye Alie, take care. " Babye Jake. " Nakangiti pa sya nang matapos ang tawag na iyon. " Is that Jake?" tanong ni Mathew sa kanya. Nang sulyapan nya ay hindi naman ito sa kanya nakatingin. Tinutusok tusok lang nito ang buto ng manok. " Yes sir. " " Could you please drop the 'sir, boss or seniorito'? Nakakarindi sa taynga."       'Hala bakit mukhang may topak na naman to?' " Eh pero sir–" naudlot ang sasabihin nya ng tingnan sya nito ng masama.       'Badtrip nga?!' " Fine, kung ayaw mo ng sir or boss, anong dapat itawag ko sayo ngayon?" " Then call me by my name."       Medyo shock pa ang utak nya sa gusto nito. Oo sa isip nya hindi nya naman talaga ito tinatawag na sir or boss. 'Mathew' lang talaga. At kulang na nga lang noon ay murahin na nya din ito sa isip nya nung mga time na war pa sila. Pero syempre iba kapag actual. Papano kapag may mga ibang tao. Masabihan pa syang ingrata. Si Lola Paz nga, hindi nya matawag na Lola sa harap ng mga kapwa nya empleyado. Maliban sa mga kasambahay nito at kay Lisa. Naiilang pa rin kasi sya.       " Eh pero si–Mathew..." " Say it again." " Mathew." napangiti ito. Baliw lang? " Good girl." napairap tuloy sya. Ano sya bata? " Hindi naman pwede na Mathew lang ang itatawag ko sayo. Nakakahiya kaya sa ibang tao." " Nahihiya ka sa pangalan ko? Don't you know na isa sa mga pinaka magandang pangalan ay ang pangalang Mathew? "       'Ay nabaliw na nga talaga!' " Hindi yon., ano ba." napapakamot na sya sa kilay sa pagka inis." Ibig kong sabihin, nakakahiya dahil baka isipin nila masyado naman akong feeling close sa inyo. Ayokong magmukhang ingrata, noh." " Eh, close ka na naman talaga sa family namin dati pa, hindi ba? " Napasimangot na sya.       " Fine. Then kapag may ibang tao lang saka mo'ko pwedeng tawaging sir. Pero kapag wala, please, pangalan ko na lang. Rinding rindi na'ko sa kaka 'sir' at 'seniorito' sakin ng mga tao. " " Okay, deal. " aniya at kinuha ang sandae nya para ito naman ang kainin." Yung sandae mo matutunaw na." Nangingiting dinampot naman nito iyon at sinabayan sya sa pagkain. ****** Alas singco na nang matapos sila sa pagi-inventory. Nagpaalam na ang dalawa nyang kasama at nauna ng umuwi. Mangilan ngilan na lang din ang nakikita nyang mga empleyadong naiwan roon. "Ay Ma'am uuwi na ho ba kayo?" tanong sa kanya ni Manong Guard. Hindi na ito ang naka duty kanina nung dumating sila. " Opo kuya." aniya at nagpalinga-linga sa paligid. " May hinahanap po kayo Ma'am?" napansin pala sya ni Manong Guard. " Wala naman po kuya. " Naglakad na sya palabas. Bakit ba nya naisip na baka nandon pa si Mathew, eh pagabi na. Alangan namang mag-antay ito doon hanggang matapos sila sa ginagawa nila. Sino ba sya? Kulang na lang ay kutusan nya ang sarili sa mga pinag-iisip. Di yata't masyado naman syang nagiging komportable sa presensya ng boss nila at pag wala ito'y hinahanap nya?       'Hay!' nagbuga sya ng hangin. 'buti na lang at wala akong pasok bukas. Maipapahinga ko ang isip ko.' Hindi pa man sya nakakalayo ay may bumubusina na ng mahina sa likod nya.       'Si Mathew!' Aminin man nya o hindi, somehow parang biglang tumalon ang puso nya pagkakita sa binata na lulan ng kotse nito. Feeling fresh na ito samantalang sya feeling dugyot na. Kahit kasi aircon ang stockroom maalikabok pa din sa mga sulok sulok. Huminto sya dahil baka may sasabihin ito sa kanyang importante. " Uwi ka na?" tanong nito na huminto din sa tabi nya. " Oo, tapos na kmi sa factory." " Hop in." anito. " Ahm.. Hindi na. Tricycle na lang ako. Mapapalayo ka pa." " Magagalit ang Lola kapag nalamang hindi kita hinatid pauwi."       'Ah, so dahil pala kay Lola kaya naandito 'to ngayon..'     ' Bakit feeling disappointed ka Aliessandra?! ' " Wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin." nagsimula na ulit syang maglakad. " Sandy, wag na ngang matigas ang ulo mo, sumakay ka na." " Fine." napabuntong hinga muna sya. Knowing this man, malamang na hindi ito patatalo at baka pagmulan na naman ito ng away nila. Isa pa pagod na din sya at gusto na nyang magpahinga, so bakit pa ba sya mag-iinarte di ba. Habang nasa byahe wala silang imikan. Pero para mawala ang nararamdamang pagkailang, sya na ang nag-open ng topic. Total friends na naman daw sila nito, eh. " Si– ay Mathew pala.." aniya. Nakita nya ang pagtaas ng sulok ng bibig nito nang lingunin nya. Di yata't pinagtatawanan sya neto. " Would you mind if I ask?.. Okay lang kung hindi mo sasagutin." " Go, fire away. "        " Bakit 'silver' ang pangalan ng kabayo mo?" Bahagya sya nitong sinulyapan. "Bakit mo naman naitanong yan?" " Wala lang, curius lang."       'Eh pano nga wala na akong maisip na topic at naiilang ako' ng kasama ka.' " Wala lang trip ko lang para maiba naman." balewalang sagot nito habang tuloy lang sa pagmamaneho. Napasimangot tuloy sya.      ' Walang kwentang sagot! ' " Hindi,.. Biro lang." bawi nito. "Actaully, Silvester talaga ang dapat na pangalan nya. Eh masyado lang mahaba kaya iniklian ko na lang." " Ah kaya naging silver..." napatango sya.. " Yeah. Bakit, ikaw ano ba naisip mo na possible reason ko at Silver ang pangalan ng kabayo ko.? " " Wala naman, akala ko lang sadyang wierd ka. Kasi naman itim na itim ang kabayo na yun tapos paano naging Silver? Buti sana kung puti man lang ang kulay nya. " Natawa si Mathew sa kanya. Natigilan na naman sya at di napigilang napatitig sa binata. " A-anong nakakatawa? " kunwa'y tanong nya para pagtakpan ang pagkapahiya. Nahuli kasi sya nitong nakatitig. " You. Masyado ka kasing judgemental pagdating sa'kin." " Paano naman ako naging judgemental, ha?!" Nagkibit balikat ito. " I remember na palaging mainit ang dugo mo sa'kin dati pa. Siguro kung ano-anong negative ang naiisip mo tungkol sa'kin kaya anh sungit mo. " " Duh, ikaw ang judgemental dyan, eh." Loko 'to. Babaliktarin pa sya. Nakakalimutan na ba nito ang ginawang kasalanan sa kanya? Syempre magsusungit sya noon, ikaw ba naman ang halikan ng walang pahintulot! Sa isiping iyon, ramdam nya ang pag-iinit ng kanyang mukha. " Sandy.." tawag sa kanya ng binata. Nilingon nya ito. "What's your plan tomorrow? Off mo, righ?" " Hmm. Yes off ko bukas." sagot nya. " Magg-general cleaning ako ng bahay then matutulog ako maghapon. Why? " " Okay lang b kung samahan mo'ko sa mall bukas?"        OMG?! Inaaya ka nya ng date?! " Bibili lang ako ng gift para sa birthday ni Lola."         Ay assuming ka Sandy. Magpapasama lang naman pala. " Next month pa yun, di ba? " " Yeah, pero gusto ko ng bumili bukas. Don't worry, I'll pay your day."        Aba't ginawa ka pa'ng mukhang pera! " Sige, I'll go." aniya. Bibili na din ako ng gift para kay Lola Paz."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD