CHAPTER SEVEN

1898 Words
Lihim na napapangiti si Mathew habang pinagmamasdan ang kaharap na maganang kumakain. Kung kanina ay medyo naiinis sya dahil obvious namang sinadya nitong dito sila magpunta sa isang maliit na kainang ito para lang inisin sya, ngayon naman ay natutuwa syang makitang enjoy na enjoy ang dalaga sa inorder nitong pagkain. Take note hindi pa ito nakontento sa isang cup lang ng kanin at kinailangan pang omorder ng extra. Unbelievable. Yun ang nasa isip nya dahil wala sa hitsura nito ang malakas kumain. Or sadyang nasanay lang talaga sya sa mga babaeng mahina kumain dahil puro diet at mga conscious sa kanilang katawan, which is very unlike this girl. " Tss, Ibang klase talaga..." mahinang sambit nya na narinig pala nito kaya biglang nag-angat ng tingin sa kanya. " May sinasabi po kayo, sir? " kunot noong tanong nito pagkatapos uminom ng tubig. " I'm just wonderin' kung saan mo nilalagay ang mga kinakain mo." aniya at ipinagpatuloy nya na ang pagkain. Nakita naman nya ang tila naguguluhang expression ng mukha nito kaya bahagya syang natawa. " I mean, that! Ang lakas mo pala kumain. " " Favorite ko po kasi, sir. At uulitin ko po sa inyo, hindi po ako sosyal." anitong namumula ang mukha marahil ay medyo napahiya sa sinabi nya. Wala na syang sinabi at tumahimik na din ito. Wala silang imikan hanggang sa matapos silang kumain. Maya maya pa'y tinawag na nito ang waitress para hingin ang bill nila. Buti na lang at iba ang lumapit sa kanila ngayon at hindi na yung kanina. Kinuha nya ang wallet at iniabot sa waitress ang isang card. " Naku, sir, hindi po kami tumatanggap ng card." anang waitress. " Ako na. " narinig nyang sabi ni Sandy sabay abot nito ng bayad sa waitress. " Thank you po. Balik po ulit kayo." " Bakit ikaw ang nagbayad? " inis na tanong nya. Sa tuwing kakain kasi sila sa labas at lalo kapag may ka date syang babae, sya palage ang nagbabayad. Pero teka, hindi naman date 'to, eh. " Sir, three hundred fifty pesos lang naman po kasi yun. At sa gano'ng kainan, hindi po sila tumatanggap ng card." anitong muling uminom ng tubig. " Three hundred fifty lang lahat 'yun? " Nagulat pa sya sa sinabi nitong halaga ng masarap na kinain nila. Napangiti naman ang kaharap nya. Marahil ay pinagtatawanan sya sa pagka ignorante nya sa lugar na iyon. " Let's go ." aya nya dito. Tumayo na din ito at sumunod sa kanya. Nang makasakay na sila pareho sa sasakyan agad nya itong in-start at nagdrive palabas ng parking. **** Naiinis na si Sandy dahil kanina pa sila paikot-ikot dito sa bayan. Wala bang balak umuwi ng hacienda itong lalaking ito o naliligaw na dahil hindi kabisado ang mga daan? " Sir, hindi pa po ba tayo babalik sa hacienda? Baka po nag-aantay na ang Lola nyo at madami pa po akong gagawin sa opisina..." " Later... May pupuntahan lang tayo." anitong tuloy lang sa pagda drive. Ano daw, Tayo? Kami? Timang, syempre 'tayo' kayo. Alangan namang sabihin nyang sya lang. Ano yon iiwan ka nya? Eh magkasama kaya kayo. " Eh, sir saan po tayo pupunta? " " Here! " anitong itinigil ang sasakyan sa harap ng simbahan. Anak ng! Kanina pa kami dito paikot-ikot, ngayon lang naisipang huminto? " Bakit po dito? Ano po'ng gagawin nyo dito? " kunot noong naitanong nya. " Miss Ramos, ano ba'ng ginagawa sa simbahan? " pang-iinis naman nitong sagot sa kanya. Oh yeah, ano pa nga ba ang ginagawa sa simbahan? What a stupid question! " Eh, sir, kanina pa po kasi tayo dito paikot-ikot. Bakit ngayon nyo lang po sinabi na gusto nyo po palang magsimba dito? Di sana po kanina pa tayo nasa loob ng simbahan at pauwi na din sana tayo ngayon." inis nyang litanya dito. Ramdam na naman tuloy nya ang pag-iinit ng pisngi nya. " Miss Ramos, hindi porket isinama kita dito may karapatan ka ng pagsabihan ako. Ako pa rin ang boss mo. " mahinahon pero may diing sabi nito. " Correction sir, si Donya Paz po ang boss ko at hindi po kayo." " Ako lang naman ang nag-iisang apo at Lola ko ang sinasabi mong boss mo. At ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, ako na ang magiging boss mo dahil ibinibigay na sakin ni Lola ang pamamahala ng buong hacienda." Pinili na lang muna nyang manahimik at 'wag ng patulan ang lalaking ito dahil baka nga totoo ang sinasabi nito ay bigla syang mawalan ng trabaho. Pasimpleng tinitigan nya ito sa gilid ng kanyang mata. Ayun nga at ngingiti ngiti ang mokong. Hmp! may araw ka rin sa'kin. Tandaan mo, hindi pa'ko nakakaganti sa panghahalik mo! **** Lihim na nagpasalamat na lang si Mathew dahil tumahimik na si Sandy at hindi na nakipagtalo pa sa kanya. Marahil ay nakaramdam din ito ng takot ng sabihin nyang sya na ang magiging boss nito at baka iniisip na sisisantehin nga nya. Naunang naglakad papasok sa loob ng simbahan ang dalaga at nakasunod lang sya dito. Ewan ba nya at naisipan nya biglang pumasok dito kahit ang totoo ay wala naman talaga syang balak. Hindi naman kasi talaga sya palasimba. May ilang taon narin siguro ang nakakaraan mula ng huli syang pumasok ng simbahan. Dahil ordinaryong araw ngayon, mangilan ngilan lang ang mga taong nagdadasal sa loob dahil wala ring misa. Nagpunta si Sandy sa upuang pinakamalapit sa altar at lumuhod ito doon. Sumunod naman sya pero imbes na lumuhod ay naupo lang muna sya sa upuan. Mukhang taimtim ang pagdadasal nito at ni hindi man lang natinag kahit bahagya nya itong nasagi. Samantalang sya, eto imbes na magdasal ay sa dalaga nakatingin. Bahagya itong nakatingala habang mariing nakapikit at nakapatong ang baba sa magkasiklop na mga kamay. Ilang sandali pa, lumuhod na din sya sa tabi nito. Pero hindi nya pa rin makuhang magdasal dahil sa mukha pa rin nito sya nakatingin. 'Ang haba pala ng pilikmata nya... ang cute ng ilong... ' Di nya napigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang nakapikit na dalaga. ' Ang ganda ng kilay ... Fresh na fresh at makinis ang mukha. Ngayon nya lang napagmasdan ang mukha nito ng malapitan at ganito katagal. Well napagmasdan nya na din pala ito ng malapitan nung mga nakaraang araw lalo na nung hinalikan nya ito pero hindi nya gaanong na appreciate dahil medyo naiinis sya dito dahil madalas ay kung hindi ito nakasimangot, nakataas naman ang mga kilay. 'Ang weird ,ang ganda nya kahit walang make-up'. naisip nya. Noon pa napapansin na nyang hindi ito naglalagay ng colorete sa mukha nito. Lahat halos ng babaeng kilala nya, mahilig magpaganda at naglalagay ng kung anu-ano sa mga mukha nila para masabing maganda sila samantalang etong babaing ito, walang ka-effort effort pero saksakan pala ng ganda. Napadako ang tingin nya sa mga labi nitong natural din ang pagkapula na parang laging nanunukso. Naalala na naman nya ang ginawa nyang paghalik dito. Biglang dumilat ang mga mata nito kaya agad nyang ibinaling sa harap ang paningin nya. Buti na lang at hindi sya nito nahuli at mukhang hindi rin naman ito nakahalata. Gusto nya ng mapamura buti at naalala nyang nasa simbahan nga pala sya. Nakahinga sya ng maluwag nang makita nya sa gilid ng kanyang mata na tumayo na si Sandy at naglakad na palabas ng simbahan. Siguro ay didiretso na ito sa parking. Kanina pa sya nakaluhod pero ngayon lang sya nakapagdasal ng mataimtim. Inihingi nya ng tawad ang mga ginawa nya habang nasa loob sya ng simbahan at kung anu-ano ang mga pinag-iiisip nya. Pagkatapos magdasal ay lumabas na din sya ng simbahan. Pagdating nya sa parking ay nakita nyang wala doon ang dalaga. Medyo nag-alala sya dahil baka sinumpong na naman ito ng topak nito at nauna ng umuwi at iniwan sya. Inilibot nya ang paningin nya at doon, nakita nya itong nakaupo sa isang bench malapit sa isang park at parang batang kumakain ng ice cream. " Ang takaw talaga... " wala sa loob na napangiti sya. Pero nawala bigla ang ngiti nya ng mapadako ang paningin nya sa ilang kalalakihan na dumadaan at kitang-kita nyang nakatingin din ang mga ito sa dalaga. At may dalawang lalaki pa na naupo sa katabing bench nito at nakatingin din dito. Habang ito naman ay halatang walang kapaki-paki alam sa mga matang nakatingin sa kanya at tuloy lang sa pagkain ng hawak ng ice cream with matching paypay pa sa sarili dahil sa napaka init na panahon. **** " Haaay. bakit ba napakinit naman ngayon? " pabulong na reklamo ni Sandy. Nauna na syang lumabas ng simbahan at imbes na sa parking sya tumuloy, nakita nya ang mamang nagtitinda ng ice cream. Agad syang lumapit dito at bumili. 'Hmm. Mukhang matatagalan pa sa loob ng simbahan ang lalaking iyon,ah.' naiisip nya habang nakatingin sa pintuan ng simbahan. Naupo na lang muna sya sa isang bench. . 'Siguro marami syang kasalanang dapat ikumpisal. ' anang pilyang bahagi ng kanyang isip. 'Pero In fairness, marunong din pala syang magsimba? ' pigil nya ang matawa dahil baka isipin ng mga tao baliw na sya. Kinain na lang nya ang ice cream na binili nya. Paubos na ang kinakain nya ay wala pa rin ang hinihintay nya. Maya maya pa ay may lumapit sa kanyang dalawang lalaki. Nakangiti ang mga ito at mukhang mababait naman at in fairness, malinis at may mga hitsura din... " Hi Miss, mag-isa ka lang ba? " nakangiting tanong ng isang lalaking medyo singkit. Hindi pa sya nakakasagot, nagulat na lang sya ng may umakbay sa kanya. At biglang nanlaki ang mga mata nya dahil si Mathew pala iyon. Nagdidilim ang mukha nito na para bang anumang oras ay pwedeng magbuga ng apoy. " As you can see guys, hindi sya nag-iisa. Ako ang kasama nya." anito pa at bigla na lang syang hinila papunta sa sasakyan. " Teka, teka nga lang! " pagpupumiglas ni Sandy. ' Namimihasa na ang lalaking ito sa pagdikit dikit sa'kin,ah! " Ano ba'ng problema mo? At ano namang drama yon, sir? " " Sinama kita dito para magtrabaho at bayad din ang oras mo. Hindi kita sinama para makipag flirt ka kung kani-kanino." salubong ang kilay na sagot nito matapos nitong bitawan ang kamay nya. " What?! " nagpantig ang taynga nya sa sinabi nito. Anong flirt ang pinagsasasabi nito? "Excuse me Mr. Montecillio, sir! Hindi ko ho alam kung ano ang ipinagpuputok ng butse nyo pero wala ho kayong karapatang pagsalitaan ako ng ganyan! " madiin nyang sabi. Pigil na pigil nyang bulyawan ito. " Let's go home." anito sa malamig na boses at nauna ng sumakay ng sasakyan nya. Lalo lang syang nanggigil dito dahil bigla sya nitong tinalikuran. Imbes na sumakay, nagmartsa na sya palayo dito. Narinig pa nya ang pagtawag nito sa kanya pero ni hindi nya ito nilingon at tuloy lang sya sa paglakad. " Grabe, ang kapal talaga ng mukha nya! anong karapatan nyang pagsalitaan ako ng gano'n? Walang hiya sya! " bubulong bulong na himutok nya. Narinig naman nya ang mahihinang pagbusina nito sa likod nya. Nakasunod pala ito sa kanya. Pero hindi nya talaga ito lilingunin. Hmp! Umuwi ka'ng mag-isa mo! Dahil kabisado nya ang mga pasikot sikot sa lugar na iyon, mabilis nya itong natakasan ng pumasok sya sa isang iskinita kung saan hindi pwedeng makadaan ang dala nitong sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD