CHAPTER SIX

2057 Words
" Zup Dude! Ano kailan ang balik mo dito? Mukhang nag-eenjoy ka na dyan sa hacienda nyo, ha? " ani Zyrone kay Mathew sa kabilang linya. Ito ang isa sa mga pinaka malapit nyang kaibigan sa Maynila. Numero unong babaero at alaskador. Tumingin muna sya sa suot nyang relos bago sumagot. " Uhm, napatawag ka, anu na naman ang kailangan mo?" biro naman nya. Narinig nyang napakaingay sa kabilang linya, marahil ay nasa bar na naman ang mga kaibigan nya at naisipan lang syang tawagan para inggitin. " Bro, guess kung sino ang kasama namin ngayon? " " Sino? " tamad nyang tanong. Wala syang planong makipag hulaan dito. " Dude si Fiona lang naman... Ang babaing super hot na hanggang ngayon patay na patay sa'yo." " Tss! " Yun lang ang naisagot nya. Ang totoo ay hindi na sya interesado dito. Well dati, oo. One night is enough. Just fun ika nga at hindi nya ugaling umulit pa kapag natikman na nya. " Ano, kailan ang balik mo dito? " " Madami ako'ng kailangan asikasuhin dito." " Ohhh!!!" narinig nyang sagot ni Zyrone at nagtawanan naman ang ibang kasama nito. Marahil naka loud speaker ang telepono kaya naririnig ang usapan nila. " Bumalik ka na dito!!! Madaming chicks ang naghahanap sayo!!! " narinig nyang may isang lalaking sumigaw. " Hey, is that Alex? " tanong naman nya. Tumawa lang si Zy. " Akala ko ba boring dyan sa hacienda? Bakit parang nag-eenjoy ka na? " boses iyon ni Liam na inagaw ang cellphone kay Zyrone. " Siguro may nakita ka ng chick dyan, ano? " " Mga baliw talaga kayo... " " Hey, hey hey! Kilala ka namin, Dude! Hindi ka mabubuhay ng walang chick sa tabi mo... ano maganda ba? Punta kami dyan ah. Pakilala mo kami..." " Walang chick dito bro. Inahin gusto nyo? " tatawa tawa nyang sagot. " Ah basta, puntahan ka namin dyan. Para maexperience din namin ang buhay probinsya." Aba't pupunta nga ang mga lokong ito dito? Sasagot pa sana sya pero wala na syang kausap dahil pinatay na ng mga ito ang cellphone. Siguro para hindi na sya makatanggi. Nahiga na sya sa kama nya. Naalala nya ang mukha ni Sandy kanina, grabe, pulang pula ang mukha nito. Hindi nya alam kung dahil sa inis o pagkapahiya. Wala naman talaga sa plano nyang halikan ito. He is just so pissed. Nakukuha nitong ngitian ang ibang tao pero pagdating sa kanya iritang-irita. Pero isa lang ang malinaw sa kanya ngayon... Ang sarap pala nitong inisin. Napangisi sya sa naiisip. **** " Good morning Sandy! " nakangiting bati ni Lisa sa kanya pagkapasok nya ng pinto ng opisina nila. Medyo na late sya ng pasok dahil tinanghali sya ng gising kanina. " Morning Liss" bati rin nya dito. Saktong kauupo lang nya nang bumukas ulit ang pinto at pumasok naman doon si Mathew. Seryoso ang mukha nitong nakatingin diretso sa kanya. " Good morning ,sir! " narinig nyang bati ni Lisa dito. Pero hindi man lang ito pinansin ng binata, imbes ay naglakad ito palapit sa mesa nya. " Eherm!." kunwari ay tikhim nya para mawala ang pagkailang nya. Sinalubong nya naman ang mga titig nito at bilang boss nya naman ito, ngumiti sya dito na para bang wala lang sa kanya ang nangyari kahapon. " Good morning ,sir!." " Why are you late, Miss Ramos? " anito habang nakahalukipkip at walang emosyong mababasa sa mukha. Wow, ha? boss na boss ang dating ng mokong na 'to. FYI kagagawan mo kung bakit ako na late. " I'm sorry, sir. Hindi na po mauulit. " sagot na lang nya para hindi na humaba pa ang usapan dahil ang aga aga pa para makipagtalo sya dito. " Alam mo ba'ng kanina pa'ko nag-aantay sa pagdating mo? " bahagyang kumunot ang noo nya sa sinabi nito. Ako? Bakit? He just smirk. At mula sa pagkakahalukipkip ay itninukod nito ang dalawang kamay sa desk nya at binigyan sya ng isang really? -look. Napatutop naman sya sa sariling noo nang maalala ang pag-uusap nila kahapon nila Donya Paz. Oo nga pala... Kailangan ko nga palang samahan ang kumag na'ito ngayon. Buwisit talaga! Bakit ba nawala sa isip ko? Sana pala hindi na lang ako pumasok ngayon. Sana nagdahilan na lang akong masama ang pakiramdam ko. Nang muli nyang tingnan ang lalaki ay nasa may pintuan na ito at tila inip na nag-hihintay sa kanya. " I'll just wait you outside! " anito pa na hindi na sya inantay makasagot. Hinilot hilot muna nya ang magkabilang sentido bago nagpasyang tumayo at sumunod sa binata. " Sandy, good luck! " ani Lisa. Napabuntong hinga na lang sya bago tuluyang lumabas. Naabutan nya sa labas ng mansion si Mathew. Nakasandal ito sa magara nitong sasakyan habang kausap si Lola Paz. Napangiti naman ang matanda pagkakita sa kanya. Nang makalapit, humalik sya sa pisngi nito. Samantalang ang binata ay hindi tumutinag sa pagkakasandal sa kotse at matamang nakatingin lang sa kanila ng Lola nito. " Oh sya sige, lumakad na kayo at nang maaga din kayong makabalik." ani Donya Paz at binalingan nito ang apo. " Hijo, ingat ka sa pagmamaneho mo. Si Sandy, 'wag mo'ng pabayaan." Gusto nyang mapangiti sa sinabi ng Donya lalo ng makita nya ang mukha ni Mathew na bahagyang napasimangot. Nang tumalikod na ang matanda para pumasok sa loob ng mansion ay agad na rin syang sumakay sa backseat. Hindi na nya inantay na pagbuksan pa sya nito. Akala naman nya ay sasakay na din ito pero nagulat sya ng buksan nito bigla ang pinto na nasa tabi nya. Buti na lang at hindi sya doon nakasandal dahil kung hindi ay malamang nahulog na sya. " Really, dyan ka talaga uupo? May balak ka bang pagmukhain akong driver mo? " he said frowning at her. " Ooops, sorry po seniorito. I assume you don't want me to seat in front. " " Tss! " tila naiiritang palatak nito " Sige na lumipat ka na don. Pagmumukhain mo pa ko'ng driver." Sinunod naman nya ito at lumipat na sa harapan, pero lihim syang napangiti sa hitsura nito, nakasimangot kasi at halata ang pagka pikon. Malamang na alam din nitong sinasadya nya iyon. Haha! At least ikaw naman ang napikon ngayon. Wala silang imikan habang nasa sasakyan. Seryoso si Mathew habang nagd-drive at sya naman ay sa bintana nakalingon at inabala ang sarili sa pagtingin tingin sa paligid. Fifteen minutes lang ang ibinyahe at narating nila ang factory. Dito dinadala ang mga produkto ng hacienda pagkatapos anihin. Tinitimbang at sinusuring mabuti bago idistribute sa mga clients nila. Halos sabay silang bumaba ng sasakyan at kitang kita sa mukha ng binata ang pagka mangha. Marahil ay nanibago ito dahil ang tagal nga nyang nawala dito sa hacienda. Agad silang sinalubong ni Mang Pedring at ang asawa nitong si Nanay Lilia. Sila ang katiwala dito sa factory. " Naku, dumating na pala kayo Seniorito. Kumusta po kayo? " halos panabay na bati ng mga ito kay Mathew. Pero bigla namang nag-init ang mga pisngi nya nang sya naman ang batiin ng mga ito." Sandy, mukhang lalo kang gumaganda, ha? " Kitang kita nya ang pag ngisi ng kasama nya dahil sa sinabi ng mga ito. Hindi nya napigilang taasan ito ng kilay. " Okay naman po ako Mang Pedring. Kayo po kumusta dito? " narinig nyang sagot nito sa mag-asawa. " Halina muna kayo sa loob at napaka init dito sa labas. " aya naman ni Nana Lilia. Ipinakilala muna nila si Mathew sa mga tauhan dito sa loob ng factory. Pagkatapos ay inikot nila ang buong lugar at ipinaliwanag na nya dito kung ano at paano ang bawat detalye lalo na ang mga naglalakihang makinaryang naroon. Laking pasalamat na lang nya dahil naging professional ito at mataman lang itong nakikinig sa bawat ipaliwanag nya. Nagtatanong din ito paminsan minsan na maayos naman din nyang nasasagot. Hindi na nila napansin ang mabilis na paglipas ng oras at namalayan na lang nilang magtatanghalian na pala. nag-aya na ang binata na umalis. Sumunod naman sya dito at nakakaramdam na din sya ng gutom. Matapos nilang magpaalam sa mga tao dito ay sumakay na sila sa kotse ni Mathew. " Mr. Montecillio, we're on the wrong way! " napaangat sya sa pagkakasandal nang mapansing mali ang dinadaanan nila dahil hindi ito ang daan pabalik sa mansion. " Relax Sandy. We're just going to have lunch." Kunot noong napalingon sya dito. Seryoso ang mukha nito habang nagd-drive. " Pero baka naghihintay na sa'tin ang Lola mo." " S'ya ang may sabing sa labas na lang tayo kumain." anito na lalong ikinakunot ng noo nya. Bahagya pa sya nitong nilingon kaya nahuli nito ang pagtitig nya. " So, saan mo gustong kiumain? " " H-ha? " Narinig naman nya ang tanong nito pero di sya makasagot agad. Naiiwas nya ang tingin dito dahil nakita nyang ngumiti na naman ito ng nakakaloko. " Sabi ko saan mo gustong kumain tayo? " ulit nito sa tanong na hindi mawala ang pagkakaangiti. " Diba ikaw ang nakaisip na sa labas kumain, bakit ako ang tinatanong mo? " inis nyang sagot. " Ikaw ang mas nakaka alam sa mga pasikot sikot dito kaya dapat lang na sayo ko itanong di, ba? " " Tss! " Oo nga naman... Pero nakakainis pa rin itong lalaking ito. Hmm... Tingnan ko lang kung makangiti ka pa mamaya. " Sige idiretso mo lang. Paki park na lang doon sa may kanto." Sumunod naman si Mathew kahit mukhang nagtataka dahil imbes na sa restaurant nya ito dalhin, ipinahinto nya ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na kainan. Matapos nilang mai-park ang sasakyan ay agad na syang bumaba. Nakasunod lang din ito hanggang pumasok na sya sa loob ng kainan. Pumwesto sya sa lamesa na malapit sa bintana. Nakaupo na sya pero si Mathew ay nakatayo lang sa harap nya. " Ano 'to? " kunot noong tanong ni Mathew. " Kainan po Seniorito, kasi sabi nyo po kakain tayo? " patay maling sagot nya. Nagugustuhan nya ang reaksyon nito ngayon. Parang nandidiri na ewan. Pero sigurado naman syang malinis ang lugar na ito kaya dito nya ito dinala. " Oo nga magl-lunch tayo pero ano 'to? I mean, bakit dito? " he gave her a seriously-look. " Naku, seniorito, masarap po ang mga pagkain nila dito." aniya pa. " Upo na po kayo, seniorto. " gusto na talaga nyang humagalpak sa tawa pero pinipigil lang nya. Ang sarap din pala nitong pag trip-an. " Why do I have this bad feeling kapag tinatawag mo'kong seniorito. Seems like you're up to something. " Isang inosenteng ngiti lang ang naging sagot nya dito. May lumapit na din kasing waitress. Pinaningkitan sya nito ng mata pero naupo na lang din sa kaharap nya. " Hi sir, ano po ang order nyo? " malambing na tanong ng waitress na halata namang nagpapa cute lang sa kasama nya dahil sa lagkit ng titig nito sa binata. " Ahmm... Miss! " agaw nya sa pansin nito dahil parang hindi sya nito nakikita. " sa'kin isang ginataang tilapia, tatlong barbeque tsaka dalawang rice." nakangiti nyang sabi sa waitress. Mabilis naman nitong nilista ang order nya at muling bumaling kay Mathew. " Kayo po sir? " tanong nito na parang kinikilig. " Dalawang rice talaga? " anitong parang di naniniwala sa order nya. Ni hindi pinansin ang tanong ng waitress. Tinaasan nya lang ito ng kilay bilang sagot. " ano daw ang order mo? " " Kung ano yung order mo, yun na lang din sa'kin." nakasimangot na sagot nito. Lihim syang natatawa sa hitsura ng binata. " May additional order pa po ba kayo, sir? " tanong pa nito. " Miss pa add na lang ng isang beef caldereta at isang leche flan." naalala nyang iyon daw ang paborito ng binata ayon kay Donya Paz. " at saka dalawang bote ng mineral water." aniya. " Kayo po, sir? " " Okay na yung sa'kin." ani Mathew. Hindi pa rin maipinta ang pagmumukha nito. " Dessert po sir? " pangungulit pa ng waitress na mukhang walang balak umalis. " Baka gusto nyo din po." " Miss, okay na. Yun lang order namin. " nakangiti nyang sabi dito kahit ang totoo ay naiinis na sya dito. Para kasing si Mathew lang ang nakikita nitong costumer at hindi sya nage-exist sa paningin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD