Chapter 10
One year later...
It's been a year after that operation of mine. Maswerte ako na nakasurvive ako roon. Thanks to the man who gave me his heart. Pagkagaling ko palang sa hospital, binisita ko agad ang puntod niya at pinasalamatan siya, miski pamilya niya.
Because of him, I'll be able to live and have my second chance in life. Nang dahil sa kanya, nagkaroon ako ng pagkakataong magkaroon at bumuo ng sarili kong pamilya. Ang mga bagay na hindi ko inaasahang mangyayari ay naging posible dahil sa taong 'yon. I owe him my life, walang araw na hindi ko siya pinasalamatan at binisita.
"I'll take care of your heart, I promise," nakangiti kong sinabi saka hinaplos ang kanyang lapida.
It's almost Christmas kaya kailangan ko na ring umuwi at bumalik sa bahay. Paguwi ko, sinalubong ako nang isang batang babae. She's too small kaya tanging legs ko lang ang abot niya. Natawa ako bago siya kinarga.
"Hey baby," bati ko sa kanya. I kissed both of her cheeks.
"Ay mwiss you Mwommy," (I miss you Mommy) sabi niya gamit ang kanyang pinakacute na boses. Yumakap siya sa akin ng mahigpit. She rested her head on my shoulder.
This kid is my daughter, yes I got a chance to get married and have my own daughter. Lahat ng pangarap ko natupad nang dahil sa puso na ibinigay niya sa akin.
"Why are you still up?" tanong ko bago siya ilapag sa couch.
Nagkusot siya ng kanyang mata saka sumiksik sa akin. Maya maya'y lumabas mula sa kusina 'yong yaya niya.
"Ma'am ayaw niya pong matulog kasi hinihintay raw kayo ni Sir," sagot nito. Tinanguan ko lang siya at nginitian, pagtapos no'n umalis na siya.
Binalingan mo si Vida. "But I told you to sleep early, maaga tayong aalis bukas nina Daddy." Hindi na siya sumagot pa kaya kinarga ko nalang siya ulit at dinala na sa kanyang kwarto sa itaas.
She has her own room. May malaki siyang kama at playground sa loob no'n. Ipinasadya talaga namin 'tong design na 'to dahil nga nagiisang anak lang namin siya. Syempre kapag nagiisa, ibibigay mo lahat para lang mapasaya siya.
Inilapag ko na siya sa kanyang kama. Inayos ko rin 'yong kumot niya.
"Daddy," she said while pouting.
I sighed and gently caressed her face. "Daddy's staying with Lolo and Lola right now, pero uuwi rin siya bukas."
"Daddy."
"Daddy's going home tomorrow."
Umiling siya at nagsimula ng magwala. Ang luha niya ay sunod sunod ng pumapatak. "Daddy!"
Bumuntong hininga ako bago siya ulit kinarga. "Baby, stop crying." Hinagod ko ang kanyang likuran pero patuloy lang siya sa pagiyak.
"Daddy," sabi na naman niya.
She's such a Daddy's girl, dati naman ako ang gustong gusto niyang kasama pero ngayon nag-iba na.
Ilang sandali pa ang lumipas at napagod din siya sa kaiiyak. Nakatulog siya sa balikat ko. Hinaplos ko ang kanyang likuran at buhok bago siya ulit ibalik sa kama. Inayos ko ang kanyang kumot. I kissed her forehead and whispered good night.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. I was awakened by the sound of my baby girl. "Mommy."
"I'm still sleepy," sabi ko at nagtalukbong ng kumot.
"Mommy!" pangungulit na naman niya.
Bumuntong hininga ako saka pumunta ng banyo para gawin ang morning rituals ko, nanatili naman siyang nakasunod sa akin. Nakangiti habang pinapanood ako sa aking ginagawa.
Nang matapos, kinarga ko siya ulit pababa. Dumiretso ako sa kusina at ipinagtimpla siya ng gatas.
She just smiled when I gave her, her glass of milk. Inupo ko muna siya roon sa counter top.
Sumapit ang gabi at narito na kami sa bahay ng mga magulang ng asawa ko. Sinundo niya kami kanina, nagsimba kami pagkatapos ay dumiretso rito dahil gusto nga raw nila kaming makasama ngayong pasko.
Katatapos lang namin kumain at kasalukuyan ng nagbibigayan ng regalo. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa anak ko na masayang binubuksan ang kanyang regalo sa sahig. It's a gift from her lolo and lola.
"You liked it?" tanong ni Tita Trina sa anak kong si Nica.
Nakangiting tumango ang anak ko at niyakap ang manikang regalo sa kanya.
"Babe." Napalingon ako matapos marinig ang isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.
Ngumiti ako nang sulyapan ang dala dala niya. It's a heart shape pillow and chocolates.
Last Christmas I gave you my heart
But the very next day, you gave it away
This year, to save me from tears
I'll give it to someone special
Kanta niya, tinawanan ko lang siya at niyakap ng mahigpit.
"Thank you Nicholas," bulong ko habang nakangiti.
Nicholas and I got married a year ago. He didn't die, he lived. At maniniwala ba kayo kung sasabihin kong parehong araw kami naoperahan at nagpatransplant? Well...gano'n yata kami kaswerte, saktong may dumating na mga organs no'ng araw na 'yon kaya naoperahan kaming dalawa agad.
Without this man, I won't be able to survive and live a good life. I owe him my life also, kung wala siya, baka matagal na akong sumuko sa buhay.
He caressed my cheek. "I may not be the one who gave you the heart, but my heart will always be yours baby, I love you, Merry Christmas..." bulong niya bago ako tuluyang siilin ng halik.
Last Christmas, he gave his heart to me. Not the real one but the other way around...
~the end~