Chapter 9
Nang hindi siya makita ay nagdesisyon nalang akong umuwi. Pagpasok ko palang ng bahay, dinig na dinig ko na ang ingay na nagmumula sa dining area. Napangiti ako ng makitang masayang naguusap sina Daddy, Mommy at Ate.
"Vida's here," anunsiyo ni Ate na tumayo pa mula sa kanyang upuan at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Thank you sis," bulong niya.
Kunot noo ko siya niyakap pabalik. Why is she saying thank you all of a sudden? Ano bang mayroon? Ayos na ba sila ni Mommy?
"Bakit ka nagpapasalamat?" tanong ko nang pakawalan niya ako.
Ngumiti siya saka hinaplos ang pisngi ko. "Thank you for everything, pasensya na kung nagselos ako sa 'yo."
I blinked twice. Tama ba ako ng dinig? Sinabi ba talaga ni Ate 'yon o baka naman nabibingi lang ako?
"Kung joke time 'to ate, tigilan mo."
Mabilis siyang umiling. "I'm not joking..."
"E, seryoso ka?" Hindi ako makapaniwala. What made her change her mind?
Nagiba na ba ang ihip ng hangin?
"Oo nga, halika na kumain na tayo." Hinila niya ako palapit sa dining table.
Kaagad naman akong naupo sa tabi ni Mommy, kung saan palagi akong nakaupo. Si Ate ay naroon sa tabi ni Daddy. Todo asikaso na naman sa akin si Mommy, kung ano anong pagkain ang nilagay niya sa plato ko.
Pinigilan ko siya nang lalagyan niya na naman ako ng ulam. "Mom, that's stop."
Nangunot ang kanyang noo saka matunog na bumuntong hininga. "Para mas lumakas ka, kailangan mo ang mga ito."
Kinuha ko ang pinggan na naglalaman ng ulam, ipinatong ko ulit 'yon sa lamesa. I held my Mom's hand. Hinaplos ko 'yon saka ko siya nginitian. "Mom, I'm okay...I'll be okay."
"Are you sure?"
"I'm sure, isa pa," sabi ko saka sila sandaling sinulyapan isa isa. Nginitian ko sila. "Payag na akong magpaopera at maghintay ng donor."
Emosyonal akong tinignan ni Mommy. Hinaplos niya pa ang pisngi ko. "Totoo ba 'to?"
Nakangiti akong tumango. "Opo, naisip ko kasi na mas gusto ko pa kayong makasama ng matagal."
"Salamat naman sa Diyos!" ani Daddy at tinapik ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.
We had a great time that day. Parang bumalik bigla ang lahat sa dati, iyong masaya lang kami at walang ibang iniisip.
Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay para hanapin si Nicholas. Kagabi ko pa siya hindi nakikita kaya kinabahan na talaga ako. I search for his account on sss and i********: pero 'yong huling post niya ay last month pa.
I contacted his friend, tinanong ko 'yong addresss nila. No'ng sinabi niya ay agad ko 'yong pinuntahan. Sinalubong ako no'ng maid nila.
"Oh Vida ikaw pala, long time no see," ani Manang Teresa habang nakangiti.
Nakangiti akong tumango. "Oo nga po eh."
"Sino bang hinahanap mo?"
"Si Nicholas po," sagot ko kaagad.
Ang ngiti sa labi ni Manang Teresa ay unti unting nawala nang marinig ang pangalan ni Nicholas. Lalo tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyari.
"Manang, nasaan po ba siya?" tanong ko, ilang beses pa akong napalunok kasi ang ekspresyon ni Manang ay hindi manlang gumanda, bagkus naging emosyonal pa siya habang nakatingin sa akin.
"Vida kasi..."
"Ano po?"
"Nasa hospital si Nicholas—"
"Ano ho? Kailan pa?" Hindi ko na naitago sa boses ko ang gulat at pagaalala.
Bakit siya nasa hospital? Anong ginagawa niya roon?
"Last month pa, nagkasakit kasi 'yong batang 'yon kaya kinailangang iconfine."
"Pero Manang kasi pinuntahan niya pa ako no'ng nakaraan..."
"Tumatakas siya sa hospital para makita ka," parang nahihirapang ani Manang Teresa.
Nakagat ko ang ibabang labi dahil doon, pakiramdam ko ay parang pinagsakluban na naman ako ng lupa.
Tumatakas siya sa hospital para makita ako...pero bakit? Gano'n ba ako kahalaga sa kanya? Na kahit may sakit siya ay pipiliin niya pa rin akong makasama?
Madaling madali ako na pumunta sa hospital na sinasabi ni Manang Teresa, naabutan ko pa ang mga magulang ni Nicholas na nasa gilid ng kanyang kama. Umiiyak ang mga ito.
"Nicholas." My voice cracked. Magkakasunod na tumulo ang mga luha ko habang tinitignan si Nicholas na ngayon ay tulog at nakahiga sa hospital bed.
"Vida." Nilapitan ako ng Mommy ni Nicholas at niyakap ng mahigpit.
"Ano pong sakit niya?" tanong ko habang panay pa rin ang luha.
Humiwalay si Tita sa pagkakayakap sa akin saka pinunasan ang luha ko. "Kidney failure, pero ayaw na niyang magpatransplant, ang sabi niya pa, kung sakaling mamatay siya ay ibibigay niya sa 'yo ang puso niya." Hindi na napigilan ni Tita ang sarili, humagulgol na rin siya. "Pero, I can't lose my son Vida..." umiiling bagaman lumuluhang sabi ni Tita.
Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong manikip ang dibdib ko. Para akong nanghina sa kinatatayuan ko. Napaupo ako, narinig ko pang tinawag nina Tito at Tita ang pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
~to be continued~