Chapter 8
Matapos kumain ay naglakad lakad pa kami ni Nicholas sa bay side ng MOA. Ang paningin ko ay iginala ko sa paligid. Napakaraming tao, ang iba ay masayang naguusap, ang iba naman ay kumakain. May nakita na naman akong pamilya, pabuntong hininga kong inalis ang paningin sa kanila.
Gustuhin ko mang bumuo ng sariling pamilya ay parang malabo. Malabong malabo 'yon sa ngayon.
"Anong iniisip mo?" Napalingon ako kay Nicholas nang huminto siya sa paglalakad at bigla akong tanungin.
Am I that easy to read? Bakit parang kahit hindi ako magsalita ay nababasa niya ang nasa isip ko?
"Wala 'yon."
"Alam kong mayroon."
"Wala nga..."
"Sabihin mo na, makikinig ako..."
"Kasi, iniisip ko lang kung makakapagasawa pa ako at magkakaanak." There, I said it!
Hindi naman ako 'yong tipo na madaling magsabi sa iba pero bakit kapag siya ang kasama ko ay parang okay lang kahit sabihin ko sa kanya ang lahat ng gano'n kadali at kabilis?
"Magkakaasawa ka pa at magkakaanak."
"Sa tingin mo?"
"Oo naman, wala namang impossible."
Matapos ang araw na 'yon, napadalas na ang pagkikita namin ni Nicholas. T'wing gabi, kapag ako nalang magisa sa shop ay pinupuntahan niya ako at tinutulungang maglinis at mag-ayos.
As days went by, lalo kaming napalapit sa isa't isa. Kapag kailangan ko ng kausap ay nandyan siya lagi para sa akin. Bigla siyang susulpot sa kung saan. Para bang ang lakas ng pakiramdam niya, alam niya kung kailan ko siya kailangan at kapag may pinagdadaanan ako.
Hindi ko maiwasang bumilib kasi ang perfect palagi ng timing niya. He showered me with hopes and positivity, nang dahil sa kanya, mas ginusto kong mabuhay lalo, nagkaroon ako ng pag-asa na ipagpatuloy ang buhay. Dahil sa kanya, nagawa ko 'yong mga bagay na hindi ko inakalang magagawa ko. Kapag malungkot ako ay nariyan siya para pasayahin ako.
Napasulyap ako sa labas ng bintana habang may hawak na duster. Napangiti ako nang makita 'yong lalaki na batid kong may gusto kay Ms. Santa, ilang buwan ko na rin siyang napapansin dito sa labas.
Tinignan ko sandali si Ms. Santa, abala siyang nakikipagusap doon sa dalawang customer. Ngumisi ako at pasimpleng lumabas ng shop. Nilapitan ko 'yong matandang lalaki. Kinausap ko siya at sinabihang sumunod sa akin, kaya ginawa naman niya.
Pagpasok palang namin, tinawag ko na si Ms. Santa. "Ah Ms. Santa, mukhang may hinahanap siya at sa tingin ko ikaw ang makakasagot doon, ako na ang bahala sa customer mo."
Nilapitan ko 'yong dalawang customer ng aking amo at sinamahan sinamahan sila sa itaas, kung saan marami pang decors. Mula sa itaas ay tinanaw ko sina Ms. Santa at Mr. Klaus, napangiti ako nang pagmasdan silang magusap. Bagay na bagay sila, pangalan palang eh.
Nang sumapit ang hapon, naabutan ko si Ms. Santa na nagaayos doon sa ibaba. Nakamake up siya. Hmm, mukhang may date sila ni Mr. Klaus ah? Speed lang?
"Hmm, mukhang may date kayo ah." Nilapitan ko siya at pinakatitigan ang mukha niya.
"Yes, so...how do I look? Maganda ba?"
"Hmm, dapat hindi na po kayo naglagay nito." Ang tinutukoy ko ag 'yong eyelash extension.
Mahaba naman na kasi ang pilikmata niya kaya bakit maglalagay pa ng ganito? Para tuloy hindi bumagay!
"Pangit ba? Tanggalin mo nga," aniya sabay pikit.
Ngumiti ako saka dahan dahang tinanggal ang eyelash extension na nakadikit sa kanyang mata. Inilagay ko 'yon sa lamesa. Dumilat siya matapos 'yon at tinignan ang sarili sa salamin.
"Ms. Santa sandali po," sabi ko at kumuha ng tissue.
Kunot noo niya 'yong binalingan. "Bakit?"
"Masyado pong makapal ang lipstick, bawasan mo po." Sinenyas ko ang tissue. Inilapit niya ang labi roon kaya kahit papaano'y nabawasan ang kapal no'n.
"Ayan, okay na po," anunsiyo ko.
Kinuha niya ang salamin at tinignan ulit ang sarili roon. "Salamat, nga pala..."
"Ano po 'yon?"
"Hindi ka ba pupuntahan no'ng lalaki na kinekwento mo?"
"Hindi ko po alam."
"Ipakilala mo sa akin 'yan ha!"
Alanganin akong ngumiti. "Oo nalang po."
"Sige na aalis na ako, 'yong shop ha? 'wag kalimutan i-lock," bilin niya.
Tumango ako at nginitian siya. "Opo, ingat po kayo, enjoy your date."
Tumango lang siya at nilisan na ang shop. Nang sumapit ang gabi ay nilisan ko na ang shop, sinigurado kong mailalock ko 'yon bago umalis. Paglabas ko, hinanap ko agad si Nicholas.
Napatingin ako sa relo ko. Bakit wala pa siya? Mga ganitong oras, usually nagpapakita na siya sa akin ah?
Naglakad lakad ako, pinuntahan ko lahat ng pinuntahan namin, pero ni anino niya, hindi ko nakita...
Nasaan kana ba Nicholas?
~to be continued~