Chapter 7

803 Words
Chapter 7 Nakangiti ako habang nagii-skate kami ni Nicholas. Gaya ng sabi niya kanina, hindi niya ako binitawan. He's there beside me, guiding me all the way. Nakagat ko ang ibabang labi nang bitawan niya ako. Sinubukan kong maglakad ng mabagal doon at nagtagumpay ako. Nang makalapit ako sa kanya ay hinila niya ako, medyo mabilis 'yon kaya napalakas ang boses ko. Nahampas ko siya. "Bagalan mo lang," sabi ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa kanya. Sinulyapan niya ako at nginitian. "Sige, your wish is my command." Kumindat siya. Napangiti ako, maya maya'y sinubukan ko ulit mag-isa, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, natumba ako. Napaupo ako sa yelo, pero imbes na mahiya ay natawa pa ako. "Happy ka?" tanong ni Nicholas nang makalapit sa akin. Nakangiti pa rin siya. Grabe, hindi ba siya napapagod kangingiti? Sana all ganyan 'no? Tipong kahit ang daming problema ay nagagawa pa ring ngumiti... Tumango ako. "Oo." Itinaas ko ang dalawang braso, nagpapatulong sa kanyang tumayo pero kinindatan niya lang ako. Hinawakan niya ako sa braso, pero akala ko'y itatayo na niya ako, mali ako. Pinayuko niya ako, kaya sumunod ako. Dumaan siya roon sa may ulunan ko mismo. "Parang tanga, akala ko kung ano na." Natawa na naman ako. "Bilib kana ba roon?" tanong niya at tinulungan na akong tumayo. Pilit akong ngumiti at tumango. "Siguro? Oo nalang para naman hindi ka kawawa." Pinanliitan niya ako ng mata at akmang kikilitiin na nang umilag ako at nagskate palayo sa kanya, pero kahit yata anong bilis ko ay maaabutan niya pa rin ako. Nakangiti lang ako habang hinahabol niya. Nang makalapit siya sa akin ay ikinulong niya ako sa mga bisig niya. "I got you, wala ka ng kawala," bulong niya habang nakatungo para tignan ako. Natigilan ako at dahan dahang nag-angat ng tingin sa kanya. "Nicholas..." Hindi ko siya pwedeng hayaan na mahulog sa akin. Lalo na at wala akong kasiguruduhan kung gaano pa ako katagal mabubuhay. Ayoko siyang paasahin at saktan. He deserves someone else. Iyong walang sakit at makakasama niya ng matagal. "Alam ko na," sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Nangunot ang noo ko. Alam na niya agad ang sasabihin ko? Paano? Sinong nagsabi sa kanya? Napalunok ako. "Alam mo na...na may sakit ako sa puso?" Bumuntong hininga siya saka tumango. "Oo." "Paano?" "I just happened to find out." "Hindi ka pwedeng mahulog sa akin." Napayuko ako. Inangat niya ang mukha ko, dahilan para magtama na naman ang mga mata namin. "Bakit? Dahil lang may sakit ka?" "Oo, ayokong paasahin ka...ayokong saktan ka, you deserve someone better." "I deserve you then," sagot niya sabay ngiti. "Nicholas..." "Stop it, makakahanap tayo ng donor mo okay? Hindi ka pa pwedeng mawala," makahulugan niyang tugon saka ako niyakap ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa ulo. "Sa tingin mo makakahanap tayo? Sa dami ng nangangailangan no'n parang impossible." Totoo 'yon, nawalan na ako ng pag-asa. Nang sabihin ng doctor na hindi na bumubuti ang lagay ng puso ko ay parang naging ganito na ako, napuno na ang isip ko ng negativity, tipong gusto ko nalang sulitin ang natitira kong oras dahil alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal pa sa mundong ito. "Makakahanap tayo, magtiwala ka lang." Muli niya akong nginitian. Nang mapagod sa pagii-skate ay niyaya naman akong kumain ni Nicholas. Dinala niya ako sa isang kainan dito sa MOA. Pinili ko 'yong Jollibee dahil namimiss ko ng kumain ng spaghetti at chicken doon, pinagbigyan niya naman ako. "Kain na tayo," sabi niya ng mailapag lahat ng order namin sa lamesa. Nakangiti akong tumango bago magsimulang kumain. Una akong sumubo ng spaghetti. Natigil lang ako nang mahuling nakatitig sa akin si Nicholas. Bigla tuloy akong naconscious sa mukha ko. May dumi ba ako? Sobrang takaw ko ba? "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko, sabay lunok doon sa kinakain ko. Umiling siya at ngumiti. Maya maya'y dumampot siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. Para na naman akong naestatwa nang gawin niya 'yon. "Ang kalat mo pa ring kumain, ganitong ganito ka rin no'ng college eh." "College? Ibig sabihin pinapanood mo akong kumain no'n?" Famous kasi siya no'ng college, palibhasa'y mayaman kaya sikat, bukod pa roon may lahi siya kaya nakadagdag pa sa pagiging magandang lalaki niya 'yon. Maraming humahanga sa kanya at nagkakagusto, pero wala siyang pinansin ni isa sa mga 'yon. "Let's just say na you caught my attention." Kumindat siya bago sumubo ng kanin. Nangunot ang noo ko. "Bakit ako? Marami namang babae no'ng college ah? Magaganda pa kaya bakit ako?" Dinilaan niya ang ibabang labi saka tumitig sa akin. "Bakit hindi na naman ikaw? Maganda ka rin naman, simple pa." Hindi na naman ako nakapagsalita. Para akong naubusan ng sasabihin. Gosh, what's happening to me? ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD