Chapter 6

781 Words
Chapter 6 Masama ang mukha ko hanggang sa makarating kami ni ate sa bahay. Pabagsak akong naupo sa sofa, samantalang siya'y inilapag sa tabi ko 'yong gamit ko at umalis para tawagin sandali sa Mommy. Matunog akong bumuntong hininga. Nandito na naman ako. For sure sasakit na naman ang ulo ko. Kung tratuhin pa naman ako ni Mommy ay parang baby! She'll send me to sleep, kekwentuhan pa ako at kakantahan! Gosh, I'm not a kid anymore, matanda na ako. "Vida you're home." Naipikit ko ang parehong mata at hinilot ang sariling noo nang marinig ang tinig ni Mommy. Naimulat ko lang ang mata nang maramdaman kong may humaplos sa aking pisngi. I'm not surprised to see Mom. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng sala. I saw Ate, 'yong selos ay hindi manlang nawala sa kanyang mga mata. Nang magtama ang parehong mata namin ay siya na rin ang kusang nag-iwas ng tingin. "Mom, bakit pinauuwi niyo na naman ako?" tanong ko, ang inis ay hindi na naitago sa aking boses. Imbes kasi na malapit ako ro'n sa pinagtatrabahuan ko ay napalayo pa ako dahil bumalik ako rito sa bahay namin. Imbes na maglalakad ako, sasakay pa ako ng taxi! "Anak, nagaalala lang naman ako sa 'yo, baka nakakalimutan mong may sakit—" Hindi pa natatapos si Mommy, pinutol ko na. "Gets ko naman na may sakit ako, pero 'wag niyo namang iparamdam sa akin na sobrang lala na, sa ginagawa niyo kasing 'yan, pakiramdam ko malala na ako at wala ng magagawa," sunod sunod kong sinabi. Tumayo ako at pinalis ang luha ko. Yeah, just right, kaya ayokong pinaguusapan ito eh, kasi nasasaktan ako, hindi pa naman 'yon makakabuti sa akin. Napayuko si Mommy. "Pasensya na anak, hindi ko alam na gano'n ang nararamdaman mo, napuno lang kasi ako ng takot..." hinawakan niya ang kamay ko. "Takot na baka maulit ang nangyari last christmas at tuluyan ka ng mawala sa amin." Napaiwas ako ng tingin. "Huwag na natin 'yang pag-usapan Mom." "Pero anak—" "Kung gusto niyo po akong tumira ulit dito, irerespeto niyo ang sinabi ko." Umalis ako ng bahay pagkatapos no'n. Pumara ako ng taxi at pumunta malapit sa shop ni Ms. Santa, kung saan ko ulit nakita si Nicholas, baka sakaling nandoon siya. Inilibot ko ang paningin sa lugar, pero hindi ko siya nakita. Napabuntong hininga ako at aalis na sana nang biglang may kumalabit sa akin. Nagulat pa ako ng makitang si Nicholas 'yon, nakangiti na naman siya. "Hinahanap mo ako?" tanong niya, pero imbes na sagutin siya ay basta nalang akong yumakap sa kanya at umiyak. "What's wrong?" nagaalala niyang tanong. "Wala," tanggi ko. Pinunasan ko ang luha ko at pinatigil ang sarili sa pagiyak dahil baka atakihin ako bigla. Humiwalay ako sa kanya na nakangiti na, pilit ang ngiting 'yon. "Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" tanong na naman niya. Pinunasan niya ang pisngi ko na medyo basa pa ng luha. Umiling ako at pilit ulit na ngumiti. "Wala nga." "Hindi ka naman iiyak kung wala lang, you're one of the softest person I know." Hindi ako nakasagot at tumitig nalang sa kanya. This man is really something, bakit ba ganito siya? Bakit kapag kasama ko siya...lahat ng nararamdaman kong negativity nawawala? Anong mayroon sa kanya? May magic ba siya? "Sige na, hindi na kita pipiliting magkwento, pero samahan mo ako ulit." Nangunot ang noo ko. Ito na naman siya, yayayain na naman ako, pero saan naman kaya? "Saan na naman?" Natawa siya at kinurot ang pisngi ko. "Ang cute mo," komento niya bago tigilan ang pisngi ko. Napahawak ako sa parteng 'yon ng aking pisngi saka umiwas ng tingin. "Tara na." Hinila na niya ako paalis sa lugar na 'yon. Nanatili lang siyang nakahawak sa kamay ko habang naglalakad. I don't mind kasi para sa akin, hindi naman masyadong big deal ito. And it's not like, he's a stranger to me, well...not anymore, 'cause I'm comfortable with him. Natigil ako sa pagiisip nang makita kung saan niya ako dinala. Natuptop ko ang sariling bibig nang tignan ang napakalaking skating ring. Nilingon ko siya, pero bago pa man ako makapagsalita ay hinatak niya na naman ako, nagsuot kami ng ice skates. Nahirapan pa akong maglakad dahil hindi ako sanay, pero hindi niya ako pinabayaan. Inalalayan niya ako hanggang sa makaapak kami sa yelo. "Bibitawan na kita ah," anunsiyo niya pero hindi pa man niya nagagawa ay nagpanic na ako. Humigpit ang pagkakakapit ko sa braso niya. "Huwag mo 'kong bibitawan please?" Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko kaya natagalan bago siya sumagot. "I won't, kumapit ka lang sa akin, I'll be here, guiding you all the way." ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD