Chapter 5

802 Words
Chapter 5 Hindi na ulit nagsalita si Nicholas matapos 'yon, nanatili siyang tahimik hanggang sa makabalik kami sa pinagrentahan niya ng bike. Habang naglalakad ay wala pa rin siyang kibo. Hindi ko tuloy alam kung kakausapin ko ba siya o ano. Baka kasi kapag ginawa ko 'yon mapasama pa. Nahinto ako sa paglalakad nang bigla niya akong lingunin. "Bakit?" inunahan ko na. Bumuntong hininga siya. "Pasensya kana sa kanina." "Ayos lang ano ka ba." Nginitian ko siya para sabihing ayos lang talaga. "Sure ka?" tanong niya, naninigurado. Natawa ako at tumango. "Oo nga, huwag ng makulit." Nagsimula na ulit akong maglakad, sumunod naman siya ulit. "Saan ka pala pumunta kagabi?" Ngumuso ako nang maalala na naman ang audition. "Sa audition." "Oh, anong nangyari?" "Nalate ako." "Pero nakapagperform ka naman?" Malungkot akong tumango. "Oo." "E, bakit parang malungkot ka?" I sighed. "Kasi pakiramdam ko hindi ako makakapasok." "Paano mo nasabi?" "Kasi alam ko." "Huwag mo kasing pangunahan, think positive palagi." "I'll try okay?" "Don't just try, do it." Nang sumapit ang gabi ay tsaka palang kami naghiwalay ni Nicholas. Hinatid niya pa ako sa sakayan para masigurong safe akong makakauwi. Nang makarating sa bahay ni Katy ay hindi ko na napigilang ngumiti. "Hmm, pangiti ngiti siya oh," puna niya. Nilingon ko siya, mas lalo pang lumapad ang ngiti ko. "Yeah." "Mabuti 'yan, masama sa 'yo 'yong palaging nalulungkot," pagpapaalala niya. "Pasensya na pala hindi ako nakasabay sa inyong kumain kanina." Pumasok na ako sa kwartong tinutuluyan ko. Hinubad ko 'yong sapatos na suot ko tsaka ako patalong nahiga sa kama. "Ayos lang 'yon, maiba tayo...bakit ka ginabi? Saan ka galing?" tanong niya at naupo sa paanan ng kama. "Niyaya akong lumabas ni Nicholas," kaswal kong sagot. Gulat niya akong tinignan. Maya maya'y hinampas niya pa ako. "O m g ka girl! Nicholas Scott ba 'yan? Iyong kaklase nating pogi no'ng college?" Tumango ako at sinenyasan siyang huwag maingay. "Gaga ka, marinig tayo ng asawa mo," naiiling kong sinabi. Natawa siya at muli akong hinampas. "Pero seryoso, niyaya ka talaga niya?" "Oo nga, bakit parang hindi ka makapaniwala?" "Kasi hindi naman kayo close no'ng college kaya nagtataka ako." "Kahit ako rin e, pero malay mo naman, gusto lang talaga kong maging kaibigan." Nagkibit balikat ako. Ipinikit ko na ang parehong mata. "Gustong maging kaibigan? Baka naman girlfriend kamo?" "Siguro? Hindi ko alam Katy." "Ang swerte mo naman." "Swerte ba 'yon?" Nakangiti siyang tumango. "Oo naman, malay mo siya na pala ang the one mo." "Malay mo lang." "Napaka mo naman, maging positive ka naman kahit minsan." "I'm trying." Ngumiwi siya. "Trying? Mukha namang hindi." Iminulat ko ang parehong mata. Naupo ako at tinabihan si Katy. Bumuntong hininga ako. "Hindi ko alam Katy, hindi ko alam kung kaya kong magmahal, baka mamaya ikamatay ko." I heard her sighed. "Hindi ka mamamatay, makakahanap tayo ng donor okay? Think positive," aniya bago ako tuluyang yakapin. Kinabukasan ay nanatili lang ako sa bahay nina Katy. Ang buong oras ko ay iginugol ko sa pagtulog dahil sa t'wing may pasok, bihira akong makatulog ng mahaba. Akala ko, maayos na ang araw na 'yon pero mali ako. Napabalikwas ako ng higa nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto na tinutuluyan ko. Nanlaki pa ang mata ko ng makita si Ate roon. Magkakrus ang parehong braso habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin, basta nalang akong pumikit at nagtakip ng unan sa mukha. "Vida, I told you to go home." Naramdaman kong lumubog ang kabilang parte ng kama kaya batid kong umupo siya sa tabi ko. Inalis ko ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Umalis nga ako para less issue 'di ba? Para 'yong atensyon ni Mommy ay sa 'yo naman mapunta." Bata palang kasi, parati ng ako ang napapansin ni Mommy, halos lahat ng atensyon niya ay nasa akin, kaya hindi ko rin masisi ang ate ko kung minsan naiinis siya sa akin. No'ng nagkaroon ng pagtatalo sa bahay, sabi ko, chance ko na 'yon para umalis at mapagbigyan si Ate pero heto siya at sinasabihan pa akong umuwi. "Mom is worried." "Pakisabi na ayos lang ako." "Hindi siya mapapalagay kung wala ka sa bahay." "Gawan mo ng paraan." Nagtalukbong na ako ng kumot. "Stop being stubborn, umuwi kana." Hindi ko siya sinagot. Maya maya lang ay naramdaman kong tumayo na siya kaya napangiti ako. Nang wala ng marinig na ingay ay tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita si Ate na dala na ang bag ko. Naisilid na niya ang mga damit ko roon. "What are you doing?" histerya kong tanong. Mabilis akong umalis sa kama at lumapit sa kanya. "Uuwi tayo sa ayaw at sa gusto mo." Lumabas na siya dala 'yong bag ko. Sa inis ay ginulo ko ang sariling buhok. "Bwiset!" sigaw ko. ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD