Chapter 4

735 Words
Chapter 4 Nakagat ko ang ibabang labi nang makita ang sandamakmak na bike sa harap namin ni Nicholas. Dito niya ako niyaya? Magbike? E, hindi nga ako marunong niyan! Baka hindi pa ako nakakasakay ay nahulog na ako. "Tara na," sabi niya, may bike na siyang dala. Mabilis akong umiling. "Ayoko, ikaw nalang, uuwi na ako," sabi ko tsaka siya tinalikuran, pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ng may humawak sa braso ko. Paglingon ko, nakita ko si Nicholas. Nakasakay na siya ngayon doon sa bike na nirentahan niya. "Kadarating lang natin tapos uuwi kana agad?" tanong niya. "Eh kasi..." Gosh! How should I tell him na hindi ako marunong? Baka kasi mamaya kapag sinabi ko, pagtawanan niya lang ako at asarin gaya dati. Hindi ko makakaya ang kahihiyan na 'yon! Ayokong ipahiya ang sarili ko sa iisang lalaki! "Eh kasi ano?" Ngumuso ako. "Wala pala, sige na uuwi na ako," sabi ko at muling tumalikod. Sa pangalawang pagkakataon, hinawakan niya na naman ako sa braso. Ayaw talaga akong pauwiin! Ano bang gusto niya? Hindi ba pwedeng magbike nalang siya mag-isa? Bakit kailangang kasama pa ako? Ano ba naman'to! "Pumayag kang samahan ako, kaya magbabike tayo." Bumaba siya sa kanyang bike at nginitian ako. Natigilan ako at napatitig sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko ngayon. Hindi ko rin alam kung anong motibo niya sa paglapit sa akin pero kung ano man 'yon, sana naman maganda. Natauhan ako bigla nang pumitik siya sa harap ko. "Ano? Tara na?" "Eh kasi nga..." Aish, hindi ko talaga alam kung paano sasabihin! "Ano ba kasi ang dahilan mo? May phobia ka ba sa bike?" Umiling ako. "Wala." "Eh bakit?" "Huwag mo akong pagtatawanan kapag sinabi ko." Mabilis siyang tumango. Itinaas niya pa ang kanyang kaliwang kamay. "I promise." Pinigilan kong mapangiti. Sinenyasan ko siyang lumapit. Sumunod naman siya kaagad. Inilapit ko ang labi ko sa kanyang pandinig. "Teka nakikiliti ako," natatawang aniya at bahagyang inilayo ang tenga sa aking labi. Inirapan ko siya. Pinagkrus ko ang parehong braso. "Sasabihin na nga eh." Tinignan niya ako at nginitian. Inilapit niya ulit ang pandinig sa akin. "Sige na, game na baka magbago pa isip mo." "Hindi kasi ako marunong magbike." Finally, nasabi ko rin! Sana lang talaga 'wag niya akong pagtawanan dahil pakiramdam ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanya kung nagkataon. Dahan dahan niya akong tinignan. Parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko. Tumango ako para kumpirmahin ang tanong na nabuo sa isip niya. "Don't laugh at me!" asik ko. Umiling siya. "Hindi promise." "Stop saying promise, 'cause promises are meant to be broken," sabi ko at mapaklang ngumiti. He sighed. Maya maya'y kinuha niya ang bag ko at inilagay 'yon doon sa basket sa harap ng bike. "Umangkas ka nalang sa 'kin, ako ang bahala sa 'yo." Tatanggi pa sana ako pero huli na dahil nakasakay na siya ulit sa bike. Pabuntong hininga akong sumakay sa likuran niya. "Baka mamaya mabilis ka magpatakbo, mahulog ako," sabi ko nang magsimula siyang pumidal. "Hindi kita hahayaang mahulog at masaktan," sagot niya na hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. Humanga ako kay Nicholas nang paandarin niya ang bike sa iba't ibang bilis. May mga oras na natatakot ako kasi parang mahuhulog ako, pero alerto siya at inaalalayan ako. Kung saan saan kami nakarating nang araw na 'yon. Nang mapagod, huminto kami sa may tabing ilog. Naupo kami sa semento. Nagpaalam siya na may bibilhin lang kaya hinayaan ko na, pagbalik niya'y may dala dala na siyang pagkain. Hindi ko na sana tatanggapin pero mapilit siya. "Thank you," sabi ko bago simulang kainin 'yong kwek kwek na binili niya. "Thank you rin," sabi niya, sabay sulyap sa akin. "For what?" "For coming with me." "Mapilit ka eh." "Vida." "Nicholas." "May boyfriend ka?" para akong nabulunan nang bigla niya 'yong tinanong. Nagpanic siya at inabutan ako ng inumin. "I'm sorry, nabigla yata kita." "I'm okay," sabi ko nang matapos uminom. "Pasensya na." "Bakit mo pala tinatanong 'yan? Magaapply ka ba?" "Kung pwede, bakit hindi?" "Seryoso ka?" "Oo naman." "No way!" "Yes way Vida." "Pero bakit ako?" "Bakit hindi ikaw?" "Kasi hindi mo pa ako kilala, malay mo hindi talaga 'to 'yong totoong ako, malay mo—" He cutted me off. "Ito ang totoong ikaw, iyong simple at masayahin." Natigilan ako at hindi nakapagsalita. "Let me Vida." "Nicholas..." "Please?" ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD