Chapter 3
Kinabukasan ay day off ko pero tinawagan ako ni Ms. Santa kaya kinailangan kong pumunta ng shop ngayon. Paglabas ko ng kwarto, naabutan ko sina Katy at Luke na masayang nagaagahan. They were happy, pinag-uusapan nila 'yong pangalan ng magiging anak nila.
Hays, ako kaya? Kailan makapapagasawa at magkakaanak? Tsk, boyfriend nga wala ako eh, asawa pa kaya?
Naputol ang pagiisip ko nang marinig ko ang tinig ni Katy na tinatawag ako. "Vida!"
Agad ko siyang nilingon, lumapit ako sa kanila. "Hey, good morning," bati ko at nginitian silang pareho.
"Good morning, come join us," pagaaya niya sa akin.
Alanganin akong ngumiti. "Ah hindi na, ipinatawag kasi ako ni Ms. Santa sa shop kaya baka roon nalang ako kumain."
"Okay, take care!" Katy said, tinanguan ko lang siya tsaka ako nagpaalam.
Pagdating ko sa shop, masamang tingin ni Ms. Santa ang bumungad sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi sa kaba. Bakit ganyan siya makatitig? May nagawa ba akong mali? Wala naman 'di ba?
"Sa tingin mo, bakit kita tinawag ngayon dito?" tanong niya.
Kunot noo ko siyang tinignan. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang sinasabi niya. May nangyari ba?
Umiling ako. "Hindi ko po alam."
Naupo siya sa kanyang upuan. "Hindi mo nailock ang shop kahapon kamamadali mo," mariin niyang sinabi.
Napapikit ako sa inis. Sa isip isip ko'y ilang beses ko ng namura ang sarili ko. How can I be so clumsy? Paanong nakalimutan ko 'yon?
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng shop. Mukhang wala namang nawala at gano'n pa rin ang ayos ng mga paninda ah? Dapat na ba akong matuwa roon?
"Pasalamat ka at nandyan ang boyfriend mo, siya ang nagbantay dito hanggang kanina."
Ano raw? Boyfriend? Mayroon ba ako no'n? May nakikita ba si Ms. Santa na hindi ko nakikita? Oh baka naman may third eye siya? Nako sana naman ay wala! Kinilabutan ako bigla sa naisip na 'yon.
"Wala po akong boyfriend Ms," pagtanggi ko.
Tumaas ang isa niyang kilay. Parang hindi pa naniniwala sa sinabi ko.
"Wala po talaga," sabi ko ulit.
"E, sino 'yong lalaki na narito? Kaano ano mo 'yon?" sunod sunod niyang tanong. Pinanliitan niya pa ako ng mata na para bang may hindi ako sinasabi sa kanya.
"Hindi ko po talaga kilala Ms."
"Okay, kung sino man siya, laking pasalamat ko sa taong 'yon, dahil kung wala siya...baka nanakawan na tayo at nasesante na kita," may pagkastriktang aniya.
Napalunok ako. "Pasensya na po, hindi na mauulit," sabi ko at yumuko.
Nahihiya ako! Pakiramdam ko puro kamalasan na ang nagagawa ko.
She sighed. "Pagbibigyan kita Vida, one last chance."
Mabilis akong tumango. "Opo, sorry po ulit."
Matapos ang usapan namin ni Ms. Santa ay pinauwi na niya ako. Sinabi rin niyang siya na ang maglolock ng shop kaya hinayaan ko na. Muli kong sinulyapan ang shop nang makalabas ako. Napabuntong hininga ako tsaka ginulo ang sariling buhok.
"Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" natigil ako sa ginagawa nang marinig ang tinig na 'yon.
Nandito na naman siya? Talaga bang seryoso siya na yayayain niya akong lumabas? E, sa pagkakatanda ko, hindi naman kami close no'ng college kaya ano't kinukulit niya ako?
"Ano na namang ginagawa mo rito?" tanong ko. Bahagya kong inayos ang aking buhok na medyo nagulo na.
Natawa siya. "I came here to see you."
"Bakit mo 'ko gustong makita? E, sa pagkakatanda ko, hindi naman tayo close no'ng college," dire-diretso kong sinabi at nauna ng maglakad.
Nahuli ko pa siyang ngumiti nang sabayan akong maglakad. "Hindi ba pwedeng magbago?" tanong niya, ang ngiti ay hindi manlang nawala sa kanyang labi.
"Huwag ngayon, tsaka baka pati ikaw malasin," sagot ko sabay iwas ng tingin.
"Hindi ako mamalasin, ako pa ang swerte sa buhay mo, makikita mo," sabi niya, ginulo niya ang buhok ko.
Tumaas ang isa kong kilay sa ginawa niya. Bakit ba parang komportableng komportable siya na ganituhin ako? Bumaliktad na ba ang mundo o baka naman nananaginip lang ako?
"Seryoso ako," sabi ko at naupo sa isang bench.
Umupo rin siya sa tabi ko. "Seryoso rin naman ako."
"So tell me..."
"What will I tell you?"
"Bakit bigla bigla kang sumusulpot dito?"
"Gusto nga kasi kitang makita," sabi na naman niya!
Nasapo ko ang sariling noo. "Bakit nga gusto mo akong makita? Ang strange lang kasi."
"I just wanted to spend some time with you."
"Why?"
"Tigilan mo na ang katatanong, samahan mo nalang ako," sabi niya at tumayo na.
Inilahad niya pa ang kamay sa akin. "Come," pagaaya niya.
"Saan tayo pupunta?"
"You'll know later," sagot niya at basta nalang kinuha ang kamay ko.
~to be continued~