Chapter 2

761 Words
Chapter 2 Past 7:00 pm na nang makarating ako sa lugar na pagaauditionan ko. Nakagat ko ang ibabang labi tsaka pumasok sa loob. Pagpasok ko, wala ng tao, tanging mga judge nalang ang naiwan. I cleared my throat. Kakapalan ko na ang mukha ko! "Ah, excuse me po, tapos na po ba ang audition?" tanong ko. Isa isa silang nag-angat ng tingin sa akin. Ang isa ay mukhang masungit pa, kaya para maiwasan ang matalim niyang tingin ay napayuko ako. "Tapos na ang audition hija," anang matandang lalaki na isa sa mga judge. Nakagat ko ang ibabang labi tsaka nag-angat ng tingin sa kanila. Muli na naman akong napalunok nang makita kung papaano nila ako tignan. "Pwede pa po bang humabol? Traffic po kasi kanina dahil uwian na," paliwanag ko. Tumaas ang isang kilay no'ng babaeng masungit. "Palagi namang traffic, sana umalis ka ng maaga para nakahabol ka." "Sige na po please? Bigyan niyo ako ng chance," pagpupumilit ko at nilapitan sila. "Sige na po?" nagpuppy eyes pa ako oara effective. Nagkatinginan silang lahat tsaka ako binalingan. Tinanguan ako no'ng babaeng masungit tsaka sumenyas na magsimula na ako. Ngumiti ako. I cleared my throat bago nagsimulang kumanta. Last Christmas I gave you my heart But the very next day, you gave it away This year, to save me from tears I'll give it to someone special I was about to sing the next verse nang bigla akong pahintuin no'ng babae. "That's enough, we've heard it already." Isa isa na silang nagsitayuan sa kanilang inuupuan dala dala 'yong folder na batid kong may grado nang mga nagperform kanina. "Po? Ayaw niyo po bang tapusin ko?" tanong ko at alanganing ngumiti. "Hindi na, you may go home, tatawagan ka nalang namin kung sakaling nakapasa ka sa audition." Tumango ako at hindi na muli pang nagsalita. Malungkot akong lumabas ng building. I didn't do well, halata naman sa mga itsura nila kanina. I sighed, nang makakita ng mauupuan ay naupo kaagad ako. Ganito nalang ba palagi? Parang wala ng magandang nangyari sa buhay ko ah? Ilang beses na akong nag-audition pero kahit isa sa mga 'yon ay wala manlang tumawag sa akin. I'm not bad at singing naman pero bakit gano'n? Nagpahinga lang ako ng ilang sandali bago nagtungo roon sa tinutuluyan ko, kasalukuyan akong nakikitira roon sa kaibigan kong si Katy. Dito muna ako pansamantalang nakatira habang hindi pa ako nakakahanap ng bahay, masyado kasing mahal kung magrerenta pa ako, hindi rin naman kasi kalakihan ang sweldo ko sa shop kaya kailangan ko talagang magtipid. "How's your audition?" tanong niya kaagad nang pagbuksan ako ng pinto. Hindi ko muna siya sinagot. Nagdire diretso ako papasok tsaka naupo sa couch. Itinaas ko ang paa ko habang suot pa rin ang sapatos, I was about to lie down when I heard Luke's voice. Si Luke 'yong asawa ni Katy. "Take off your shoes Vida, napakarumi niyan pagkatapos ay isasampa mo sa couch," naiiling niyang sinabi bago ibalik ang paningin doon sa ginagawa niya. Ngumiwi ako at mabilis na hinubad ang suot kong sapatos. Nang matanggal 'yon ay tsaka ako nahiga sa couch. Sakto namang pumunta si Katy sa gilid ko. Katy's pregnant at next month, manganganak na siya. They're expecting a baby girl. "So ano nga? How's your audition?" tanong na naman niya. Nagkibit balikat ako, ipinikit ko na ang parehong mata. "I don't know." "Bakit hindi mo alam?" "For sure hindi na naman ako matatanggap, kaya hindi na ako aasa Katy," walang kagana gana kong sagot. I heard her sighed. Maya maya lang ay hinila na ako ng antok. Nagising lamang ako nang makarinig ng malakas na kanta na batid kong nagmumula roon sa cellphone ko. Last Christmas I gave you my heart But the very next day, you gave it away This year, to save me from tears I'll give it to someone special Inis akong bumangon, mabilis kong kinuha ang phone mula sa bag ko. I quickly slid the answer button. "Hello?" [Kanina pa kita tinatawagan] inis na tugon ni Ate. I rolled my eyes in irritation. "Bakit mo ako tinatawagan? Wala na nga ako dyan sa bahay e." [Umuwi kana] Nailayo ko ang phone sa aking tenga, chineck ko kung talaga bang si ate ang kausap ko ngayon. [Are you still there Vida?] masungit niyang tanong. Ngumiwi ako bago ulit tuluyang ibalik sa tenga ang cellphone. "Yes, pero hindi ako uuwi." Iyon lang at ibinaba ko na ang tawag. Umalis nga ako sa bahay para less issue eh, tapos ngayon ay pababalikin ako? ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD