Chapter 1
"Vida, 'yong mga decors!" sigaw no'ng boss kong si Ms. Santa. Her full name is Crisanta but her nickname is Santa kaya ayon, sa pangalang 'yon namin siya tinatawag.
Napangiwi ako. Naglakad na ako palapit sa kanya. Masama na ang tingin niya sa akin nang magtama ang mga mata namin. I just gave her a peace sign.
Bata palang may pagkaclumsy na ako, kaya palaging naiinis sa akin si Ate. Sina Mommy at Daddy naman ay walang ibang ginawa kundi intindihin ako, well gano'n yata talaga kapag bunso. Bukod kasi sa pagiging bunso, may sakit ako sa puso kaya gano'n nalang nila ako kung ingatan. Hindi nila ako pinapagalitan o kung ano pa kasi alam nilang makakasama sa puso ko.
It was a traumatic experience for me. Last year, habang nasa bahay kami at masayang naghahapunan, bigla nalang akong inatake sa puso. Isinugod nila ako sa hospital. They're so worried of course. Hirap na hirap din ako no'n eh, akala ko katapusan ko na. Hirap na hirap akong huminga no'n, dati palang kasi, sinabihan na ako ng mga Doctor na hindi na bumubuti ang lagay ng puso ko kaya kailangan na ng transplant pero talagang himala nalang na nabuhay pa ako kahit na wala pang nagbibigay ng puso sa akin.
But after that, pakiramdam ko hindi na ako nakabalik sa dati kong buhay. Iyong dating ako na masayahin at palaging positibo sa gitna ng mga pagsubok na dumarating. Ngayon kasi, parang lahat nalang ng ginagawa ko, puro ka-s**t-an.
Nag-away pa kami nina Mommy at Ate kaya napilitan akong umalis ng bahay. Buti nalang at may trabaho ako kaya kahit papaano ay nakakasurvive pa rin ako sa araw araw.
"Pasensya na Ms. Santa," sabi ko nang mailagay lahat ng decors doon sa box.
Aksidente ko kasing naitapon ang mga 'yon kanina, thanked God at hindi nasira ang mga ito. Ilalagay kasi 'to roon sa Christmas tree sa itaas. Yup, this shop has a second floor, nandoon sa palapag na 'yon ang samu't saring Christmas tree.
Ms. Santa loves Christmas so much. Siya lang din ang kaisa isang tao na paulit ulit akong tinatanggap kahit na napakarami kong nagawang mali.
And if you guys are wondering, nagtatrabaho ako sa isang shop na kung saan puro pangpasko ang binebenta. Patok 'to ngayon dahil malapit na ang pasko. Maraming tao ang mamimili ng mga decors para sa kanilang tree sa bahay.
"Dalhin mo na 'yan sa itaas, ipagsasasabit mo sa Christmas Tree," utos niya na kaagad ko namang sinunod.
Pagakyat ko sa itaas, napangiti ako ng makita ang iba't ibang Christmas tree. Magkakaiba ang laki at sukat ng mga ito. Lumapit ako roon sa bagong tree na wala pang masyadong decors. Dahan dahan kong kinuha ang iba't ibang kulay ng balls at isinabit 'yon doon.
Sa gano'ng scenario lang natatapos ang araw ko, pero iba ngayon, nang matapos sa ginagawa ay mabilis akong bumaba para puntahan si Ms. Santa. Naabutan ko siya na nag-aayos na ng kanyang sarili. Pa-gabi na kaya paniguradong uuwi na siya!
"Uuwi na po kayo?" tanong ko nang makalapit sa kanya.
Tinanguan niya ako. "Oo, kaya ikaw nalang ang maiiwan dito."
Tumango ako at ngumiti. "Opo, ako ng bahala rito sa shop."
"Siguruduhin mong mailalock mo 'tong shop," bilin niya tsaka inayos ang kanyang bag.
"Opo," sagot ko kaagad.
"May audition ka mamayang 7:00 pm 'di ba?" tanong niya.
Nakagat ko ang ibabang labi para pigilang mapangiti. Naalala niya!
"Opo."
"Good luck, galingan mo," sabi niya bago tuluyang umalis.
Naiwan na naman ako sa shop na 'yon mag-isa. Nang walang magawa dahil walang customer, kinuha ko nalang ang duster at pinaglilinis ang iba pang decors. Nahinto lang ako sa ginagawa nang makakita ng lalaki sa labas. Nakatingala siya at nakatingin sa langit. Sinundan ko ang kanyang tingin, nangunot pa ang noo ko nang mapagtantong wala namang kung ano sa kalangitan.
Hindi ko napigilan ang sarili ko, lumabas ako at nilapitan 'yong lalaki. "Hey Kuya," sabi ko sabay tapik sa kanya.
Nagulat pa siya sa ginawa ko pero maya maya'y tinignan din ako. Napaawang ang bibig ko nang makilala ang lalaki. Siya 'yong classmate ko no'ng college ah? Iyong palagi akong inaasar! Tama, siya 'yon!
"Vida! It's really you," sabi niya tsaka walang sabi sabi akong niyakap.
Alanganin akong ngumiti. "Ah yes, it's me."
"Dito ka pala nagtatrabaho?" tanong niya at nilingon ang shop na pinanggalingan ko kanina.
"Oo."
"May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya na ikinagulat ko.
Grabe! Speed!
Napakamot ako sa ulo. "Bakit? Yayayain mo ako?"
"Oo sana."
"Hindi pwede may audition pa ako," sabi ko.
Bigla kong nasapo ang sariling noo nang makita kung anong oras na! It's almost 7:00 pm! O my gosh baka mahuli ako sa audition!
Hindi ko na nagawang kausapin pa 'yong kaklase ko, basta basta nalang akong bumalik sa shop, mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at nilisan ang shop.
~to be continued~