Kabanata 1
Si Tina ay Isang mabuting dalaga, mabait, masunurin, masipag, at may pangarap sa buhay. Siya ay isang simpleng babae na mala-anghel ang kagandahan, kayumangi ang kulay ng balat, matangos ang kanyang ilong at bilugan ang mga mata, Hindi sya masyadong matangkad ngunit balingkinitan naman ang kanyang pangangatawan, na kasing katulad ng kanyang Ina na si Aling Marya, kahit may edad na si Aling Marya sya ay palaayos parin, ang kanyang ama naman ay maagang kinuha ng maykapal. Kaya’t si Aling Marya nalang ang bumubuhay at nagpalaki kay Tina, Mahal na Mahal ni Aling Marya ang kanyang anak na si Tina. Tiwalang tiwala si Aling Marya sa kanyang anak dahil nga ito ay napakabuting bata.
Isang araw umuwi si Aling Marya galling sa kanyang trabaho, ngunit nagtaka ito bakit alas otso na ng gabi wala parin si Tina sa kanilang bahay, nag aalalang lumabas at naghihintay si Aling Marya sa kanyang anak.
Inay! Inay! Wika ni tina sa kanyang ina, bakit po kayo nasa labas? Tanong ni tina sa kanyang ina
inaantay kita anak at masyado na akong nag aalala sayo, wika ng ina. Saan ka ba nang galing, tanong ng ina?
Inay nagpasama po kasi si Lira na bumili ng sapatos tapos po nag ikot ikot na rin po kami, kaya po ginabi ako, pasensiya na po kayo ina’y, hindi ako nakapagpaalam sagot ni Tina sa kanyang Ina.
Sa susunod magpaalam ka sa akin para alam ko kung nasan ka at sino ang kasama mo. Oh siya pumasok na tayo sa loob at makakin na, may dala akong litson manok.