(GET IN THE WAY) NAGKATITIGAN kami ni Fiandro ng ilang segundo sa walang emosyon nitong mukha. Samantalang puno ako ng katanungan kung bakit nandito ako ngayon. Tumingin ako sa aking katawan kung may nagbago ba. Wala naman. Walang butones na nakabukas o kaya nabawasang saplot ko. Suminghal siya kaya bumaling ako sa kanya sabay irap sa hangin tsaka lumakad papunta sa kanyang kabinet at binuksan iyon. "You're exaggerating things. Huwag kang assuming." wika niya na tila ba alam ang iniisip ko. Ngumuso ako at umiwas na lang ng tingin sa bandang kanan ko. Tanaw ko doon ang swimming pool mula sa full body window nitong kwarto niya at may malaking umbrella malapit sa pool. Iyon siguro ang nakita ko noon nong unang punta ko dito. So, ito ang penthouse niya dito sa kanyang building? Simple per

