(FIRST CLIENT) AGAD sumabog ang pangalan ko sa buong building ni mokong ng malaman nilang natapos ko ang isa sa interior drawing ni sir Elbueno sa isang araw lang. Maraming lumapit sakin at nakipag-kilala. Ang iba naman eh binati ako at inulan ng maraming papuri. Nang maipakita ko noon kay Fiandro iyon, akala ko mai-impress siya. Pero wala siyang reaksyon at "Not bad" ulit ang kanyang kinomento. Kung sabagay, bakit pa ko mag-eexpect doon sa taong 'yon? At least, pumasa ako. Time flies so fast. Hindi ko namamalayan na pasukan ko na sa lunes sa papasukang unibersidad na pag-aaralan. Ganoon din kabilis ang araw na nagdaan sa pagtatrabaho ko kay Fiandro. At maniwala kayo sa hindi, puro na lang lahat pakopya ng mga interior designs ang mga pinapa-trabaho sakin. Halos lahat na ng mga ka-of

