M A X I N E "Maxine," wika ni Mateo sa akin sabay alog sa braso niya. Napamulat ako ng mata. Una kong nakita ang puting tela ng polo ni Mateo at ang mahigpit kong yakap sa braso niya. Sunod ay ang nakaangat na kabila niyang braso. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ang mahigpit na hawak niya sa panang kanina lang ay bumubulusok patungo sa akin. "Oh my gosh," mahina kong sambit tapos ay nawalan ng lakas ang mga binti ko. Muntik na akong matumba nang hawakan ni Mateo ang magkabila kong balikat. "Hey, hey. Calm down," aniya tapos ay niyapos ang baywang ko para suportahan ako sa pagtayo. "Dalhin niyo sa loob ang katawan ni Kevin. Lourdes, ikaw na ang bahala kay Kian," rinig kong mandar ng ama ni Mateo sa mga tauhan niya. "You must be in shock," sambit naman ng lalaking nakasalamin s

