* * * Isang matayog na lumang mansyon sa loob ng masukal na gubat sa bundok. Aakalaing isa ito sa mga iilang mga mansyon na madalas pinupuntahan ng mga TV production para gawin ang shoot ng isang classic hunted house film. Isa pa kung hunted house man lang din ang pag-uusapan, dahil sa madumi at itim na kulay ng mansyon ay madalas itong iniiwasan ng mga tao sa ibaba ng bundok. Sikat sa maliit na mamamayan sa ibaba ng bundok ang kwento tungkol sa pamilya ng mga bampirang naninirahan daw sa matayog na mansyon. At madalas itong ginagawang panakot sa mga bata para hindi nila maisip na gumala sa masukal na parte ng kagubatan. Sa mga unang taon ng 2000 ay naging maugong na usap-usapan ang paglaho ng higit bente katao nang naisipan nilang pasukin ang itim na mansyon. Simula noon ay kinatakutan

