M A X I N E That man has real killing-intent towards me. I can feel his grudge and I don't even have to ask where it came from. He is just simply… hating me through and through. Nagising ako sa loob ng aking kwarto. Wala si Mateo sa tabi ko, nakapatay ang mga ilaw, at tanging ang pag-pitik lang ng kamay ng orasan sa dingding ang naririnig ko. Sa palagay ko ay umuwi na muna si Mateo sa kanila since it's already dark outside. Bumangon na ako kaagad ng kama. Ano pa ba ang itatambay ko rito sa kama kung gising na gising na rin naman ang diwa ko. At isa pa, maayos na ang aking pakiramdam. Sa sobrang ayos ay para ngang walang nangyaring laban kahapon. Ah. Oo nga. Isang buong araw ba akong tulog? Humarap ako sa salamin para tingnan ang mata ko. Hindi nga ako nagkakamali nang makita ko ang

