Season 1: Chapter Two

2996 Words
M A X I N E [Six Days after the Accident] "MA'AM MAXINE!" Sumalubong sa akin ang alingawngaw ng boses ng personal assistant kong si Lourdes. Hindi na bago sa akin ang ganitog entrada ng PA ko sa tuwing dumarating ako sa trabaho. Minsan kasi may nakakalimutan akong gawain bago umuwi ng bahay kaya naman kapag nakita na niya ang kung ano man na kapalpakan na nagawa ko kinabukasan ay... eto. Ang maingay niyang boses ang bubungad sa akin sa umaga. Mabait naman si Lourdes, naaawa nga ako minsa, o madalas, kasi siya ang sumasalo sa mga katangahan ko. Nahawi ang mga taong dumadaan sa hallway ng building na pinagtatrabahuhan ko dahil sa biglaan siyang kumaripas ng takbo patungo sa akin. "Ma'am!" tawag niya ulit. Hingal na hingal siyang huminto sa harap ko, napatukod siya sa kanyang tuhod habang hinahabol ang hininga. "A-Ano?" tanong ko, pero nang hindi siya kaagad na sumagot ay humakbang ako ng isang beses para kunwari ay aalis na ako. "T-Teka!" Itinaas niya ang isa niyang kamay habang ang isa ay nakatukod pa rin sa kanyang tuhod. Bumuntong-hininga muna siya bago tumayo ng maayos at hinarap ako. Kitang-kita ko ang malalaking butil ng pawis niya sa noo at namumulang pisngi. I don't know what made her look like this but I know na hindi ito good news. "Lourdes? Don't tell me," sabi ko as an attempt to guess the bad news. Tumango ng dahan-dahan si Lourdes. Sa sandaling ito ay alam ko na ang dapat na gawin... ang mag-absent. Puwede ko naman siguro sabihin sa boss namin na nasobrahan ako ng kain kagabi at nagka-diarrhea. It's much better than what's coming to me right now. Pero hindi pa man ako tuluyan na nakahakbang sa kinatatayuan ko ay hinila na ako ni Lourdes patungo sa aking dressing room. "Huwag po, Ma'am. Hindi ka po puwedeng umuwi may guesting ka pa," sabi niya sa akin habang sinusubukan akong hilahin paliko ng hallway. "I must go! Nakakatakot ang itsura niya kapag gggalit. I dddon't want to face hhhim first ttthhhing in the mmmorning!" wika ko sa kanyang habang mahigpit kong hinawakan ang kanto ng pader. "Ma'am, pakiusap! Nasermonan na ako ni Sir kanina!" "Kaya nga uuwi na ako! I don't want to hear him!" Konti na lang sana at mabibitawan na ako ni Lourdes, pero kung minamalas nga naman talaga ako, may dumaan pa na mga staff sanhi para mabilis kong bitawan ang pader at inayos ang sarili ko. "Ah! Hi, good morning!" bati ko sa kanila na may kasama pa na Best Actress wave. "Good morning, Ms. Maxine," sabay-sabay nilang sagot sa akin. They didn't bother to stop, tuloy lang sila sa paglalakad bitbit ang mga wire at kahon. Masyado ata akong naging focus sa mga dumaan at nakalimutan ko ang tungkol kay Lourdes. Huli na nang naalala ko ito dahil mabilis na niya akong nahila patungo sa dressing room. "Lourdes! No! Please! Jusko!" Pagmamakaawa ko sa kanya habang hila-hila niya ang aking kamay. Hindi rin naman ako makatakbo ng maayos dahil sa suot kong six inches na heels. Kumalabog ang tunod ng bukas na pinto at bumungad sa pagpasok ko ng silid ang nakakrus na mga braso ng manager ko. Nakaupo siya sa sofa na nasa harap lang ng pinto. Napalunok ako ng laway. Ito na ang pinaka ayaw ko na sumalubong ng umaga ko. On his lap is the gray blazer na suot ko kagabi sa press conference. Hinawakan niya ito at inangat para makita ko ng mabuti. Oh no. "Can you tell what's this?" tanong niya sa hindi makabasag pinggan na boses. "It's the blazer I wore yesterday," sagot ko, kunwari na hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. "Maxine," mutawi niya saka tumayo. "I'll ask you again. Can you tell me what's this?" mariin niyang tanong. Hindi ako tumingin sa blazer, imbes ay tiningnan ko siya sa mata sabay sagot ng, "Mateo naman. Blazer nga kasi 'yan, the one I wore yesterday." "Lourdes," sabad niya. "Yes, Sir?" "Didn't you tell her about this?" Umiling-iling lang si Lourdes. Napalingon ako sa PA ko na ngayon ay nakatingin na sa sahig. "Lourdes," mahina kong tawag sa kanya kahit na alam ko na wala rin itong kuwenta considering na kalahating metro lang ang layo ko kay Mateo. Saglit na itinaas ni Lourdes ang kanyang ulo, sa saglit na iyon ay inilagay niya ang kanyang hinlalaki sa leeg tapos sunod na gumuhit ng linya pakanan. Pagkatapos nito ay umiling siya ulit at ngumiti ng maasim sa akin. Oh no, again. "Sir!" And... it all ends there. Useless lang ang pangangatwiran ko dahil napaamin na ng lalaking ito si Lourdes. "I'm really really sorry! Hindi ko po talaga 'yan napansin kagabi kaya hindi ko siya napalabhan kaagad. Ngayon lang pong umaga nag-chat sa'kin si Lourdes. I was so busy enjoying the meal at hi—" natigilan ako sa pagsasalita. I can't believe na ngayon pa talaga ako ipapahamak ng dila ko. Napayuko ako, ipinagdikit ko ang dalawa kong hintuturo sabay sabi ng, "I'm sorry?" "I can't believe you sneak a bunch of calories and fats in your body in one night! What's more, you also stained an expensive coat! It's not even yours!" He pushed the coat to Lourdes as he walks past her.  "Give that to the styling department or whatever department handles stained clothes," utos niya rito. Hindi naman nagpadalos-dalos si Lourdes at mabilis na lumabas ng dressing room. Napahawak sa kanyang ulo si Mateo tapos sunod na bumulong sa sarili. Kung ano man 'yon ay hindi ko na ito narinig pa ng mabuti sa sobrang hina. "Okay, it's just you and me. Let's talk," he said. Sa pangalawang pagkakataon ay napalunok ulit ako ng laway. Sinenyasan niya ako na umupo sa sofa habang siya naman ay nakasandal sa pinto. Nakakrus ang kanyang mga binti at braso. Magsisimula na naman ang mahabang sermon niya sa akin... o baka hindi rin. Naalala ko kasi bigla na may guesting ako ngayon. "Why do you keep messing up?" walang pagdadalawang-isip niyang tanong sa akin. Para naman akong nabulunan sa walang filter niyang tanong. "Uhm. I d— I'm sorry, Sir.” Tama. Palagi nga akong nagkakamali. Hindi tulad ng Maxine na nasa TV na matalas kung kumilos ay madalas akong mali-mali sa totoong buhay. Madalas kong nadadala ang sarili ko sa gulo tuwing walang nakabantay sa akin. Hindi rin ako ganoon ka mature mag-isip hindi kagaya ng mga roles na ginagampanan ko . I bring trouble. Kaya nga siguro walang tumatagal sa akin na manager kahit na isa akong sikat na aktres. "I only accepted this job because I thought you're easy to handle. But, it was all a facade. I should've known since you're an actress." Napabuntong-hininga ang manager ko. "I'm sorry, Sir," muli kong sabi sa kanya. "Dapat lang! Last time you forgot your cellphone in a mall's restroom, you don't even put password on your phone!" "I'm sorry, Sir." "Ah! I'm tired of hearing your 'sorrys'. I'll get your makeup artist. The noontime show's about to begin," sambit niya habang nagkakamot ng ulo. Tumalikod naman siya sa akin para lumabas na ng dressing room. "This is worse than managing Axel's henchmen.” Rinig kong bulong niya sa sarili bago isinara ang pinto. Napakapit ako sa dibdib ko at bumuga ng hangin. Finally I can relax my shoulders from tension. Tumayo na ako at lumipat ng upo sa harap ng vanity mirror. "He's really scary. Kalalaking tao napaka-prangka, walang filter ang bibig. Tapos grabe kung magalit," sabi ko sa sarili sa harap ng salamin. "Sorry naman kung after six months ay first time ko na naramdaman na nabusog ako. Ang hirap kayang mag-diet! I am starving here. I just enjo— hi!" Hindi ko na natuloy ang pagrereklamo ko sa harap ng salamin nang bumalik kaagad sa loob si Mateo kasama si Danrey, ang make-up artist ko. "How's yer day so far, dear?" tanong ni Danrey sa sandaling nakalapit na siya sa akin. "Eto." Pasimple muna akong nagpalinga-linga sa paligid. "nasermonan ng manager," bulong ko sa kanya. "What? Ano na naman ba kasi ang ginawa mo para mapa-trabel?" "Tsk. Huwag na natin 'yang pag-usapan. Naiinis ako sa sarili ko." Hindi na nagsalita pa si Danrey dahil lumabas na mula sa fitting area ko si Mateo. "Make it extra quick. She still has to visit the set before the show starts," mandar niya kay Danrey. Bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa na nasa gilid lang ng make-up area. Hindi ko gaanong nakikita ang ginagawa niya pero alam ko na nakatingin siya sa akin. He's such a bully. Alam niya na pinagsasalitaan ko siya ng masama sa likod niya kaya nandito siya ngayon, trying to dig holes on my face by constantly staring at me. "Ang ganda ng skin mo today, gurl. Maaga kang natulog kahapon, no?" papuri sa akin ni Danrey habang hawak-hawak ang ilalim ng baba ko para maitaas ang mukha ko. Mag-aapply na kasi siya nung mist, na hindi ko naman alam ang pangalan. Basta iniispray niya sa akin ito every after the make-up process. " Wait." Buo, at seryosong boses ang biglaang nagpatigil sa aming dalawa ni Danrey. Ano na naman kaya ito? Tinitigan ako sa mata ni Danrey, ngumiti siya ng nakatikom ang bibig tapos ay umatras. Inikot ko ang kulay green kong hydraulic chair para makita ang itsura ni Mateo but it's too late kasi nasa harap ko na siya. "Mat– I mean, Sir?" Hindi niya ako sinagot. Embes ay kinuha niya ang braso ko saka mahigpit na hinawakan ito. Pinihit niya ito ng konti pagkatapos ay pinisil-pisil ito, napatingin naman ako sa ginagawa niya. Medyo makati rin naman kasi. "Naku!" kaagad kong bulalas tapos mabilis na hinila sa kamay niya ang braso ko. Humarap ako sa salamin para makita ito ng maayos. May pulang bagay sa aking braso. Makati ito ng konti pero hindi naman talaga iyan ang kinababahala ko, I'm worried kasi sobrang pula nito. "I heard you ate a lot yesterday." Nagsimula nang magsalita ang manager kong matalas ang dila. "Y-Yeas... yes." Hindi na ako nagsinungaling, mukhang alam na rin naman niya kasi. I guess someone told him, pero alam kong hindi si Lourdes kasi wala siya kahapon. Maaga ko siyang pinauwi kasi ayaw ko na may nakamasid sa akin. Gusto ko lang naman na maranasan ang isang gabi na malaya ang tiyan kong tanggapin ang kahit anong klaseng pagkain. Hindi ko lang alam kung paano nakarating sa kanya ang bagay tungkol sa pag-binge eat ko, but this sounds trouble. "Maxine, what did you eat yesterday?" Eto na naman ang nakakatakot niyang kalmadong boses. Para kasi siyang bomba na kahit anong oras ay puwedeng sumabog. "I really can't remember. Isa pa hindi ko alam ang pangalan ng ibang dishes." I'm not even sure kung saan gawa ang iba. Kumain lang talaga ako ng marami. "Do you know what this mean?" patuloy niyang usisa sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. Siyempre alam ko kung ano. It's just ang sarap lang kasi kumain. Huminga siya ng malalim tapos pasigaw niyang sinabi na, "How many times do I have to tell you not to eat too much shrimps!" Sa sobrang lakas ng pagsigaw niya ay napaatras ng bahagya si Danrey sa kanyang kinatatayuan. Napayuko naman ako dahil doon. "I'm s—" "No. No, I don’t want to hear you say sorry," sabad niya, "You, cover it with that thing you're using o kung ano man 'yan," utos niya kay Danrey saka padabog na lumabas ng dressing room. Napasandal ako sa upuan nang sinara na niya ang pinto. "Grabe naman gurl, manager mo ba talaga 'yun," sabi ni Danrey. "I don't know anymore. Hindi naman siya ganito ka moody e. Ewan ko lang anong meron ngayon." "What d’you mean hindi moody?" I lean closer to Danrey para maibulong sa kanya ang chissmax ko. "Actually, I'm clumsier in every other day than today. Mas mali-mali ako, pero pinagtataka ko lang kung bakit extra siya magalit sa akin ngayon. Do you think hiniwalayan siya ng girlfriend niya?" Nilayo ni Danrey ang kanyang tenga, at gamit ang nalilitong itsura ay tinanong niya sa akin na," May gurlfriend ‘yang manager mo?" Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko rin naman kasi talaga alam. "Who knows? "Ikaw talaga, ikaw 'tong sikat na artista ikaw tong mahilig sa tsismis," sabi niya saka pinahid na sa braso ko ang concealer. Sunod na akong pumunta sa set ng noontime show. Magpo-promote na naman kasi ako nung bago kong serye sa TV. There will be a short briefing on how to move on the stage and what to say at iba pa. I nailed every introduction, professional ako pagdating sa trabaho ko. But of course, nakatingin pa rin sa akin mula sa gilid ng entablado ang manager ko. Hindi ko tuloy alam kung manager ko ba siya or body guard. Minsan nga nanay ko siya sa tindi niyang magalit sa akin. An hour later ay nagsimula na ang live show, at nasa gilid lang din the whole time si Mateo. Mateo Lacson, he's my four-month long manager. Oo, bago pa lang siya kaya naman nahihirapan akong maka-adjust sa kanya. He began managing me in the middle of the shooting ng action-drama na serye ko ngayon. Okay naman siya noong simula kasi palagi naman akong nasa set at lagi akong uma-acting. But later on, after a month, when I began showing him my true colors. The inelegant and childish Maxine, he seemed disappointed at madalas nang nagagalit sa akin. Ayaw niya daw ng sakit ng ulo. Sabi pa nga niya na temporary job lang daw ito na personal na binigay sa kanya ng boss namin. The CEO of Axellerate Entertainment, Mr. Axel Wesley. Hindi ko alam anong relasyon mayroon sila pero ang tsismis dito ay magkababata raw sila. That rumor just proves na mayaman din itong manager ko. Nagmula sa mayaman na pamilya si Sir Axel, born with silver spoon nga ika nila that's why I assume na lahat ng tao na may personal na kaugnayan kay Sir ay mayayaman din na tao. Pero napaka-misteryoso pa rin para sa akin ng manager kong ito. Dahil na rin siguro directly appointed siya ni Sir Axel, hindi ko nakita ang application forms niya kaya nasabi ko ito. So far, sa lahat ng naging manager ko siya ang pinaka strict, and annoying. Nakakainis lang kasi hindi ako makasabat sa mga pangaral niya. Masyado siyang seryoso, halos hindi siya ngumingiti. Lahat ng galaw niya ay parang laging bilang, ang sarap nga alisin minsan ng mga braso niyang lagi na nakagapos sa isa't isa. The guesting went well. Actually, the day went well. Natapos ang araw ko na puno ng TV guesting at promotion. Sa sobrang pagod ko ay nakalimutan ko na na napagalitan ako kaninang umaga. Pag-uwi ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kuwarto, hinihintay ko na lang na matapos sa pagliligpit ng gamit ko si Lourdes. Konti lang naman ang mga ito dahil iniwan namin ang iba sa sasakyan para magamit ulit kinabukasan. "May ibang kailangan ka pa ba, Ma'am Maxine?" tanong sa akin ni Lourdes. "Nope. Wala na, you may go home na," sagot ko sabay bagsak sa kama. "Aaah~ the best ka pa rin!" Wala pa rin tatalo sa malambot at malawak na higaan pagkatapos ng buong araw na trabaho. "Alis na ako, ma'am.” "Sure." Sunod ko na lang narinig ang pagpitik ng sinaradong pinto. "Mahimbing akong makakatulog today!" sigaw ko to feel good. Alas diyes pa ng gabi, maagang uwi na ito para sa akin kaya susulitin ko ang ito para mag-beauty sleep... pero 'yun ang inaakala ko. Saktong alas dose ng hating gabi ay biglang nanikip ang aking dibdib. Nanigas ang buo kong katawan at nakaramdam ako ng matinding pagkahilo. Nauuhaw rin ako kaya kahit na pasuray-suray ako at kung saan-saan mabungo ang binti ay sinubukan ko pa rin na pumuntang kusina para uminom ng tubig. "Sh*t. W-What's happen...ning?" Lumagok ako ng isang basong tubig pero kulang. Pakiramdam ko ay tuyo pa rin ang aking lalamunan. Uminom ako ulit ng isa pa. Kulang. Isa pa ulit. Dalawa. Tatlo. Apat? Hindi ko na mabilang. Naubos ko na ang tubig na laman ng pitsel. Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko at pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo sa katawan sa sobrang tamlay ko. Hindi na ako nagmatigas pa, hinanap ko ang cellphone ko saka ni-long press ang number 1 sa dial. Nakahinga ako ng maluwag nang nag-ring ito at kaagad na may sumagot. "M-Mateo?" “Hey? Why are you still up? It's past twelve o'clock,” wika niya sa kabilang linya. I would love to sleep na pero hindi ko na matiis itong pakiramdam ko. "M-Mateo...help. I-I'm th...thirsty." Halos hindi ko na maibuka ang bibig ko sa tuyo nito. “You're thirsty? Just grab a glass of wat— wait. Did you just say thirsty? Do you feel dizzy, or is there a tight feeling on your chest? What about bloodlust? Do you have the desire to drink blood?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin. His voice's ringing in my ear but none of his words makes sense. Hindi na ako nakasagot pa. Wala ng boses ang lumabas sa bibig ko. Nabagsak ko ang kamay na may hawak ng cellphone ko sa tenga at parang lantang gulay na nakaupo sa sofa ko sa sala. It takes him less than two minutes. No, less than a minute. Kahit malabo ang paningin ko ay sigurado ako na bigla na lang lumitaw sa harap ko si Mateo. He was trying to carry me on my bed, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ko maalis ang tingin ko sa leeg niya. Hindi na 'ko nag-isip pa. Uhaw na uhaw na ako. Habang buhat-buhat niya ako ay kumapit ako sa kanyang leeg at walang pagdadalawang-isip na kinagat ito. At kagaya ng matabang lupa na nadiligan ng maligamgam na tubig ay mabilis kong sinipsip ang dugo ni Mateo. Akalain mo 'yun, sing lasa pala ng wine ang dugo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD