Season 1: Chapter Three

2630 Words
* * * [The Day of the Accident] Kasabay ng mabigat na patak ng tubig sa lupa ay ang iyak at hagulgol ng mga taong nakasuot ng itim. Suit ang suot ng mga kalalakihan, at iba't ibang uri at disenyo naman ng blusa at damit na itim naman ang sa mga kababaihan. Kanya-kanya rin silang bitbit ng payong na panangga sa ulan. Sa paligid nila ay ang hilera ng mga puntod habang nasa tapat naman nila ang isa na kakalagay lang ng nitso na may nakaukit na Danilo Perez. Umikot ang angulo ng kamera sa babaeng nasa likod ng puno, hindi kalayuan sa kumpulan ng mga taong nakaitim. Sa gitna ng buhos ng ulan ay wala siyang payong na bitbit, naghalo ang luha at tubig ulan sa kanyang mukha, pilit niyang pinipigilan ang hagulgol ng kanyang iyak. Halos hindi na niya mamulat ang mata dahil sa malakas na buhos ng ulan. "Salamat, Tay," wika niya bago umalis sa kanyang kinatatayuan. Hinawi ng babae ang basa niyang buhok saka niyakap ang sarili, napunta sa langit ang pokus ng kamera at tuluyan nang nawala sa senaryo ang babae. "CUT!" sigaw ng lalaking may nakasabit na shawl sa leeg. Sa harap niya ay tatlong magkadikit na monitor, ang isa ay langit ang pinapakita, sa gitna naman ay ang malungkot na itsura ng babaeng naglalakad palayo, at ang panghuli ay ang nagsialisan na mga taong nasa harap ng puntod. Sabay naman na nagpalakpakan ang mga taong nasa likod ng lalaki sa sandaling narinig nila ang salitang cut. "Good job, everyone!" sigaw niya sa lahat.” "Ah! Paki-off na ng faucet ng ulan!" utos naman ng babaeng katabi ng direktor "Hoy! Bigyan niyo ng jacket si Maxine! Baka la—" hindi na natapos ng babae ang sasabihin niya dahil mabilis naman na lumapit sa aktres ang manager nito. "Here. I'll be in trouble if you get sick," wika ni Mateo. "Ang suwerte naman talaga ni Maxine sa manager niya, 'di ba Direk Normz?" bulong ng babae sa direktor sabay siko sa kanyang balikat. "Oo nga, Benny. Guwapo na masipag pa. Pero masuwerte rin naman siya kay Maxine, she's a very responsible lady. I wonder nga kung bakit pa pinapabantayan ni Axel 'yang batang 'yan sa manager niya kung kaya naman niya mag-isa." "Kailangan kaya, baguhan pa 'yong manager kaya need ng experience." Natigil lang ang dalawa nang lumapit sa kanila si Maxine at ang nakabuntot nito manager. "Direk Norman, thank you so much for you hard work," sambit ni Maxine sabay yuko ng kanyang ulo. "No, dear. It's thanks for your hard work. You did a great job!" papuri niya sa dalaga habang may malawak na ngiti sa labi. "Oh! You should head to your room now and change your clothes. Ang staffs na ang bahala sa pagliligpit ng gamit," dagdag niya. Ngumiti rin si Maxine at kumaway gamit ang kanyang dalawang kamay habang naglalakad paalis. Muntikan na ngang mahulog ang nakapatong na leather jacket sa kanyang balikat dahil sa likot ng mga kamay niya, buti na lang at nasalo ito kaagad ni Mateo na nasa likod pa rin niya. "Ako lang ba or suplado talaga 'yung manager na 'yon?" sabi ni Benny, "hindi man lang tayo binati o nginitian," dagdag niyang sentimyento. "It's fine. Its fine. Ganyan naman talaga basta bago pa. Medyo stiff ang pakikitungo sa iba," sabad naman ni Direk Norman. Tumayo ang direktor sa kanyang upuan, kinuha niya ang megaphone na nakapatong sa lamesang nasa harap niya para ianunsyo sa lahat na,"Double time, everyone! May pinahanda akong buffet para sa atin. Let's celebrate this wrap!" Nagsipalakpakan naman ang lahat ng nakarinig. Naging extra bilis ang pagliligpit nila dahil sa motivation ng kanilang direktor. Sa kabilang banda, nasa loob na ng kuwarto niya si Maxine. Naghihintay roon ang PA niya na si Lourdes para ihanda ang mga damit ng aktres. Naiwan naman sa pinto ang kanyang manager para kausapin ang isang staff na tumawag sa kanila kanina habang patungo sila sa silid. "Sir, may buffet daw po na pinahanda si Direk Norman kaya huwag muna po raw kayong umuwi kaagad pagkatapos na magbihis ni Ms. Maxine," pahayag ng lalaking staff. "Oh, sure. I'll tell Maxine about that," pagsang-ayon naman ni Mateo. Pipihitin na sana ni Mateo ang doorknob nang maalala niya na magbibihis si Maxine. Dahil ayaw niyang malagay sa awkward na sitwasyon ay minabuti niyang kumatok na muna. "Hey, are you done?" tanong niya habang hawak-hawak ang doorknob. "Malapit na, Sir!" sagot ni Lourdes mula sa loob. Maya-maya rin naman ay may narinig na pitik mula sa loob si Mateo at sunod na bumukas ang pinto. "I'm done!" masiglang wika ni Maxine, "Let's go?" aya niya. "Director Norman invited us to a buffet, we cannot leave yet." "Ganun ba? That's cool! I love buffet." Parang bata na sabik sa miryendang lumabas si Maxine ng silid. Pero nahinto rin naman ito kaagad nang hinawakan ni Mateo ang braso niya. "You can't eat anything that has excessive fat. If there's any you can only have one dish in one half serving, no extra rice, and no drinks. Only water. Except if the director asks you for a cup you can have three glasses. Any more than that will make you drunk," sambit ng manager na parang ina na pinapangaralan ang anak. "S-So, ano na lang puwede kong kainin?" tanong ni Maxine na sinusubukan na ngumiti. "If there's tofu, you must have it and, of course, green stuff," tugon nito sabay bitaw sa braso ng dalaga. Ngumiti ng awkward si Maxine saka sumagot ng, "Y-Yes, Sir." “Susubukan kong lumayo sa tukso ngayong gabi,” dagdag na wika ni Maxine sa ilalim ng kanyang isipan. Pagpasok na pagpasok pa lang nila Maxine, at ng kanyang PA at manager sa kuwartong itinuro sa kanila ng isang hotel staff ay bumungad na sa kanila ang tatlong mahahabang lamesa sa sahig. Palihim na natuwa si Maxine nang Japanese style ang tema ng buffet nila. Nakahilera sa mga lamesa ang iba't ibang klase ng sushi at ramen. May tag-iisang maliit na mangkok ng kanin din ang lahat. “Perfect,” sambit ni Maxine sa kanyang isip. "Maxine! Dito." Tawag ng boses ng babae sa aktres. Nagpalinga-linga siya sa buong silid para hanapin ang may-ari nito. Umukit ang malapad na ngiti sa kanyang mukha nang nakita niya ang kumakaway na babae sa dulo ng gitnang lamesa. Tinuturo ng babae ang kabisera ng lamesa para sabihin na doon umupo si Maxine. "Hi, Mrs. Benny," bati ng dalaga sa sandaling nakalapit na siya rito. Umupo kaagad si Maxine, mula sa kabisera ay kitang-kita niya ang masasarap na Japanese delicacies. Naistorbo ang kanyang pagnanasa nang narinig ni Maxine ang pagtikhim ng manager niya. "Ah," bulalas niya, lumapit siya ng bahagya kay Mrs. Benny. "Puwede rin ba rito si Mateo?" anas niya. "Sure. No problem." Mabuti na lang ay walang nakaupo sa harap ni Mrs. Benny. Samantala nasa kanang lamesa naman nakaupo si Direk Norman, kagaya ni Maxine ay nasa kabisera rin siya nakapuwesto habang sa kaliwa naman ay si Isaiah. Gamit ang kutsara't baso ay tinawag ng direktor ang atensyon ng lahat sa kuwarto. "Good evening, everyone!" panimula niyang bati, "I would like to congratulate ourselves for completing the shooting of The Woman's Ambition. Thank you to the production staffs from the make-up and costume staffs. The script writers, music directors, cameramen, the errand guys, sino pa ba... to my assistant director, Mrs. Benny. Of course, thank you for wholeheartedly accepting all the sermon. To the very professional and talented actors and actresses, thank you so much. I hope to work with you again guys in my next project." Itinaas ni Direk Norman ang maliit na baso ng rice wine o sake kung tawagin sa Japan. "For the success of The Woman's Ambition!" anito. "For the success of The Woman's Ambition!" tugon naman ng lahat habang itinataas din ang kanya-kanyang baso at inumin. May iba na tubig lang ang hawak, may iba naman na orange juice, beer, o kaya naman ay red wine. Anong klase man na inumin ang mayroon sila ay sabay pa rin nila itong ininom bilang hudyat ng pagsisimula ng kanilang pagdiriwang. "Enjoy the meal!" pahabol na sabi ni Direk Norman. Sinundan naman ito ng kalansing ng mga kubyertos. May iba na hindi marunong gumamit ng chopsticks kaya naman nag-kutsara at tinidor na lang sila. May iilan din na dumiretso na sa inuman kaysa unahin ang kumain, parang ginawa na rin tuloy nilang pulutan ang sushi sa lamesa. Napuno ng tawanan at bulung-bulungan ang kuwarto, may kanya-kanyang grupo na kinabibilangan ang lahat, at may iba't iba silang paksa ng usapan. Napabilang sa medyo masayahing grupo si Maxine, kaya naman hindi niya napansin na minu-minuto na siya kung tagayan ng mga kasama. "I think that's enough, she's a little bit tipsy," sabi ni Mateo. Hinarang niya ang bote ng sake na ibubuhos sana ni Mrs. Benny sa baso ni Maxine. Ito rin ang unang beses na nagsalita ang manager ni Maxine simula nang pumasok sila sa silid. "Oh, are you?" tanong ni Mrs. Benny kay Maxine. "I guess he's right. It's not good for you if you get drunk in a busy schedule," pagsang-ayon nito. Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Maxine. Nakatago ang kanyang mga ngipin habang nakakurba naman pataas ang kanyang labi sanhi para umangat ang kanyang mga pisngi. Siyempre hindi niya nakalimutan na pangitiin din ang kanyang mga mata. "No. I'm fine, Mrs. Benny. Sa tingin ko ay kaya ko pa naman," sagot niya sa malinaw na pananalita. Hindi pa lasing si Maxine. Kahit papaano ay iyan ang nakikita ng lahat. Matalas at sakto pa rin kasi ang kanyang mga galaw, hindi rin siya nabubulol at matuwid pa rin ang kanyang upo. Inabot niya ang bote ng sake tapos ay binuhusan ang baso ni Mrs. Benny at Direk Norman na lumipat sa kanilang lamesa sa kalagitnaan ng saya. Sunod naman siyang humarap sa kanyang manager para lagyan din ng sake ang baso nito. "I have to drive you home," wika niya bilang pagtanggi sa sake ni Maxine. Tumango lang ang aktres at sunod na naglagay ng sake sa sariling baso. Itinaas niya ito ng bahagya para alukin ng tagay ang mga kasama niya sa lamesa. “There's no way na tatlong baso lang ang iinumin ko tonight,” sabi ni Maxine sa sarili. Dalawang oras din ang lumipas. Alas diyes na ng gabi, naramdaman na ni Mateo ang malikot na paa ng aktres sa ilalim ng lamesa. Maya't maya kasi nito na nasasagi ang talampakan niya. Napatingin si Mateo sa mukha ni Maxine. Sa unang tingin ay parang wala itong problema. Sumasali pa ito sa mga usapan, pakonti-konti nga lang pero sumasagot pa rin siya na may interesadong ekspresyon sa mukha. "Uh-huh. "Hmmm...yeah!" "Nuh-huh. Hindi e." Ito ang tunog ng kanyang mga sagot. Matuwid pa rin naman ang upo niya. Nakasandal pa nga sa lamesa ang kanyang siko na para bang ito ang pinakanatural na gawain niya. Subalit, sa katunayan ay konti na lang ay matutumba na si Maxine. Maikli na lang ang mga tugon niya dahil nagsimula nang mamanhid ang kanyang dila. Nakatukod na rin sa lamesa ang kanyang siko para alalayan ang sarili sa pagkakaupo, at naaasiwa na rin siya sa init ng kanyang pakiramdam. Sa madaling salita ay lasing na si Maxine. Hindi niya lang ito pinapahalata dahil ayaw niyang ipakita sa lahat ang lasing na aktres na si Maxine. "You're drunk, aren't you?" bulong ni Mateo sa kanya. "Shori," mahinang sabi ng dalaga.  Huminga ng malalim si Mateo, ito ang paraan niya para pigilan ang sarili na magalit kay Maxine. "I think we must go," sabi niya sa mga kausap ng aktres. "Really? But the night is still young," nanghihinayang na sabi ni Isaiah na nasa likod lang ni Mateo. "We would love to enjoy the celebration until midnight but Maxine has an early start tomorrow, she has pictorial," paliwanag ng manager ni Maxine. "Oh! Sure. Sure, she's in-demand nowadays. No problem," mabilis na pagpayag ni Direk Norman. Maingat na tumayo si Maxine, sinigirado niya na hindi mahahalata ng lahat na nahihilo na talaga siya. "Hindi ka pa lasing, Maxine? Tatlong bote ata ang naubos niyo nila Direk," malakas na sabi ni Ledia mula sa kabilang lamesa. "No," tugon ni Maxine, "not yet." Sabay tawa nang marahan. "Yeah, right. Bye, Maxine!" paalam ng kaibigan sa kanya. Tapos ay sunod-sunod na ang bati ng pamamaalam ng lahat kay Maxine. Maayos naman ang paglalakad ni Maxine patungo ng parking lot. Sa tuwid ng kanyang paglalakad ay walang mag-aakala na siya ay lasing kaya naman nang nasa loob na siya ng sasakyan ay kaagad siyang naghanap ng puwede masukahan. "C-Cellophane. Lourdes!" aligaga niyang utos sa PA niya dahil sa pagpipigil ng kanyang pagsuka "Eto na! Eto na!" Mabilis na hinablot ni Lourdes ang isang pack ng cellophane na nakaipit sa likod ng upuan na nasa harap niya. Napahawak na lang sa kanyang sentido si Mateo sa nakita. Hindi siya makapaniwala sa sobrang kapabayaan ng aktres. "Pasalamat siya't alaga siya ni Axel. If not, I'm sure I killed her already." Nang nasa bahay na sila ni Maxine ay inayos kaagad ni Lourdes ang gamit ng aktres. Sinigurado niya na nababa lahat ng damit ng aktres mula sa sasakyan at walang nawawala sa mga gamit na sponsored. Hindi rin siya nagtagal at umuwi na. Habang naiwan naman si Mateo, inilapag na niya sa kama si Maxine. Maingat niya rin na inaalis ang mga aksesorya ng dalaga sa katawan. "Aah~ nahihilo ako," daing ni Maxine. "It's your fault," gatong naman ni Mateo at nagpatuloy sa pagtanggal ng gintong hikaw ng dalaga. "Bakit ako uminooom? Aah~ ang sakit talaga!" Napahawak sa batok niya si Maxine nang sunod na tinanggal ni Mateo ang kwintas niya. "Oooy," angal nito kahit na nakapikit pa rin ang mga mata. "Ako na magtanggaaal...ako naaa." Hinawi niya ang kamay ni Mateo. Kukunin na kasi sana ng lalaki ang brooch ni Maxine na may disenyong pulang rosas pero dahil sa sinabi nito ay hinayaan na lang niya ang babae. Nasa kanang dibdib nakalagay ang brooch kaya medyo nahirapan si Maxine na tanggalin ang pin pero hindi naman naging imposible. "Ah!" napahiyaw si Maxine nang natusok sa pin ng brooch ang hintuturo niya. Minulat niya ang kanyang mga mata para tingnan ang sugat. May konting dugo na lumabas sa sugat pero wala namang naramdaman na hapdi si Maxine. "Naku namaaan!" angal niya sa sariling katangahan. Isusubo na niya sana ang hintuturo sa bibig para patigilin ang dugo, pero hindi na niya ito nagawa dahil hinablot na ni Mateo ang kanyang kamay at mabilis na dinilaan ang kanyang diliri. Hindi napigilan ni Mateo ang sarili nang maamoy ang nakakapang-akit na halimuyak ng dugo ni Maxine. Ito ang unang pagkakataon na nakaamoy ng ganito katamis na dugo si Mateo, tila ba na iniimbitahan siya nito na tumikim kahit isang patak lang. Nadala sa tukso si Mateo at nilapat niya ng bahagya sa kanyang labi ang daliri ni Maxine para sipsipin ang natitirang dugo pero nang namalayan niya ang ginagawa ay kaagad niyang binitawan ang kamay ng aktres. Umubo ng mahina si Mateo at mabilis na dumistansya kay Maxine. "Lashing ka rin baaa?" anito. [A Week After the Accident: Present] Nasa kuwarto muli ni Maxine si Mateo. Mahimbing na natutulog na sa kama ang dalaga. Bumalik na rin sa dating kulay ang balat nito na kani-kanina lang ay sing putla ng papel. Habang nakatayo sa gilid ng malawak na kama ni Maxine ay napatingin si Mateo sa life size na salamin na nasa harap niya lang. Napahawak siya sa gilid ng kanyang leeg na may bakas ng dalawang matalim na ngipin. Unti-unti na itong naghihilom kaya hindi na gaanong mapula at medyo malabo na. Hinimas-himas niya ito at nasabi sa sarili ang mga katagang, "I messed up."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD