Season 1: Chapter Four

2604 Words
M A X I N E 6:30 pa lang at gising na ako. Dapat sana ay wala akong pasok sa umaga, pero dahil may tumawag kay Mateo kahapon pagkatapos ng guesting ko ay bigla akong nagka-schedule ngayon. Kung mamalasin nga naman. Imbes na may plano akong magpa-beauty care sa umaga bago sana umattend ng isa na namang audition para sa main role ng isang drama. Pero may nabanggit din sa akin si Lourdes noong isang araw tungkol sa bago kong commercial contract. Well, ito na nga ata siguro ‘yon.  Bumangon na ako sa kama at pumunta ng kusina. Kinuha ko ang naka-ref na almusal ko, pasta lang naman at clubhouse sandwic ang mga ‘to. Saka inilagay na sa loob ng microwave para initin. Pagkatapos ay uupo na sana ako sa hapag para kumain nang biglang tumunog ang doorbell.  Napatingin ako sa orasan, 6:49 na, malamang ay si Lourdes na itong dumating na alas siyete ng umaga madalas dumadating para ayusin ang mga gamit ko. Hindi na ako kumibo at kakain na sana nang tumunog ulit ang doorbell. “Anong problema ng babaeng ‘to at bakit hindi na lang siya pumasok kaagad? Para namang hindi niya alam ang passcode ng penthouse.” Isusubo ko na ulit sana ang clubhouse sandwich nang tumunog na naman ang doorbell. Sa pagkakataon na ‘to ay tatlong beses nang pinindot ng kung sino mang tao ang button. Baka hindi ‘to si Lourdes. Tumayo na ako at tumungo ng pinto. Inasahan ko na magiging pamilyar sa akin ang mukha ng taong nasa likod nito. Iilan lang naman kasi ang may alam ng lugar ko. Sinilip ko muna ang monitor ng camera sa labas para tingnan kung sino ito bago buksan. Laking gulat ko nang nasobrahan naman ata sa pamilyar para sa akin ang mukha ng taong ‘to. Dali-dali kong binuksan ang pinto. “Sir!What brings you here?" bati ko sa manager kong nakasimangot na naman sa akin. "Pasok ka, sir," aya ko sa kanya saka tumabi sa pinto. "Did you just wake up?" tanong niya sa akin.  Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Medyo dugyot pa kasi ang itsura ko. Suot ko ang silk kong kulay puti na pares ng pajama, nakapaa lang din ako at hindi pa nakapagsipilyo. I have my bare face, wala na akong suot na makeup. Malamang ay tinaggal na ito ni Lourdes habang papauwi kami kahapon. Alam ko kasi naaalala ko ang pagdampi ng malamig na wipes sa mukha ko. Nakatulog na naman kasi ako sa byahe dahil sa nakakapagod na meeting at guesting.  Habang iniimbitahan siya papasok ay bigla akong may naalalang bagay.  "Uhm, bumalik ka ba dito kagabi?" Natatandaan ko kasi na nagising ako kagabi at may mga kakaibang bagay na nangyari. But since I woke up fine and healthy, I supposed it was all a dream. Imposible rin naman kasi na magteleport sa kuwarto ko si Mateo. Siguro nasobrahan lang ako sa pagtatrabaho at pati manager ko ay napapaginipan ko na rin. Hindi niya ako sinagot but instead he just stared at me. It was kind of awkward that’s why I said, "Never mind." At nagmadali nang umupo sa lamesa ko para kumagat ng clubhouse sandwich.  "Uhm, have you eaten yet… sir?" tanong ko sa kanya. Umupo lang kasi siya kaagad sa sala. "Yes, so have yours quickly. We'll leave by 8:30," banggit niya tapos ay kinuha ang magasin sa ilalim ng maliit na lamesa ng sala.  "S-Sure."  Nasa tapat lang kasi ng kusina at hapag ang sala, at tanging ang dalawang baitang lang na hagdan at platform ang humahati ng sala at kusina. It's not like I need an enormous kitchen, tuwing almusal lang naman ako dito kumakain kaya hindi na kailangan ng malaking espasyo para sa kusina at kainan.  Sinunod ko lang ang utos ni Mateo at mabilis na tinapos ang almusal ko. Naligo at nagbihis sa pinakamabilis na paraan at saka nag-ayos na rin ng sarili.  "Nasaan ba si Lourdes at Ran at hindi sila ang sumundo sa akin ngayon?" tanong ko nang dumaan ako sa sala para kunin ang cellphone kong naiwan sa kusina.  "Ran has to drive another artist, and Lourdes' has an urgent business to attend. I assume it's about her family."  Naintindihan ko ang tungkol kay Lourdes, nabanggit na niya rin naman sa akin noong isang araw na may sakit ang kapatid niya at nasa ospital. Kaya salitan sila sa pagbabantay dito.  "But, why do you have to let Ran drive for the other artist? Driver ko siya," reklamo ko.  I have the right kasi ako ang pumili sa kanya na maging driver ko. Ran is basically my second cousin. Batugan kasi siya kaya naman lumapit sa akin ang nanay niya para bigyan siya ng trabaho. Eh, sakto na wala pa akong permanent driver noon kaya naman siya na lang ang pinasok ko. Madalas nga lang absent kaya madalas si Mateo ang nagmamaneho ng van ko.  "He needs to be flexible," maikli nitong sagot.  Ipinitik ko na lang ang dila ko tapos ay padabog na bumalik ng kuwarto para tapusin ang pag-aayos ko.  I choose to wear my comfort outfit. Dahil wala si Lourdes ngayon para tulungan ako ay namili na lang ako ng damit na komportable akong suotin. I choose my tan and fit one shoulder top, it has knitted lines that surely highlights my bust and curves. I also have my white palazzo pants that has beautiful soft fabric. And to complete the look, I put a tan belt with square shaped buckle on the pants to emphasize my small waist.  Ito ang comfort outfit ko. Fitted top and loosed pants makes me comfortable to move around. At saka ito lang din naman talaga ang combination na alam ko. I only look fashionable because of my stylists. Kung wala sila, malamang nag-mukhang ukay-ukay ang suot ko dahil sa kakaibang combination ng mga suot ko. Sumaglit ako sa walk-in closet ko para kunin ang nude na stilleto heels ko para ready to go na ako. "Took you so long. Let's go." Pagmamadali ng manager ko at tumayo na kaagad habang nakatingin sa relo niya.  Kagyat ko naman na kinuha ang maliit kong kulay puti na rectangular bag na limited edition ng isang sikat na fashion brand.  Sa pagmamadali ni Mateo, two minutes after kong magbihis ay nasa loob na ako ng van. The hell, nagmamadali talaga siya, ano. Hindi ba siya marunong kumalma?  Tahimik ang sasakyan habang nasa biyahe kami. Usually kasi ay maingay ito dahil sa mga paalala ni Lourdes o kaya naman sa mga pinapatugtog ni Ran. But now that it's just me and Mateo, the atmosphere is not just quiet but also a little bit awkward. Konting awkward lang kasi hindi naman siya nagsasalita. As long as he keeps his mouth shut, Mateo is a handsome and completely decent man.  Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, pula ang kulay ng traffic light kaya ito ang tamang oras para tingnan ang cellphone ko.  Sa kasamaang palad ay mukhang maling ideya ang buksan ang cellphone ko ngayon. Dahil isang balita ang bumungad sa akin sa notification center ng cellphone ko na tiyak na nakakapanira lalo ng umaga.  "Stella Thompson to star in a new drama series." I sighed. "Kita mo nga naman, may kumukuha pa pala sa babaeng 'to?" mutawi ko na patuloy pa rin ang pag-scroll sa news article. "Jared Heart? Naku! I'm sure kinumbinsi niya ito gamit ang kamandag niya. Eh, wala namang katalent-talent itong babaeng 'to," dagdag ko pang daldal.  "Sino ba 'yan? You seem ready to get locked up in jail with such bad temper," sabad naman ng manager ko.  Narinig niya ata ang pangba-bash ko sa Stella na ito.  Napatingin ako sa rear view mirror, at nagkasalubong ang mga mata namin ni Mateo. I am honestly reluctant to tell him about this, but since I cannot contain how pissed I am right now. I might as well vent this on him.  "Uhm," I smacked my lips then said, "naalala mo ba 'yung dati, sa welcome party ng mga new artist ng kumpanya? 'Yung unang buwan mo pa lang bilang manager ko?"  "Uh-huh, how about that?" "May babaeng nagtapon ng juice sa akin doon, hindi ba?"  "Oh, was that intentional? I thought you spilled the glass." "Of course, it was intentional!" napataas bigla ang tono ng boses ko. I looked at him to check his reaction, Mateo just raised his brows allowing me to continue my story.  Tumikhim muna ako bago nagpatuloy. "Sorry... sir," wika ko, "So, ayun na nga. Siya si Stella Thompson. Halos sabay lang kami na pumasok sa showbiz pero duh, she obviously doesn't have the talent, ganda lang at dibdib niya ang meron siya," I bashed.  "You’re saying she’s your rival?"  "Yes! A rival! My mortal enemy, nemesis, the opposite of me, lahat-lahat na," pasaring ko. Hindi na rin naman nagsalita si Mateo. Umusad na kasi ang sasakyan na nasa harap niya at tatawid na kami ng intersection. It looks like he was just bored under the red traffic light kaya niya ako kinausap. Anyway, let's go back to Stella Thompson. As what I was sayinvg, Stella is my nemesis. Naiinggit kasi siya sa acting skills ko at sa top 1 position ko as an artist ng Axellerate. Sabay kaming pumasok pero siyempre isa lang ang pwedeng manguna, unfortunately for her, it is me.  Kagaya ko ay maganda rin siya (mas maganda nga lang ako), pero nagkulang siya sa talento. Kasi imbes na umattend ng workshops para maging magaling ay dinaan niya sa pang-aahas ang trabaho niya. She is currently dating the young boss of a famous pharmaceutical company. Hindi lang 'yan, narinig ko rin na may ino-offer siyang extra talent service sa mga direktor na interesadong kunin siya sa mga projects nila. I know it sounds sketchy. But I have known her for years now, even before our fame, that's why I am also aware that it isn't impossible to happen.  "Ah, now I know why the name’s sounds familiar," biglang sambit ni Mateo, "Stella Thompson, right?"  Tumango lang ako bilang sagot. Ano naman kaya ang narinig niya tungkol sa babaeng ‘to? "This morning's contact signing is with her. You will do a commercial together. It's a shampoo commercial, by the way."  "Ano? Bakit?"  "It's work. You can't cancel it. I already accepted the offer and give them my words. I have even informed Axel about this project."  "Why didn't you ask me about it first?" Isa pa itong si Sir Axel, alam naman niya siguro na hindi kami magkasundo ni Stella.  "When have you ever cared about your advertisement offers?" tugon ni Mateo na siyang nagpataas ng dugo ko.  Hindi ako nakasagot kaagad, at binagsak na lang ang likod ko sa sandalan. Umagang-umaga at ang dami ng masamang balita para sa akin.  "Sa susuno kapag andyan si Stella huwag mong tanggapin ang project," pahabol kong saad sa kanya. * * * Nasa building na kami at panay ang bati sa akin ng mga staff na nakakasalubong namin. Siyempre ngumiti at bumati rin ako sa kanila lalo na sa mga beterana na mga aktor. Dinala ako ni Mateo sa conference room number 7, ang panghuling conference room sa fifth-floor ng Axellerate building. Pagbukas ng white tinted sliding door ay nadatnan namin ang tatlong lalaki na naka business suit. Sa palagay ko ay sila ang advertisment team ng Perfect Soft, ang brand ng shampoo na iaadvertise namin. "Good morning, Ms. Maxine," the staffs greeted me in almost synchronous manner, "Upo po muna kayo, Ms. Maxine at Mr. Manager," aya ng lalaking nasa gitna. "Nasaan si Stella?" tanong ko nang hindi ko siya nakita sa loob. "Ah, paparating na raw po siya. Nasa elevator na po," wika ng lalaking may suot na polka-dot necktie. Ngumiti at tumango-tango na lang ako bilang sagot. Maya-maya lang ay pumawi sa tahimik na conference room ang kaluskos ng bumubukas na sliding door at iniluwa nito si Stella na halos dibdib na lang niya ang natatakpan dahil sa suot niyang push-up lace bustier at maong skirt. Napakanipis kasi ng laces at halos see-through na ito maliban sa cup sa may bandang dibdib. "Oh my gosh! I'm really sorry if I made you wait." Ang maarte niyang bungad sa amin. "No worries, Ms. Stella. Kakarating lang din naman ni Ms. Maxine." Tumabi sa akin si Stella, pareho kaming napapagitnaan ng mga manager namin. There's nothing fancy sa contract signing na ito. We just literally signed a contract as they give us the copies of the TV ad's outline. Si Mateo na ang umusisa ng presentation nila at hinayaan ko na siyang magdesisyon tungkol dito. Wala na rin naman akong magagawa dahil naaprubahan na ito ni Sir Axel. Noong patapos na ang signing ay nag-ring ang cellphone ni Mateo kaya kailangan niya itong sagutin sa labas. Samantala, inabot naman ng siyam-siyam si Stella sa pag-uusisa ng presentation nila.  Halata sa mga mukha ng tatlong staff na kabado sila at baka may mapuna si Stella at hindi na tanggapin ang commercial na ito. But obviously that can't happen. Dahil may approval na kay Sir Axel at maayos na rin itong napag-usapan ng dalawang kompanya ay hindi na kami maaari na tumanggi pa rito.  The contract has been screened and evaluated by the management, the only thing we must do is to write our name and signature on the paper.  Ang dami pang kaartehan nitong si Stella, para naman siyang kung sinong big time.  "Thank you so much for accepting our collaboration offer," sabi ng lalaking nasa gitna. Nagkamayan na kaming lahat at lumabas na ang tatlong staff.  Hindi pa bumabalik si Mateo kaya naman napagdesisyonan ko na lang na hintayin siya sa conference room. Subalit, mukhang hindi ako makakapaghintay ng tahimik dito dahil nagpaiwan din sa silid si Stella. Malamang ay gusto na naman niya akong tarayan. "Akala ko hindi mo tatanggapin ang commercial na 'to kasi andito ako," wika niya na nakasandal sa lamesa. Nakaupo pa rin ako kaya naman kailangan ko pang tumingala para lang matitigan siya sa mga mata ng diretso. "Abala akong tao, Stella. I don't have the time to check the people involved in every project I have. Ang dami kasi, eh," pang-uudyok ko sa galit at inggit niya. “Besides, I’m a pro. I don’t mix my personal affairs with my job.” Kung gusto niya ng inisan, I won't say no to it. Dahil sa aming dalawa alam ko na siya ang may mas maraming rason para mainis sa akin.  I flashed a quick smirk to end the small argument. I feel good seeing her speechless face.  Tumayo na ako at maglalakad na sana palabas ng conference room nang nagsalita ulit si Stella.  "May bago akong serye, at magsisimula na ang shoot next week. Gagalingan ko para naman makapagpahinga naman ang serye mo, hindi ba nakakapagod ang palaging nasa tuktok? Mahirap na at baka lumagapak ka bigla pababa," she threatened.  Lumingon naman ako na nakangiti. Wala na ba siyang iba na pwede sabihin maliban sa biglaan kong pagbagsak?  " Give it a try. Okay lang naman sa akin na lampasan mo ang serye kong ‘yon. It's not like it is the only high rating drama I starred." I scoffed to mock her simpleton mind.  Tumalikod ulit ako sa kanya, I am ready to leave the conference room when I suddenly felt dizzy. Napahawak ako sa dingding para hindi matumba. Naging doble-doble sa paningin ko si Stella. At sa hindi malaman na dahilan ay pamilyar ang pakiramdam na ito. Kailan ko nga ba ito naramdaman? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD