* * * “Mateo… Sir Axel… everyone. It seems like I have to fight six vampires all by myself.” Hindi maiwasan na mag-alala ng grupo ni Axel at Mateo nang marinig nila ang mga salitang ito mula kay Maxine. Gustohin man nila na tumungo sa kinaroroonan ng aktres ay hindi nila ito magawa dahil maliban sa abala sila sa labanan ay hindi rin nila alam kung saang silid ng hotel naroroon ngayon si Maxine. “What should we do, Mateo?” tanong sa kanya ni Miller na kasalukuyang nahiwalay sa kanila sa kalagitnan ng pagpapalit nila sa mga vampire fluid. “Come here with us first. We need you here to strengthen the forces against the ambush. Mabuti na lang at wala silang alpha vampire, they are vampirized humans with gamma rank, so just the three of you alphas and two betas will be enough to fight this

