M A X I N E Marami nga sila pero hindi rin naman ganoon karami para palibutan ang buong hotel building. Katatapos ko lang magbigay ng instructions kina Mateo. Hindi pa man ako kumbinsido sa sarili kong mga salita ay kaagad naman itong nawasak nang makita ko ang mga mukha ng limang cameraman na naka-pwesto sa loob ng event hall. They don’t look familiar to me. All of them. It might be natural, and I might sound a little bit too anxious about it but these men are certainly not part of the production crew of the organizers. Hindi rin nagtagal ay kaagad kong naramdaman ang presensya ng tatlong gamma vampires at dalawang beta. Kumpirmado, tauhan nga silang lahat ni Ronaldo. I sighed. It’s bold of me to think na hindi kayang palibutan ng mga tauhan ni Ronaldo ang hotel kung kaya naman pala

