MARINO SERIES: COME BACK HOME
Chapter 1: Types of Marino
“There are types of Marino: ‘The Manloloko’, ‘The Loyal’ and ‘The Faith’. Kung nasa manloloko ka, iwan mo na. Wala ‘yang gagawin sa buhay kundi ang paiyakin ka at iiwan ka rin naman sa dulo kaya what the sense of staying diba? Parehas lang kayong nag lolokohan pero mas niloloko mo lang ang sarili mo.
Second, The Loyal. Loyal, loyal, loyal. Ang daming nag sasabi na mga marino na loyal sila, and yes! Maraming loyal sa kanila pero hanggang loyal nalang talaga. Mga marinong loyal sa asawa o girlfriend pero at the end of the day medyo totoo, hindi todo. Mga marinong puro medyo lang, medyo totoo pero totoong na aattract at napapatingin pa rin sa iba. Kaya kung ako sayo iwan mo na rin ang ganito dahil attracted pa rin sa iba.
The last but not tha least, The Faithful. Mga marinong gagawin ang lahat para sa taong mahal. Marino na sa asawa/girlfriend lang na attract at lumilingon. Mga marino na kasama na ang taong mahal sa bawat plano sa buhay, hindi lang pag tapos nang araw kundi pati na rin sa panghabangbuhay.
Pero hindi naman lahat ng case ay ang marino ang nang iiwan at nag loloko. Minsan ang mga partner rin nila, mga kinulang sa kamot na mga babae at maghahanap nang iba dahil wala ang asawa o girlfriend nila sa tabi nila.” mahabang sabi ni Ria.
Napatingin lang kaming tatlo sa kanya. Bat kaya hindi nya iniwan agad ang ex nya dati kung nasa part naman ‘yon nang manloloko?
Napa-irap nalang ako. Mga magagaling mag advice pero hindi kayang i-apply sa sarili. Si Ria, ang babaeng sinaktan, niloko at iniwan nang isang maino. Marino na walang ginawa sa buhay kundi ang sumisid at balak na rin ata lahat ng babae ay sisirin nila.
“Edi hindi na kami pupunta sa inyo mamaya,” walang gana kong sabi. Wala naman talaga akong balak na pumunta sa kanila. Mas lalo na’t party daw yun ng kapatid n’yang marino kaya syempre asahan na pati bisita ay marino.
“Kailangan nyong pumunta. Sinabi ko na kay tita na pupunta kayo kaya nag pabili na sila nang alak para satin!” excited na sabi nya.
“yun naman pala!” react ni Bella. Basta talagang usapang alak ay mabilis silang tatlo.
Tatlo lang naman silang kaibigan ko. Apat lang kaming nag lolokohan na magkakasama at pati na rin sa inuman. Sino ba naman ang ayaw sa alak at mag celebrate sa lahat nang achievements.
“Basta konti lang ako” napatingin kaming lahat kay Ricca.
“Lagi naman,” sabay-sabay naming sabi. Malayo kasi ang bahay ni Ricca kumapara sa’min. lahat kami ay nakatira sa iisang compound at sya ay sa kabalang ibayo pa. kaya naman sa tuwing may inuman ay konti lang ang pinapainom namin para may malay pa sa pag uwi.
“Wag ka nang umepal dyan. Ang lapit lang nang bahay natin sa isa’t-isa tapos di ka pa sasama?” nag kibitz balikat nalang ako. Wala naman akong magagawa, kahit sabihin ko na ayaw ko ay marami silang hinda na plano para makasama ako.
Si Ria Fernandez. ang pasimuno nang lahat nang katarandaduhan. Isa s’ya sa mahilig uminom after nang malaman nya na niloloko lang pala sya nang ex nya. Wala naman kaming magawa, binigay nya ang lahat-lahat sa lalaking yun pero at the end iniwan pa rin sya. Ang ex niya na belong sa THE MANLOLOKO.
Si Bella Corazon. Babaeng go na go sa inuman tapos kinabukasan walang ipapasang assignment. Wala syang past, wala rin syang balak sa kahit sinong lalaki basta ang sa kanya lang ay alak. Alak lang sapat na.
Si Ricca Castillo. Ang pabebe sa lahat nang pabebe, mahinhin kunwari pero impokrita sa tuwing nakakaharap nang lalaki. Gusting-gusto na mag kajowa kaya pati pag tatantan ay gagawin at lulusungin.
At ako. Si Catalina Reyes. Isa lang akong magandang dilag sa paningin ko sa salamin, kayo na ang bahay humusga nang ugali ko total naman maraming mapanghusga sa bansang pilipinas.
“Konti lang rin sakin.” Tinaasan ko sila ng kilay nang akmang tutol pa sila. Alam naman nilang ayaw ko na may lalaki sa inuman. Bukod sa delikado, ang panget tignan nang mga ganon.
Inayos ko na ang laman nang bag ko at tumayo. Ganon na din sila. Wala nanaman balak pumasok ang prof namin kahit ito na ang huling lingo na mag tuturo siya. Dumiretso na kami sa sakayan nang jeep. Dukha lang naman kami, walang pagmamay-aring kumpanya katulad nang nababasa nyo sa w*****d at mas lalong walang sasakyan. Hindi nga ako marunong mag bike mag drive pa kaya.
“Mag bibihis muna ako samin. Ikaw, kela Ria ka muna?” baling ko kay Ricca.
“Oo. Uunahan ko na kayo kumain.” Tumango-tango nalang ako.
Tahimik lang kami buong byahe. Kanya-kanyang type sa cellphone hanggang makarating kami samin. Ganito lang naman kami buong byahe lagi. Dipende nalang kung may bagong issue sa room na kumakalat at pag tinitira kami nang mga mapanirang tao. Naalala ko no’n nang tinira kami ni Bea the pabebe.
Ang sarap niya nang hablutin dahil sa sobrang painusente pero lakas makasira nang puri. Kailangan lang maging kalmado, habang sila ay di na matigil sa pag skandalo sa likod nang stage. Wala naman akong pake kung masira ako sa kanila. Wala akong pake kung anong isipin nila sakin dahil mas kilala ko ang sarili ko kesa sa kanila.
“Pumunta ka dito agad.” Paalala ni Ria sakin ng madaanan na namin ang bahay nila.
“Oo na,” walang gana kong sabi. Sumilip ako sa bandang pinto nang bahay nila. malakas ang tugtog at may mga lamesa sa bakuran nila.
Nag umpisa na ako mag lakad mag isa.isa sa dahilan kung bat ayaw ko pumunta sa kanila ay dahil nandyan ang kuya nya. Ang paepal nyang kuya na walang ginawa kundi ang mang-asar at manira nang mood sa tuwing nakikita ako.
Pag bukas ko ng pinto nang bahay ay sumalubong sakin si Mama na nakahiga sa sofa. “Nandito na ako, ma.” Bati ko.
“Pumunta kanina dito si Elvie. Nakauwi na pala ang kuya ni Ria” salubong ni mama. Ngayon wala na akong takas.
“Oo ma. Punta ako ngayon sa kanila.” Hindi ko naman na narinig na nag react si mama.
Sigurado naman na pinagpa-alam na ako ni Tita Elvie kay mama. Alam naman nila na kami palagi ang magkakasama, at pag di ako pumunta sasabihan lang ako ni mama na walang pakikisama.
Nag bihis na ako at pumunta na sa bahay nila Ria. Katulad nang inaasahan ay marami ngang bisita ang kuya nya. Mga classmates nya ata dati yon dahil ang iba ay medyo pamilyar na sakin.
“Tangena nitong ni pareng Miguel. Akala ko wala nang balak bumababa ng barko.” Rinig kong sigaw ng kuya ni Ria.
Miguel? Binuksan ko ang pinto at nagulat silang lahat ng makita ako. Ang iba naman ay kumaway pero ang atensyon ko ay nasa isang tao lang.
Si Miguel.
Hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat nilang makita mula sakin. Nakatingin lang ako sa kanya, ganon na rin sya sakin na gulat na gulat.
“Muling ibalik ang tamis nang pag-ibig” natatawang kanta ng kuya ni Ria.
Lumapit ako sa kanila at agad na binatukan sya. Paepal talaga kahit kalian tong lalaki na ‘to. Pumunta na ako sa pwesto nila Ricca na nakatingin samin at nakangisi. Ito na nga ba sinasabi ko!
TAHIMIK lang ako sa gilid habang hawak ang isang baso na puno ng Emperador. Nagkakasiyahan silang lahat, sila Ricca at Ria na nasa tabi ng videoke at ang iba na lango na sa alak.
Bat pa sya bumalik? Bat pa sya pumunta dito. Alam naman nya na ayaw ko syang makita pa-NO. Hindi nya nga pala alam na ayaw ko na syang bumalik pa.
Ayos na ako. Mas maayos na ako sa maayos.
“Malakas ka nanaman pala uminom,” hindi ko namalayan na nasa tabi ko na sya. Hindi ako umimik. Alam ko na gusto nya ako maka-usap. Kanina ko pa sya minamatyagan pero hindi siya makahanap ng tyempo para lapitan ako.
“Sorry,” sorry?
Sorry para san? Sorry para sa pang iiwan nya sakin ng walang kahit anong salita, o sorry dahil niloko nya ako at sinira nya ang pangarap naming dalawa para sa isa’t-isa?
Natawa nalang ako nang hindi tumitingin sa kanya. Ilang taon na rin yun. Ilang taon na rin akong nag tatanong sa sarili ko. Kung ano ba ang naging kasalanan o pagkakamali na nagawa ko para iwan nya nalang ako ng parang pusa.
Iniwan nya ko na parang isang pusa na niligaw dahil ayaw na sa kanya ng sariling amo.
Ayaw. Hahaha.
“Alam kong galit ka sakin pero hayaan mo akong bumawi ulit sayo, Catalina.”
Seryoso ang boses nya. Tumingin ako sa kanya at umiling.
“Wala ka naman kailangan bawiin. Hindi mo kailangan bumawi dahil matagal na tayong tapos. Matagal na tayong tapos. Pagtapos kong malaman ang lahat, Miguel.” Napakagat ako ng labi ko. Pakiramdam ko ay papatak nanaman ang luha ko ng dahil sa kanya.
Nakakasawa na. nakakasawa umiyak sa isang tao na paulit-ulit ang rason.
“Hindi naman tayo nag hiwalay,” hindi ba?
“Matagal na tayong hiwalay, Miguel. Wag na natin lokohin ang sarili natin.” Tumayo ako mula sa pag kakaupo ko at pumunta sa tabi nila Ria.
Matagal na tayong tapos Miguel.
“Uuwi na ako” paalam ko sa kanila para huminto sa pag kanta si Tita Elvie.
“Uuwi ka na agad?” tumango ako. Dahil kung hindi pa ako uuwi siguradong puputok na ang puso ko.
“Mag-usap nalang muna kayo ni Miguel doon sa gilid” sabay turo ng kuya ni Ria ang pwesto ko kanina.
“Whatever. Madapa k asana.” Sabay irap. Paepal talaga.
“Bat ang aga?” tanong ni Bella na nasa lamesa pa rin. Hindi naman sya umiinom. Kanina pa sya kain nang kain.
“May assignments tayo. Ako na gagawa o wag na kayong kokopya bukas?”
“Umuwi ka na nga!” sabay tulak sakin ni Ria. “Galingan mo sa assignment natin!”
Pahabol nyang sabi bago kumaway. Mga tamad talaga.
Imbis na umuwi ay pumunta muna ako sa isang parke.
Gusto ko munang ilabas ‘tong mga luha na to. Pakiramdam koay bumalik nanaman ang sakit nang ginawa nya dati.