Chapter 2: EPIC COME BACK
Chapter 2: The Epic Comeback
“Anong tingin nya sakin Mobile legend para mag karoon nang epic comeback?” inis kong sabi bago sinipa ang isang maliit na bato sa daan.
Ilang taon na rin yun. Ilang taon na simula nang makita ko sila ni Sam na magkasama at nag lalampungan. Ilang taon na simula nang iwan nya ako at nawalan ng paramdam. Ng mga oras na ‘yon pakiramdam ko ang dami kong pagkukulang sa kanya.
Pagkukulang na kay Sam nya lang kayang makita. Sino nga naman ba ako diba? Isa lang naman akong happy-go-lucky na babae. Hindi sexy, hindi matalino, hindi mayaman at mas lalo nang hindi katulad ni Sam.
Fuck that favouritism! Kahit kalian hindi ko kaya manalo. Kahit kailangan hiindi ko kaya maging paborito ng lahat.
Well, I don’t care. Wala akong pake sa nararamdaman nila at iisipin. Sawa na ako, sobra.
Sabado na ngayon. Ibig sabihin ay wala na kaming pasok bukas. Huling araw na namin at nag hahanda nalang kami para sa final exam. Buti nalang ay maayos na ang lahat ng papers ko para sa OJT ko next sem at hindi ko na kailangan pa lumakwatsa.
Ilang araw na rin pag tapos nang party sa bahay nila Ria at simula na rin ng araw na rin na yun ay hindi na sya tumigil sa pangungulit.
Araw-araw nalang syang nasa bahay at may dala nang kung ano-anong pasalubong para sa kapatid ko at kay mama. Madalas nga’y napapagalitan na ako ni mama dahil hindi ko sya pinapansin sa tuwing nasa bahay sya.
Hindi ko lang masabi kung anong ginawa nang lalaking ‘yan sakin years ago.
“Kawawa naman yung bato” napalingon ako sa nag salita. Nakangiti sya sakin at kumaway nang lingunin ko sya.
Inirapan ko nalang sya at binilisan mag lakad. Baka mamaya ay may makakita pa sa’min dito ma-issue pa ako.
“Bakit ka ba nandito?” huminto ako sa paglalakad bago siya hinarap. Ang kulit nya sobra.
“Aayain lang naman kita kumain sa amuyami. Kaso mukhang bitter ka pa rin dyan,” bitter?
Ang kapal naman talaga ng apog ng lalaki na to? Ako pa talaga ang mukhang bitter ngayon. Kung maging bitter man ako ay may karapatan ako dahil ako ang ginago at iniwan.
“Hindi. Ako. Bitter. Ang kapal naman ng mukha mo,” tumaas ang kilay nya bago ngumisi at lumapit sakin. Papalapit sa mukha ko at sa labi ko.
“Hindi ba? Edi sumama ka sakin kung hindi ka talaga bitter,” ngumisi sya bago lumayo.
Agad akong napahinga ng malalim sa ginawa nya. Akala ko naman ay hahalikan nya ako dito. Dito kung saan nanaman nakatingin ng masama ang ibang classmate ko.
“Hindi mo ako mauuto,” sabi ko at binilisan ulit ang paglalakad at nilagpasan ang mga classmate ko na echosera. Sigurado ako na mamaya ay may panibagong issue nanaman na lalababs tungkol sakin. Doon naman sila magaling. Ang gumawa ng issue na ikakasira ng iba.
Ramdam ko naman na nakasunod pa rin sya sakin. Hindi sya umiimik at nagsasalita pa. mas mabuti na rin yun kesa mag umpisa pa ulit syang mag salita na puro pang-asar.
Pasakay n asana ako ng jeep pauwi ng hatakin nya ako papalapit sa isang sasakyan.
“Ano bang problema mo?” inis kong tanong sa kanya.
“Get in” sinunod ko ang gusto niya. Pumasok ang sa loob nang sasakyan at mabilis din syang sumakay sa kabila ko.
Kailan pa sya nag karoon ng sariling sasakyan? Ang alam ko ay mas uunahin niya ang bahay kesa sa mga ganitong bagay.
Hay, ano pa nga ba aasahan ko? Marami ng nag bago. Katulad niya. Humanap ng panibago.
“Saan ba tayo pupunta?” mahinahon kong tanong bago tumingin sa labas.
“Kakain sa labas. Kanina pa ako nag hihintay sa labas ng building nyo kaya di pa ako nakakain,” binuhay niya na ang makina at nag umpisa na mag maneho.
“sinisiraan ka pa rin ba nila?” umiling ako.
Hindi naman na. ewan. Siguro. Pag tapos naman nang nangyari dati ay hindi na ako masyadong lumalapit sa kanila at kay Ria nalang ako nalapit.
“Hindi ko alam,” kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at inumpisahan mangalikot. “Sayo to?”
“Oo. Binili ko to pag-uwi ko.” Diretso niyang sabi bago hininto ang isang sasakyan sa isang subdivision.
“Akala ko ba bahay ang una mong bibilhin?”
“Meron na,” hindi naman halata na proud na proud sya.
Buti pa sya may naipundar na. Samantala ako, tinatapos pa rin ang pag-aaral.
Napangiti nalang ako. Naalala ko ang mga plano namin dati na unti-unti nyang tinutupad nang mag-isa ngayon. Mga plano namin dalawa na sabay sana namin bubuuhin pero sadyang mapaglaro ang tadhana e’.
Minsan naiisip ko. Bat hindi nalang kaya hayaan nang tadhana na maging masaya ang mga taong tunay na nag mamahal at di na saktan? Pero wala. Wala talagang makakapag sabi. Dahil kahit gaano pa kayo katagal kung hindi kayo tinadhana sa isa’t-isa ay wala rin.
Yung pagpagawa ng bahay. Isa sa plano namin ‘yon. Hati kami sa gagastusin at ako ang mag dedesign nang sarili naming bahay.
“Wag mo ko masyadong isipin,” sumama ang tingin ko sa kanya.
“Wag kang feelingero. Hindi naman ikaw ang iniisip ko,” kahit kailan talaga.
Kahit medyo hambog sya minsan, kahit medyo makulit sya at minsan nag kakapikonan kami dati. Minahal ko naman sya. Sobra ko syang minahal.
Miguel.
Si Miguel Santos. Ang ideal guy ko, masipag, matalino at mapagmahal pero katulad nang sabi ni Ria. Ang mga marino ay may iba’t-ibang klase at ang masasabi ko si Miguel ay nasa LOYAL.
Loyal sya sakin pero nakuha tumingin sa iba. Loyal sya pero hindi naging sobrang totoo. Loyal sya pero iniwan niya ako. Ano pa nga ba aasahan ko sa isang marino?
Paswertehan nalang ngayon ang makakita ng FAITHFUL.
“Mamatay na sana ‘yang iniisip mo,” rinig kong bulong niya.
“Selos ka naman?”
“Hindi no! alam ko naman na ako lang ang mahal mo,” proud nanaman nyang sabi sakin bago ngumiti.
Ang lakas talaga ng sapak nitong lalaki na ‘to. Sobrang laki.
“Nandito na tayo,” hininto niya ang sasakyan sa isang bahay.
Bumaba na ako ng sasakyan at tinignan ang buong paligid. Walang tao sa labas at sobrang tahimik.
“Tara” sabi niya bago hinila ang kamay ko at pumasok sa bahay na hinintuan namin.
Ito na ba ang bahay na pinagawa nya? Bat sobrang familiar?
“Bahay mo ‘to?” tumango sya bago humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Bahay natin.”
BUMUNGAD ang isang malawak na sala ng buksan niya ang pinto. Hindi pa gaano karami ang mga gamit pero halatang inuunti-unti na. pumasok kami sa loob, ang ganda.
“Nagustuhan mo?” wala ako sa sariling tumango.
“Naalala mo ‘to?” ngumiti siya sakin at tinuro ang parte ng sala. “Sabi mo sakin dati, gusto mo malawak ang salas. Dito kasi mag tatakbuhan ang mga anak natin.” Malungkot niyang sabi.
“Miguel,” tawag ko sa kanya pero ngumiti lang ulit s’ya at dinala ako sa isang nakasabit sa dingding.
“May ipapakita pa ako sayo,” pumunta kami sa isang bahagi ng sala. Isang bagay ang nakasabit kung saan natatabunan ng puting tela.
Napa-nganga nalang ako ng hilahin niya ang puting tela na nakaharap sa isang malaking frame. Picture naming dalawa. Nang araw na ‘yon.
“Sabi mo sakin dati. Ilalagay mo ang wedding picture natin sa mismong parte na ‘to, para malaman nang lahat ng papasok na satin ‘to. Na asawa kita at asawa mo ko.”
Napatitig ako sa larawan na nasa harap ko. Ang saya ko dyan. Ang saya-saya namin dalawa dyan. Ang araw nang kasal namin na hindi alam ng magulang namin.
Agad na kumirot ang dibdib ko. Bat ang sakit?
Bat ang sakit makita na binuo niya ‘to na siya lang mag isa at paano si Sam?
“Pero wala na tayo,” mahina kong sabi sa kanya.
Hindi na pwedeng maging kami dahil sila na ni Sam. Nakita ko mismo sa dalawang mata ko ang nangyari, kung paano siya sumampa ng barko ng hindi nag papakita sakin.
“Merong tayo,” madiin niyang sabi at hinarap ako sa kanya.
“Hindi ako pumayag na mag hiwalay tayo, Catalina.” Umiling ako.
“Pero niloko mo ko,” naramdaman ko na ang unti-unting pag tulo ng mga luha ko. Niloko niya ako. Sobrang sakit.
“Hindi kita niloko. At kahit kalian hindi kita lolokohin,”
“PERO ANO YUNG NAKITA KO?!” sigaw ko sa kanya bago kinuha ang kamay ko sa kanya, “bat mo ako iniwan ng walang pasabi” bulong ko.
Bat mo ko niloko kinabukasan ng kasal natin, Miguel. Bat ko kayo nakita ni Sam.
“yung nakita mo lasing sya,” umiling ako. Sinungaling!
“Hindi ako naniniwala,” malungkot s’yang ngumiti sakin bao hinawakan ang mukha ko.
“Ayo slang kahit hindi ka maniwala. Ayos lang kahit di ka mag tiwala. Hayaan mo lang akong patunayan na mahal kita.” Pinunasan niya ang luha ko sa mukha bago ako hinalikan sa noo.
“Ang sakit makita na umiiyak ka ng dahil sakin. Please, stop.” Niyakap niya ako. Sa harap ng larawan naming dalawa kung saan parehas kaming masaya.
I hate this. I hate this feeling. Galit ako sa kanya pero bat ganito nanaman ako? Umiiyak nanaman ako dahil sa nangyari dati. Umiiyak nanaman ako dahil iniisip ko nanaman ang pagkukulang ko.