JOYCE POV "Talaga? Ang ganda nga eh... ngayon lang ako nakakita ng ganyang kagandang necklace." Sa tono ng pananalita ni mama, para bang bigla na lamang siyang nainggit sa suot na necklace ng mama ni Aldrin. "Really? Marami akong alahas sa bahay namin, pwede naman kitang regaluhan kung gusto mo. And take note, kapag nagbigay ako ng alahas, never ko naman itong binabawi." Kitang kita ko naman ang pag kislap ng mga mata ni mama. Palibhasa kasi, puro fake lang ang kaya naming bilhin. Kung makabili man kami ng original, siguro aabutin ng ilang buwan ang pagbabayad kaya hindi praktikal. "Yes po tita Helen, marami talagang koleksyon si Mama na mga alahas. Yung iba doon, minana niya po sa lola ko at yung iba ay talagang binili niya kapag nag out of country kami." "Tomorrow sana kung gusto

