JOYCE POV Tatlong araw pagkatapos naming kumain sa mamahaling restaurant, sariwang sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari. At tatlong araw ko na ring hindi kinikibo si Aldrin. Naiimbyerna ako sa kanya dahil inilihim niya sa akin ang pag aasawa niya sa New York! At ngayong araw, nagkataon na free si Kyla kaya we decided na magkita kami sa isang restaurant. Sa katunayan pa nga, ngayon ko lang sasabihin ang tungkol rito sa kanya. Pero bago ko aminin sa kanya ang totoong nangyari, isang tanong muna ang pinakawalan ng labi ko. "Gaano mo kakilala si Aldrin?" tanong ko habang diretso ko siyang tinitingnan sa kanyang mga mata. Napahinto siya sa pag inom niya ng shake, "Wow! Ang lalim naman kaagad ng tanong mo ghorl! Bakit naman? Siguro kayo na noh?" "Nagsasabi ba siya sayo tungkol sa

